CHAPTER FIFTY

2.5K 151 74
                                    

CHAPTER FIFTY

Pagkasabi ni Atlas na nahanap na nila si Wave ay umuwi na kagad kami sa apartment kasama si Mia. Naabutan kong kalalabas lang ni Silas sa aking kwarto. Pupuntahan ko na sana si Wave pero pinigilan ako ni Silas at sinabing gusto raw munang magpahinga at matulog ni Wave.

Napabuntong hininga ako at naupo sa sofa.

"Saan nyo sya nakita?"

"Nakita namin sya malapit sa tulay kanina." Sagot ni Silas.

"Sinabi nya ba kung saan sya nanggaling? Kung saan sya nagpalipas ng gabi?"

Umiling si Silas bago sumagot, "Hindi. Ayaw nya kaming kausapin kanina at hindi nya sinasagot ang mga tanong ko."

Napalunok ako. Alam kong galit pa rin sya pero hindi nya dapat tratuhin ng ganito ang mga pinsan nya.

Napansin kong nakatitig sila Atlas at Silas kay Mia. Alam kong naghihinala pa rin sila. Ang sabi ni Mia ay pag-iisipan nya pa kung sasabihin nya kila Atlas at Silas ang totoo.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Atlas kay Mia.

Napakurap si Mia at hindi man lang mababakasan ng kahit na anong emosyon.

"Masama bang magpunta dito? Kaibigan ko si Avalon."

"Umalis ka na dito. Ayokong makita ang mukha mo." Masungit na sabi ni Atlas. He's being childish again.

"Atlas!" Saway ko sa kanya.

"No, it's alright, Ava. He had a huge crush on me before and I bet he's mad of my sudden disappearance." Mia winked at me.

"Seryoso?!" Si Atlas may crush kay Amelia dati? Oh my god.

"Anong pinag-uusapan nyo?!" Asik ni Atlas.

"Wala," sagot ni Mia, "Kailangan ko nang umalis Ava. Baka hinahanap na ako sa amin."

Tumayo na si Mia at sumunod ako sa kanya sa paglabas.

"They're still the same," nakangiting sabi ni Mia habang pasimpleng nakatingin sa kambal bago tinuon ang tingin sa akin, "Please, Ava. You have to convince him."

Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi ni Mia.

"I.. I will." Mahinang sagot ko.

"Thank you.. If you need anything don't hesitate to call me."

Pagkaalis ni Mia ay napabuntong hininga na lang ako. Ngayon na may nagpu-push na sakin para pabalikin si Wave sa Haralda ay tsaka naman ako biglang nagdalawang isip sa gagawin ko.

Ugh, Ava! You can this! You can't back down anymore. He's a prince from another world and you're just... you.

***

Kinahapunan pagkauwi ko galing sa pamimili ay hindi ko naabutan ang kambal sa apartment. Sinilip ko ang kwarto ko kung nandon sila pero si Wave lang ang nandon at mahimbing na natutulog. Saan naman kaya nagpunta ang dalawang 'yon?

Nilapag ko ang mga pinamili ko sa lamesa at pinasok ang iba sa ref bago dumiretso ng sala at nahiga sa sofa. I closed my eyes as images of what happened last flashes before my eyes.

"I'm staying, Avalon."

"I'll hide. Iiwasan ko na magkasalubong kami ni Michael. Mag-iingat ako para hindi kami magkita.."

Kung ganoon lang sana kadali ang lahat. If only he's not a freaking prince of some kind of kingdom then our situation will totally be different.

"I'm just being honest and want to follow what my heart wants! What I want!"

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon