CHAPTER SEVEN
Pagtapos naming kumain ng pananghalian ay tinuruan kong magligpit at maghugas ng plato si Wave. Hindi naman pwedeng puro ako na lang ang gagalaw. Mabuti na lang ay mabilis nyang natutunan kung paano maghugas ng mga plato.
"Maaari ko bang palabasin ulit ang mga tao sa TV?" Tanong nya pagkatapos nyang maghugas ng mga plato. Nasa labas ako ng apartment at nilalabahan ang kanyang mga damit pati na rin ang akin.
"Sige." Maiksing sagot ko. Hindi pa rin ako sanay makipag-usap sa kanya sa malalim na tagalog. Feeling ko ay nakikipagbalagtasan ako sa kanya. I wonder if I should teach him the modern normal tagalog or will he be able to learn it eventually? Pagtapos kong maglaba ay nanood na lang rin ako ng TV. Halos wala nga akong maintindihan sa pinapanuod ko dahil puro hiyaw ni Wave ang naririnig ko.
"Wave! Shut up! Wag kang maingay!" Saway ko sa kanya. Tiningnan naman nya ako.
"B-Bakit?" Tanong ko. Ang weird nya talaga. Kung minsan ay makikita ko syang nakatitig sa akin tapos ay ngingitian nya ako kapag nagtatama ang mga paningin namin.
"Wave. Gustong-gusto ko talaga ang salitang iyon." Nakangiting sabi nya. Kumunot ang noo ko nang lumapit sya sa tabi ko, "Anong pakiramdam kapag nakakaalala ka?"
"Anong klaseng tanong 'yan?"
"Kahit anong alaala ay wala akong matandaan. Hindi ko alam kung sino ako. Hindi ko alam kung may pamilya pa ba ako. Hindi ko alam kung masaya ba ang buhay ko." He's smiling and yet I can still feel his sadness.
"Hindi lahat ng nakakaalala ay gusto pang matandaan ang kanilang alaala." Kumunot na naman ang kanyang noo kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagsasalita ko, "Hindi lahat ng alaala ng mga tao ay magaganda. May ilan sa mga alaala nila ay masakit at malungkot kaya mas gugustuhin ng iba na makalimot." Just like me. Kung tutuusin ay parang mas gusto ko pa na ako na lang ang nawalan na alaala.
"Ikaw, anong alaala ang mayroon ka?" I bitterly smiled on his question. My memories. I can't lie and tell him that I have so much happy memories. Mabibilang nga lang yata ang mga masasayang alaala na mayroon ako.
"Nothing, I guess. I'm just like a hollow vessel. Void of any memories. I don't consider everything that happened in my life as a memory. They were just happenings that bond to be forgotten."
"Ayan na naman ang lenggwaheng iyan." Wave said while scratching the back of his head, "Sisiguruhin kong matututunan ko rin gamitin ang ganyang lenggwahe."
"Tss, iyan ay kung kaya mo." I said with a smug look on my face.
"Kakayanin ko! Pagaaralan ko para maintindihan kita."
"Yeah, yeah, whatever." Tumayo na ako. Hindi ko na namalayan ang oras. Pasado alas-sais na ng hapon. I need to cook dinner. I wonder what I should cook. Well, kahit ano naman ay magugustuhan ni Wave.
"Avalon." Napahinto ako sa paglalakad papuntang kusina nang marinig kong tawagin ako ni Wave. Come to think of it, I didn't even tell him my name. Paano nya nalaman ang pangalan ko?
"Kahit na hindi ko naintindihan ang iyong mga sinabi ay naramdaman ko ito." He said it with seriousness clearly plastered on his face before breaking into a wide boyish grin.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Is all I could asked. Ni hindi ko nga maintindihan kung ano ang gusto nyang palabasin sa mga sinabi nya.
"Ah, narinig ko kasing iyon ang tinawag sayo ng matandang babaeng kausap mo kagabi."
"Ah."
"Gusto ko ang pangalang binigay mo sakin pero mas gusto ko ang iyong pangalan na Avalon." Nakangising sabi nya. I bit my lower lip and averted my gaze on him. I think this is the first time that someone told me that he likes my name.
"J-Just Ava will do. I mean, kahit Ava na lang ang itawag mo sakin."
From my peripheral vision I saw him shook his head, "Mas gusto ko ang Avalon." Tiningnan ko ulit ang mukha nya at nandoon na naman ang nakakainis na inosenteng ngiti nya.
"E-Ewan ko sayo! Manuod ka na nga lang ng TV dyan!" Sabi ko bago mabilis na nagpunta ng kusina. Stupid amnesia boy! I really don't like his innocent face.
BINABASA MO ANG
He Who Came From Another World
Science Fiction[HIGHEST RANKING: #6 in Science-Fiction] A stranger who can't remember anything saved me and brings color in my empty life. STARTED: July 01, 2017 ENDED: May 16, 2018