**Hi! Dedicated sayo! :*
CHAPTER TWENTY FIVE
"Bye-bye Ava, Wave!" Kinawayan lang namin parehas ni Wave si Mia bago kami lumabas ng shop. Mabuti na lang at wala na sila Era at Pia kaya walang makakakita sa amin ni Wave na sabay kaming umuwi. Pagkabigay ni Wave ng mga order nila kanina ay mabilis kagad silang tumayo at tumakbo paalis. Mabuti na lang pala at bayad na ang mga inorder nila kundi 'eat and run' ang mangyayari.
"Wave."
"Hmm?" Tinapat ko sa mukha ni Wave ang kanina ko pa gustong ibigay sa kanya.
"Ano 'to?" Kunot noong tanong nya.
"Buksan mo." Tinitiga nya muna ako saglit bago sinunod ang sinabi ko. Binuksan nya ito at kinuha ang bagay nasa loob nito. Wave's face instantly lits up upon seeing my gift for him.
"Waaah! Para sa akin ba ito, Avalon?" Nakangiting tanong nya habang hawak ang dog tag necklace na binili ko para sa kanya. Nahihiyang tumango ako sa kanya. This is the first time that I gave someone a gift and I'm happy that he likes it.
Kinuha ko ang kwintas at sinuot sa leeg ni Wave. He held the small thin metal pendant with a huge smile on his face.
"Nababasa mo ba ang nakasulat dyan?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan nya ito at binasa.
"Wave." Nakangiting basa nya, "Bakit mo ako binibigyan nito, Avalon?"
"Wala lang." I simply said.
I'd rather not tell him that it's my peace offering for what I did to him. May nadaanan kaming maliit na jewelry shop ni Mia kanina at naisipan kong bilhan si Wave ng simpleng kwintas. Sakto naman na may promo ang shop nila na pwedeg palagyan ng pangalan ang kwintas kaya pinalagay ko na ang pangalan ni Wave kahit na temporary name nya lang ito.
"Thank you, Avalon!" Nahigit ko ang aking hininga at napakurap ng ilang beses ng walang sabing niyakap nya ako, "Thank you.." Sabi nya ulit. I don't know if it was just my imagination but there's a hint of sadness on his voice.
"Wave, what's wrong?" I whispered. Umiling lang sya sa tanong ko at mas lalong siniksik ang mukha nya sa balikat ko. I gulped. Dammit. What's up with him?
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinayan ko na lang si Wave na yakapin ako. I know something's bothering him. I don't want to be nosy. Hahayaan ko na lang siguro na sya ang kusang magsabi sakin ng kung ano man gang gumugulo sa kanya.
***
"Ava! Mia!" Napalingon kami sa tumawag sa amin pagkapasok namin sa canteen. It's Era and Pia. Kinawayan kami ni Era at sinenyasan na lumapit sa pwesto nila.
"Nagsawa na ba kayo sa shop nila Mia kaya dito na ulit kayo nakatambay?" Tanong ko sa kanila pagkalapit namin. Halos magdadalawang linggo na rin simula ng sa shop nila Mia sila kumain at tumambay tuwing break time nila. Kada tapos ng klase nila at kapag vacant nila ay sa shop kagad nila Mia sila pupunta kaya nakakapanibagong makita sila ngayon dito sa canteen.
BINABASA MO ANG
He Who Came From Another World
Science Fiction[HIGHEST RANKING: #6 in Science-Fiction] A stranger who can't remember anything saved me and brings color in my empty life. STARTED: July 01, 2017 ENDED: May 16, 2018