CHAPTER SIXTEEN

3.1K 199 4
                                    

CHAPTER SIXTEEN


"Mauuna na kami, Mia."



"Yeah, sure. Ingat kayo!" Pasado alas-otso na rin ng gabi natapo ang shift namin ni Wave. Sarado na rin ang shop at naiwan na lang si Mia doon na hinihintay ang kanyang mama kasama ang ilang crew na hindi pa umuuwi.



"Bakit hindi mo sinabi sakin na nagtatrabaho ka pala?" Tanong ko kay Wave habang naghihintay kami ng jeep. Buong maghapon syang tahimik at hindi ako kinukulit na ipinagtataka ko talaga. Matamlay nga rin sya habang kinukuha nya ang mga orders na maski ang ilan sa mga customers ay nahalata iyon.



"Hindi ka na ba galit sakin, Avalon?" Kumunot ang noo ko sa naging tanong nya. Iyon pa rin ba ang issue nya?



"Hindi ba at sinabi ko na sayo kanina na hindi naman ako galit." Sinilip ko ang nakayuko nyang mukha na parang anytime ay handa syang umiyak.



"Hindi mo kasi ako kinakausap at hindi mo rin ako tinitingnan." Uh, why do I feel like I'm the bad guy here?



"Syempre, Wave, nasa trabaho tayo. Hindi tayo pwedeng mag-usap."



"Bakit kayo ni Mia naguusap?"



"Err," napakamot ako sa ulo ko, "Kasi wala syang ginagawa at wala syang kausap kaya kinakausap ko sya." Almost all the time ay nasa counter lang si Mia. Magiging busy lang sya kapag may nagbabayad na customer, "Besides, abala ka sa pagkikipag-usap at pagkuha ng mga orders ng mga babaeng customers kaya hindi kita iniistorbo." Sya na nga ang halos kumukuha ng orders sa shop tapos iistorbohin ko pa ba sya? No way.



Tumango-tango sya na mukhang naintindihan naman nya ang paliwanag ko, "Ah, hindi ko na lang sila kakausapin at kukunin ang mga orders nila kung ganon." Seryosong sabi nya.



"What?!" I shrieked, "Baliw ka ba? Edi nawalan ka ng trabaho. Iyon nga ang trabahong in-apply-an mo tapos hindi mo gagawin?"



"Syempre para kakausapin mo rin ako at papansinin kapag wala akong ginagawa katulad ni Mia." Natigilan ako sa sinabi ni Wave. Hindi ko alam kung mapapatampal nalang ba ako sa noo ko o mapapabuntong hininga. Seriously? Paano ba gumana ang logic ng isang Wave?



"You can't, okay? I mean, hindi pwede. Si Mia, pamilya nya ang may-ari ng shop kaya okay lang sa kanya na walang masyadong ginagawa."



"Pero–"



"Ssh! Shut up, Wave. Wag ka ng makulit. Anyway, bakit ka nagtatrabaho? Para saan? Kung kailangan mo ng pera ay pwede ka namang manghingi sakin." Sa halip na sagutin ang tanong ko ay nag-iwas lang ng tingin si Wave.



"Kailan ka pa nagsimulang nagtatrabaho? Kaya ba lagi kang umaalis sa apartment at gabi na kung minsan umuwi dahil nagtatrabaho ka o may iba pang dahilan?" He ignored me again.



"Wave!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses. He keeps on ignoring me! Dammit!



"Fine, kung ayaw mo akong sagutin, 'di wag. I don't care. Wag mo na akong kakausapin." Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. I really hate it when he's keeping a secret to me. I mean, ugh! Whatever! Bahala sya. 



Pinara ko na kagad ang jeep na parating at sumakay na. Ang buong akala ko ay kasunod kong sumakay ng jeep si Wave pero laking gulat ko ng hindi ito sumakay. What the hell? Ano ba ang problema nya? May pupuntahan pa ba sya? Bakit hindi man lang sya nagsabi sakin? Ugh, ewan! Bahala sya!



Nakasimangot akong pumasok sa loob ng apartment dahil sa inis kay Wave. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa lalaking 'yon. Kung may naaalala na sya at gusto na nyang umalis ay malaya syang gawin ang kahit anong gusto nya. Nakakainis! I won't cling on him as if my life depended on him! Naiinis talaga ako at hindi ko alam kung bakit. Yung feeling na gusto kong manapak ng tao sa sobrang inis. Gaaaah! This is so frustrating!



Sa halip na mag-isip pa ako ng kung ano-ano ay naglinis na lang ako at nagpalit ng damit. Nagluto lang muna ako ng kanin at nagtingin sa ref ng pwedeng malutong ulam.



"Argh. Wala na palang ulam." I grumbled out of frustration. Nagpunta ako sa sala at tiningnan ang maliit na wall clock. It's already quarter to nine. Panigurado ay wala ng nagtitinda ng lutong ulam ng ganitong oras. I guess I have no choice but to eat cup noodles tonight. Sayang naman ang kanin na niluto ko.



Napatingin ulit ako sa orasan. Bakit wala pa ang lalaking 'yon? May balak pa ba syang umuwi? Ewan, bahala sya sa buhay nya. Kinuha ko ang wallet ko sa kwarto. Bibili na lang ako ng makakakain sa convenience store. 


Naalala ko na may mga ready to eat na nga palang mg rice meal doon. Pagbukas ko ng pinto ng apartment ay bumungad sa akin ang isang cute na mint green na bike. May maliit itong basket sa harap at may isa pang upuan sa likod kung saan pwedeng umangkas. Whose bike is this?



"Tadah! Surprise!" Nagulat ako ng biglang lumabas si Wave sa isang sulok. Nakataas pa ang kanyang dalawang kamay habang sinigaw nya ang mga salitang iyon. I remained immobile and just staring at his face. What's the meaning of this?



He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon