CHAPTER THIRTY FOUR

2.9K 169 21
                                    

CHAPTER THIRTY FOUR

"Hayaan mo akong ipaliwanag sa inyo ang sanga-sangang mundo," Silas started, "O mas kilala sa salita nyo bilang Parallel Universe."

Parallel Universe? What the hell is that?

"Ang Parallel Universe ay katulad lang din ng ibang mundo. Sa bawat pangyayari na nagaganap sa ibang mundo ay kabaliktaran naman nito ang mangyayari o magaganap sa iba pang mundo. Halimbawa, kung dito sa mundo na ito ay nakatira ka sa ganito kaliit na bahay maaring sa ibang mundo naman ay nakatira ka sa palasyo." Silas said, pertaining me and my apartment.

Kumunot ang noo ko at pakiramdam ko ay natunaw ang utak ko sa naging paliwanag ni Silas. My mind is having a hard time absorbing whatever Silas said. But what does he mean by his last phrase?

"Sandali, kung totoo man 'yang sinasabi mo, ibig mo bang sabihin ay may isa pang ako sa ibang mundo?" Naguguluhang tanong ko.

I don't know if I should believe what Silas is saying but deep down at the back of my head I think I heard Parallel Universe before.

"Tama ka, binibini."

"Ava na lang." Singit ko. Sinenyasan ko syang ipagpatuloy na lang nya ang kanyang paliwanag kanina.

"Haralda ang tawag namin sa aming mundo samantalang kayo naman ay Earth. Ang lahat ng taong nakatira dito sa Earth ay nakatira rin sa Haralda at maaring sa iba pang mundo. Ang pinagkaiba lang ay ang pag-uugali at estado. Tulad nalang ng sinabi ko kanina. Maaring mabait ka dito sa mundong Earth at maari ring masama ka sa mundo namin." Dagdag pa ni Silas. Kahit papaano ay naliliwanagan na ako sa mga sinasabi nya.

"Kung ganon, posibleng may isa pang katauhan si Wave dito sa Earth?" Tanong ko at seryosong tumango si Silas.

"Isa iyon sa dahilan kung bakit kailangang makabalik kami sa Haralda sa lalong madaling panahon." Seryosong sabi ni Silas. Suddenly the atmosphere became intense. May pakiramdam ako na hindi ko magugustuhan ang mga sunod na sasabihin ni Silas, "Hindi maaring manatili sa iisang mundo ang dalawang katauhan at mas lalong hindi sila pwedeng magkita."

Sa mga sinabi nyang iyon ay may isang salita ang biglang pumasok sa isip ko.

"Doppelganger." I blurted out. Napatingin naman silang tatlo sakin, "Iyon ang tawag namin sa dalawang katauhan na sinasabi mo. Ang sabi nila ay mayroon tayong kamukha o isa pang katauhan sa mundong ito at kapag nagkita raw ang dalawang katauhan ay maaring malagay sa kapahamakan ang isa sa katauhan." I said. Ni hindi ko nga alam kung totoo ba ang mga sabi-sabi na iyon. Parang mas lalo akong naguluhan sa mga nangyayari.

"At iyon ang iniiwasan naming mangyari. Alam kong malaki ang Earth pero hindi imposibleng hindi sila magtagpo. Mapaglaro ang tadhana kaya hangga't maari ay kailangang mapadali ang pagbalik natin sa Haralda." Tinitigang maigi ni Silas si Wave na kanina pa tahimik at pilit iniintindi ang lahat.

"Paano tayo makakabalik kung wala namang maalala si Kael?" Tanong ni Atlas kay Silas.

"Wala tayong magagawa kundi ang hintayin ang pagbalik ng alaala ni Kael." Bumaling ulit ng tingin si Silas kay Wave, "Kahit ba kaonti ay wala kang naaalala?" Tanong nya kay Wave.

Para namang walang narinig si Wave at nanatili lang syang tulala. Mukhang hanggang ngayon ay nagugulat pa rin sya sa nangyayari. Maski ako naman ay hindi rin makapaniwala.

Wave's cousins are right in front of me and they want to take him back. Once his memories are back they will automatically return to their world. To where he belongs.

Away from me.

Parang unti-unting nag-sink in sakin ang mga mangyayari sa oras na bumalik ang alaala ni Wave. Alam kong dapat maging masaya ako para kay Wave pero kapag maiisip ko na aalis sya ay hindi ko mapigilang magsisi kung bakit pinatuloy ko pa si Silas at Atlas sa apartment ko.

