CHAPTER FOUR
"Magandang gabi mga naggagandahang binibini!" Bati nya sa tatlong highschool student na dumaan sa harapan nya. Mabilis naman na naglakad palayong ang tatlong studyante sa takot sa lalaking bumati sa kanila. If I were them and some random guy greeted me with his deep tagalog words I would probably run too.
Mukhang naramdaman nya ang paglapit ko sa kanya kaya nalipat sa akin ang atensyon nya. Nginitian nya ako. Isang inosenteng ngiti.
"Ang buong akala ko ay hindi ka na lalabas sa magarang silid na iyan." Bungad na sabi nya pagkalapit ko sa kanya.
"I told you no–" Nahinto ako sa pagsasalita nang maalala kong hindi nga pala sya nakakaintindi ng salitang Ingles, "Ang sabi ko ay huwag mo akong sundan, 'di ba?" Instead of replyin back he just simply scratched the back of his head and innocently smiled on me. Ugh! Cursed his smile!
Naalala ko ang kwintas nyang binenta ko na hindi ko alam na ganoon pala kalaki ang halaga. Sa tingin ko ay dapat kong ibigay sa kanya ang kalahati ng perang pinagbentahan ko ng kwintas nya. But before that I think we need to buy some clothes.
Hinila ko sya sa kanyang braso at dinala sa isang maliit na boutique. Mabuti na lang at kahit dis oras na ng gabi ay may bukas pang boutique shop. Hinila ko sya papasok sa loob ng shop.
"Mamili ka ng damit na gusto mo." Sabi ko sa kanya bago sya iniwan sa men's section ng boutique. Nagpunta naman ako sa mga hilera ng damit ng pangbabae at kumuha ng simpleng t-shirt at shorts. Kumuha na rin ako ng sandals dahil basa rin ang rubber shoes na suot ko. Binalikan ko ang lalaking iniwan ko kanina at nakita kong nandoon pa rin sya kung paano ko sya iniwan.
"May napili ka na?"
"Pwede ba talaga akong kumuha ng damit dito?" Napatampal na lang ako sa noo sa naging tanong nya. I don't know if he's just plain stupid or he just hit his head really, really hard. Sa huli ay ako na lang ang namili ng damit nya. Puting v-neck shirt at khaki shorts lang ang kinuha ko sa kanya. I also get him a pair of rubber shoes. Pagtapos ay pumila na kami sa counter.
Kunot noo pa kaming pinasadahan ng tingin ng babae sa cashier. Well, I can't blame her. We're soaking wet and muddy. Pagkabayad ko ay dumiretso kami sa fitting area. Tinulak ko sya papasok sa isang fitting room at sinabihang magpalit ng kanyang damit bago ako pumasok sa kabilang fitting room. Pagkapalit ko ng damit ay nilagay ko lang ang basa kong damit sa paper bag na pinaglagyan ng kabibili ko lang na damit.
Lumabas na ako sa fitting room at inaasahan kong tapos na syang magpalit ng damit pero ipinagtaka ko nang hindi ko sya makita.
"Miss, lumbas na ba 'yung kasama kong lalaki kanina?" Tanong ko sa isang saleslady ng shop.
"Hindi pa po." Bumalik kagad ako sa tapat ng fitting room kung saan ko sya pinapasok at kinatok ito. Nagulat pa ako nang bigla itong bumukas pagkakatok ko. Mabuti na lang at mabilis koi tong nahila pasara. What the hell?! Hindi nya ni-lock?
"Hoy, lalake." Tawag ko sa kanya. That's when I realized that I really don't know his name.
BINABASA MO ANG
He Who Came From Another World
Science Fiction[HIGHEST RANKING: #6 in Science-Fiction] A stranger who can't remember anything saved me and brings color in my empty life. STARTED: July 01, 2017 ENDED: May 16, 2018