**SHORT CHAPTER
CHAPTER EIGHT
Mabilis lang akong nakapagluto ng panghapunan namin. Simpleng ampalaya na may itlog at kamatis lang ang niluto kong ulam. Pagtapos kong maihanda ang lamesa ay tinawag ko na si Wave para kumain.
"Waah! Isang panibagong masarap na pagkain na naman." Masayang sabi nya pero hindi iyon ang nakakuha ng atensyon ko.
"Waah?" Kunot noo kong ulit sa sinabi nya kanina. Ngayon ko lang kasing narinig na gumanon sya.
"Ah, iyon kasi ang nakikita kong ginagawa ng mga tao sa TV kapag sobrang saya nila o kaya ay sobrang mangha." Parang proud pa sya sa kanyang sinasabi.
Nagtaka ako ng pinagdikit nya ang kanyang dalawang palad bago magsalita, "Thank you po sa pagkain!" Napailing na lang ako. Another TV learning? Mukhang may napapala naman pala ang maghapong panunuod nya ng TV.
"Nga pala, Wave, may trabaho ako bukas. Ikaw lang ang maiiwan dito sa apartment. Magiiwan na lang ako ng lutong pagkain para may makain ka."
"Maa–"
"At hindi ka pwedeng sumama." Putol ko na kagad sa sasabihin nya, "Trabaho iyong pupuntahan ko kaya hindi ka pwedeng sumama. Maiiwan ka lang dito at hindi ka pwedeng lumabas ng apartment. Naiintindihan mo ba?"
Nakangusong tumango sya. Pagkatapos namin kumain ay sya na ang nagprisentang maghuhugas ng plato kaya hinayaan ko na lang sya. Naupo ako sa sofa at sinubukang mahiga dito.
Halos ¾ lang ng katawan ko ang nakahiga at nakalaylay na ang mga binti ko. Idagdag pa na hindi ganoon kalambot ang sofa ko kaya medyo masakit sa katawan.
Bigla naman tuloy akong nakonsensya. Paano nya nagawang makatulog sa ganito kaliit na sofa? To think that he's much taller than me. Tapos ni hindi ko rin naalalang wala syang electric fan kagabi. Iisa lang kasi ang electric fan dito sa apartment at iyon ang gamit ko sa kwarto.
Tiningnan ko ang wall clock ko at malapit ng mag-alas otso ng gabi. Bukas pa naman siguro ang warehouse sale ng ganitong oras. Pumunta ako sa aking kwarto at binuksan ang aking drawer. Ako ang may hawak ng perang pinagbentahan ko ng kwintas ni Wave.
Mahirap na dahil baka kung kanino na naman nya ito ipamigay. I think I should spend some of this money on him. Lumabas na ako ng kwarto ko at saktong katatapos lang ni Wave na maghugas ng plato.
"Wave!" Tawag ko sa kanya. Lumapit naman sya kagad sakin. Tiningnan ko ang suot nyang damit. Pink over sized shirt with bunny printed on its center and a simple black jersey shorts. Tiningnan ko naman ang sarili ko. White shirt maong shorts. Okay naman na siguro itong damit namin. Tutal ay gabi na naman at wala na masyadong makakapansin ng itsura namin. Hinila ko na sya palabas at naglakad na kami papuntang malapit na warehouse sale.
BINABASA MO ANG
He Who Came From Another World
Science Fiction[HIGHEST RANKING: #6 in Science-Fiction] A stranger who can't remember anything saved me and brings color in my empty life. STARTED: July 01, 2017 ENDED: May 16, 2018