I know I'm being selfish and I'm ashamed of myself.

"Kukuha lang ako ng pagkain." Paalam ko at dumiretso na ako sa kusina. Muli na naman akong napaisip sa lahat ng sinabi ni Silas.

Parallel Universe

Hindi ko alam kung ano ang dapat unahin kong isipin. Ang tungkol sa Parallel Universe o ang nalalapit na pag-alis ni Wave.

Wave, do you want to go back to your world?

***

"Ang sarap! Hindi ko akalaing may mga ganitong uri ng pagkain dito."

"Ano uri ng inumin ito? Sobrang sarap!"

Nagkakatinginan na lang kami ni Wave dahil sa mga kakaibang reaksyon ng kambal. Ganitong ganito rin si Wave noon nung matikman nya ang mga pagkain dito.

"Kung hihintayin natin ang pagbalik ng alaala ni Kael, saan naman tayo pansamantalang titira, Silas?" Tanong ni Atlas. Tahimik lang kami ni Wave at nakikinig lang sa pag-uusap ng kambal.

"Kung nasaan si Kael ay doon din tayo." Sabi ni Silas na may malaking ngiti sa kanyang labi.

My jaw dropped when I realized what he just said. I can't even find the right words to say because of to much bewilderment.

"Sabagay, may punto ka Silas. Mapagtyatyagaan na rin ang ganito kaliit na tirahan." Tumatangong sabi pa ni Atlas at mukhang nagkasundo na sila ng kanyang kambal.

What the freak? Owner's here! Hello! Baka gusto nyong magpaalam?

Ang lakas ng loob nilang sabihin na dito sila titira sa apartment ko samantalang hindi man lang nila ako tinanong kung ayos lang ba sa akin. Jusko! At ang kapal ng mukha nitong si Atlas na laitin ang apartment ko samantalang wala rin naman silang ibang mapupuntahan! Ugh!

"You can't," pigil ang inis na simula ko, "Hindi ko kayo patitirahin dito sa apartment ko." I said. Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi nila.

"B-Bakit naman, Ava?" Tanong ni Silas.

"Ang sama ng ugali mo." Dagdag pa ni Atlas na mas lalong nagpa-init ng ulo ko but I chose to ignore him.

"Bakit? Una dahil hindi ko kayo kilala. Malay ko ba kung totoo ang mga sinabi nyo. Pangalawa," tumingin ako kay Atlas, "Maliit lang itong apartment ko at hindi na kayo kasya," pinagdiinan ko pa 'maliit' nung sinabi ko iyon bago ako tumingin ulit kay Silas, "Pangatlo, ayoko ng ugali nitong kakambal mo. Kung ikaw siguro Silas baka ikonsidera ko pa at magawan ko pa ng paraan." Kibit balikat na sabi ko.

"Aba't! Hoy, babae! Mataas ang posisyon ko sa Haralda kaya wala kang karapatang — "

"Exactly. Haralda. Sa mundo nyo. Subukan mong lumabas sa apartment ko at ipagkalat na galing ka sa ibang mundo at mataas ang posisyon mo, tingnan natin kung hindi ka nila dalhin sa mental. Hayaan mong ipaalala ko sayo na nandito ka sa mundo KO. Sa Earth at wala tayo sa Haralda. At nandito ka mismo sa loob ng apartment ko. Ngayon, sabihin mo sakin, sino sa atin ang dapat masunod?" Humalukipkip pa ako at tinaasan sya ng kilay. Napayuko na lang si Atlas at hindi na nagawang makapagsalita dahil alam nyang tama ako.

Sana yung doppelganger na lang nya na-meet ko. Sigurado akong mabait iyon.

Hay. I guess I don't have a choice. Kargo pa ng konsensya ko kapag may mangyaring masama sa dalawang ito. After all, they are Wave's cousin.

Napatingin ako kay Wave na kanina pa pala nakatitig sakin. He's smiling at me as if he already know what's running inside my head.

I sighed.

"Fine. Kung gusto nyo talagang pansamantalang tumira dito ay kailangan nyong sundin ang lahat ng sasabihin ko. My house, my rules."

**Freshly made lol. Tbh, I had a hard time explaining Parallel Universe in tagalog so if you guys have any questions or clarifications then feel free to ask me. Don't worry I don't bite 😉

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon