CHAPTER TWENTY ONE

3.1K 214 29
                                    

CHAPTER TWENTY ONE


Gusto kong tumayo at pigilan sya pero hindi ko magawa. Natatakot ako. Natatakot ako sa itsurang pinapakita ni Wave ngayon. Parang ano mang oras ay kaya nyang saktan si Era. I can almost feel his rage from where I am.


"You know, I don't mind hitting a girl." He coldly said which sent shivers in me. Mukhang hindi lang ako ang nakakaramdam ng takot ngayon kundi pati ang mga tao sa paligid at lalong lalo na si Era. The Wave in front of my eyes..he's like a complete different person now. Parang hindi sya ang Wave na lagi kong nakakasama.


"Wave!" Lakas loob na tinawag ko sya bago nya pa maisipang gumawa ng hindi maganda. Lumingon sya sakin at nakita ko ang saglit na galit na gumuhit sa kanyang mukha bago nya bitawan ang kwelyo ni Era at mabilis na lumapit sakin.


"Avalon, okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong nya pagkalapit sakin. Nawala na ang nakakatakot na ekpresyon ng kanyang mukha kanina. He's back to his old self again. Worrines is clearly etched on his face.


Biglang dumapo ang tingin ni Wave sa labi kong nagkasugat dahil sa lakas ng sampal sakin ni Era kanina. And just like earlier, Wave's expression became cold again. Bahagya nyang nilapat ang hintuturo nya sa sugat ng labi ko at awtomatikong napadaing naman ako dahil sa hapdi.


Hindi na ako nakapag-react nang mabilis na tumayo si Wave at muling hinarap si Era. Bigla nyang hinawakan ang kanang braso ni Era at tinitigan ito ng masama.


"A-Aray! B-Bitawan mo ako! N-Nasasaktan ako!" Daing ni Era habang pilit na kumakawala sa hawak ni Wave.


"Ikaw ba ang may gawa noon sa kanya?" Malamig na tanong nya. Mabilis naman akong kinilabutan dahil sa tono ng boses na muli nyang ginamit. Nanginginig ang kamay nyang nakahawak sa braso ni Era. I know he's grabbing her arms very, very hard. I think Era's arm will snap into two if he will grab it any harder than it already is. At bago pa mangyari ang iniisip ko ay tumayo na ako at hinawakan ang braso ni Wave.


"Wave! Stop! Bitawan mo sya!" Awat ko sa kanya pero mukhang wala syang naririnig. Ramdam ko ang panginginig ng braso ni Wave dahil sa galit and I think his grip is getting firmer any seconds.


"O-Ouch! L-Let go of me!" Mukhang maiiyak na si Era habang pilit nyang tinatanggal ang kamay ni Wave.


"Wave." I plead as my hand travels to his. Hinawakan ko ang kamay nya habang nakatingin sa kanya, "Let her go, please." Nalipat ang atensyon ni Wave sakin as if recognizing me for the first time. Parang magic word ang mga sinabi ko at unti-unting lumuwag ang hawak ni Wave sa braso ni Era.


"Avalon." He whispered as he cups my face.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya pero hindi nya ako sinagot. Sa halip ay binuhat nya ako sa kanyang braso. He's now carrying me in bridal style. Bigla akong nahiya sa ginawa nya lalo na sa maraming matang nakatingin at nanunuod sa amin. Great, now I feel like a damsel in distress saved by her prince charming. From the corner of my eyes I saw Mia gathering our things.

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon