CHAPTER TWENTY THREE

3K 189 27
                                    


CHAPTER TWENTY THREE



"AVA––lon." Wave's bright smile instantly became dull upon seeing me – no, I mean not me or rather who are with me and Mia, "Anong ginagawa nila dito?" He bitterly asked. Ni hindi man lang nya tinago ang pagkadisgusto sa kanyang mukha habang nakatingin kay Era at Pia.


Apparently they want to visit and try the Confection Shop. In other words, they want to see Wave. Wala na kaming nagawa ni Mia nang sumama sila sa amin kanina nang masalubong namin sila palabas ng school. Good thing silang dalawa lang at hindi nila kasama ang iba nilang kaibigan.


"Nandito sila para kumain, Wave." Sagot ko kay Wave.


"Kumain? Hindi pwede. Sa iba na lang sila kumain." Parang bata na sabi ni Wave. Nakaharang sya sa pintuan ng shop habang nakahalukipkip. He's tall and his built is totally blocking the way. I'm still not use to see him getting annoyed from a girl.


"Move, Wave. Kailangan ko ng magtrabaho." Ginawa naman nya ang sinabi ko at hinayaan nyang makadaan kami ni Mia pero nang sila Era at Pia na ang papasok ay mabilis ulit syang humarang sa pinto. He looked like a freaking bouncer from a bar or some random gangster.


Tiningnan ko sila Era at Pia na mukhang natatakot kay Wave. Ni hindi sila makapagprotesta sa ginagawa ni Wave sa kanila. They're afraid of him. Wow, I never thought that there would be a day where I will see these two getting afraid of someone. Kadalasan kasi ay sila ang kinakatakutan.


"Ako lang ba or mukha talagang kawawa sila Era at Pia? Plus, we're getting attentions from the customers now." Mia said. 


Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng shop at totoo nga ang sinabi nya. Nakatingin na ang mga customer sa amin–or rather sa ginagawa ni Wave. May mga customer din sa labas na mukhang gustong pumasok pero hindi nila magawa dahil nga nakaharang si Wave sa pinto.


"Wave, lumayas ka dyan sa pinto." I said through gritted teeth. Maysado ng nakakahiya itong ginagawa nya.


"Ayoko." He firmly said.


"Wave." I said in a warning tone. Baka mamaya ay mapatalsik pa kami sa trabaho dahil sa ginagawa nya.


"Ayoko, Aval­––OUCH!"


Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilan ang kamay ko at kusa na itong humampas sa likod ng ulo ni Wave.


"Kapag hindi ka pa lumayas dyan sa pinto hindi lang ay ang aabutin mo sakin." Unti-unting lumingon sakin si Wave habang nakanguso at parang ano mang oras ay iiyak sya. Nakahawak pa sya sa parte ng ulo nya na hinampas ko. Inirapan ko lang sya bago pumunta sa staff room at magpalit ng damit.


Habang nagpapalit ako ng damit ay hindi ko maiwasang makonsensya sa ginawa ko. Alam kong mali ang ginawa ako but he's at fault too. Paano kung magreklamo ang mga customer at isumbong kami sa nanay ni Mia? 

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon