CHAPTER NINE
"Friend, look at the guy with pink shirt! He's so cute!"
"Ohmygosh! Ang pogi!"
"Kaso mukhang taken na si kuya.."
"OMG! Nginitian nya ako!"
Hindi ko na lang pinansin ang mga bulungan ng ilang mga babae habang nakapila kaming dalawa ni Wave sa cashier. Mabilis lang akong nakapili ng mattress nya at isang maliit na electric fan.
Tiningnan ko si Wave na nasa likod ko. Palinga-linga sya sa paligid nya at kung minsan ay may nginingitian sya o kaya naman ay may kinakawayan. Hindi ko alam kung friendly lang talaga ang isang 'to o sadyang feeling close lang sya.
"Wave." Tawag ko sa kanya dahil medyo naiiwan na sya sa pila. Lumapit sya sakin at parang bata na kumapit sa laylayan ng t-shirt ko. Sabi ko kasi sa kanya kanina ay kapag nawala sya ay hindi ko sya hahanapin.
"Anong ang bagay na iyon, Avalon?" Tiningnan ko ang tinuturo ni Wave.
"Bike."
"Bay–kk?" Kunot noong ulit nya sa salitang sinabi ko, "Ano ang gamit ng bagay na iyon?"
"Parang–" Uhh, ang hirap mag-explain. Feeling ko talaga ay tumutula ako kapag kausap ko si Wave, "Isang uri ng bagay na pwedeng sakyan at gawing transportasyon."
"Ahh, pwede ko bang kuhanin iyon?" Nanlaki ang mata ko sa tanong nya.
"Syempre hindi. Binibili iyan." Mabilis na sagot ko. Baka mamaya ay mapagkamalan pa kaming magnanakawa dito kapag bigla na lang nya kinuha 'yung nakadisplay na bike.
"Bili tayo!" Excited na sabi nya.
"Hindi pwede." Sabi ko. Hindi ko na sya kinausap dahil kami na ang nakasalang sa cashier.
"Two-thousand five hundred twenty-six po lahat, ma'am." Sabi ng babae sa cashier. Inabot ko na ang bayad sa babae at inaya ko na si Wave pauwi. Sya ang may dala ng mattress at ako naman sa electric fan.
"Waah! Ganoon pala gamitin ang bike!" Amaze na amaze na sabi ni Wave habang tinatanaw palayo ang lalaking nagba-bike na nakasalubong namin, "Gusto ko iyong masubukan! Ikaw, Avalon, nasubukan mo na bang paganahin iyon?"
"Oo naman."
"Talaga? Masaya bang gamitin iyon? Anong pakiramdam na makasakay sa bike?"
"Masaya. Lalo na kung marunong kang mag-bike."
"Mag-bike? Mahirap ba matutunan iyon?"
"Sa una, mahirap. Puro sugat ang tuhod at braso ko noon dahil lagi akong natutumba pero tinuruan ako ng tatay ko kung paano mag-bike. Pinagtatawanan nya pa nga ako kapag lagi akong natutumba at umiiyak at lagi namang nagagalit ang nanay ko sa kanya kapag umuuwi akong puro sugat sa katawan."
"Hindi ko alam na ganoon pala kasayang mag-bike." He stated, "Avalon?"
"Hmm?"
"Bibili ako ng bike."
"Ha? Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang isang bike. Libo ang inaabot non." Paliwanag ko na hindi ko alam kung naintindihan nya ba.
"Kailangan kong makabili ng bike dahil alam kong mapapangiti ka nito."
"Ha?"
"Kanina nung nagkukwento ka ay nakangiti ka na ngayon ko lang nakita simula nung niligtas mo ako." Natahimik ako sa sinabi ni Wave. I didn't even notice that I was smiling earlier. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya at binilisan ang paglalakad.
"Wave, bilisan mo at gabi na!" Sabi ko na lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
He Who Came From Another World
Science Fiction[HIGHEST RANKING: #6 in Science-Fiction] A stranger who can't remember anything saved me and brings color in my empty life. STARTED: July 01, 2017 ENDED: May 16, 2018