CHAPTER FIFTY ONE

2.5K 164 64
                                    

CHAPTER FIFTY ONE

“Ako si Wave..”

Sa halip na magulat ay mas lalo lang akong nainis kay Michael. Ano bang problema ng lalaking ‘to?

“I don’t believe you.” Seryosong sabi ko. Naramdaman ko ang paglapit ni Wave at ang paghapit nya sa bewang ko.

“You heard the girl. She doesn’t believe you Michael.” Sabi ni Wave.

Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga ni Michael at ang pagkuyom ng kanyang kamao.

“Ilang beses na kitang sinabihan na layuan mo sya pero pilit ka pa ring lumalapit sa kanya,” dagdag pa ni Wave, “At ngayon na sasama na sya sa akin ay hinding-hindi mo na sya malalapitan.”

Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Michael nung marinig nya ang sinabi ni Wave.

“You can’t..” Umiiling na sabi nya at sinubukang lumapit sa akin pero pinigilan lang sya nila Atlas at Silas. Mabibigat ang kanyang bawat paghinga habang seryosong nakatuon sa akin ang kanyang mga mata na para bang nangungusap.

“I.. I will, Michael. S-Sasama ako kay Wave.”

Ang kaninang determinadong desisyon ko na sumama kay Wave ay parang unti-unting nawawala. Lalo na nung makita ko ang sakit na gumuhit sa mga mata ni Michael. That same sad eyes I saw on the bridge.. when I’m against on Wave’s decision to stay..

“You can’t! Fuck! Hindi ka pwedeng sumama sa kanya. I told you! Ako si Wave! Maniwala ka sakin!”

“Huwag mo nang guluhin ang isipan nya, Michael.” Sabi ni Wave at masamang tingin ang ginanti ni Michael sa kanya, “Let’s go..” hinawakan ni Wave ang braso ko at muli akong iginaya sa gilid ng tulay.

“Stop! Fuck! Let go of me!”

Nilingon ko si Michael na nagpupumiglas sa pagkakahawak ng kambal. Nagtama ang aming paningin at kitang-kita ko ang halo-halong emosyon sa kanyang mga mata.

“He’s lying! You have to believe me! Please!” Sigaw pa nya.

Bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Bakit naawa ako kay Michael? Bakit nya ba ginagawa ito? Bakit nya pilit na sinasabing nagsisinungaling si Wave? Bakit... Bakit parang gusto kong maniwala sa kanya?

“P-Please..”

Mas nadoble ang bigat sa dibdib ko nung marinig kong mabasag ang boses ni Michael dahil sa kakasigaw nya. Hirap na hirap na sya sa kakapiglas. He looks so helpless.. and I want to help him..

“Sige na, Mikael. Mauna na kayo. Susunod na lang kami.” Sabi ni Silas. Wave nodded and tugged my hand again.

“AVALON!!”

I froze when Michael called out my name. I can feel my heart hammering in my chest for unknown reason.

“Hindi ka pwedeng sumama sa kanya.. maniwala ka sa akin.. nakakaalala na ako. Bumalik na ang ibang alaala ko.. at..” his voice croaked again, “Ang pangalan ko ay Michael.. Ako si Michael.. and I am also your Wave.. Maniwala ka sakin, Avalon.”

Sa hindi malamang dahilan ay nagbagsakan ang aking mga luha. Tiningnan ko ulit si Michael at katulad ko ay umiiyak na rin sya..

“Wag kang maniwala. Ginugulo ka lang nya..”

Ginugulo lang ba talaga ni Michael ang utak ko? Is this part of his plan?

“Please. Don’t listen to him..” Wave pleaded, “..Ava.”

Mabilis na napatingin ako sa lalaking nasa harap ko bago ko nilipat ang tingin ko sa kamay nyang nakahawak sa akin. I quickly pulled my hand away from him when realization hit. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya at humakbang paatras.

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon