CHAPTER SEVENTEEN

3.1K 192 9
                                    

**Dedicated for you since natuwa ako sa comment mo last update. :))

----

CHAPTER SEVENTEEN



 "Tadah! Surprise!" Nagulat ako ng biglang lumabas si Wave sa isang sulok. Nakataas pa ang kanyang dalawang kamay habang sinigaw nya ang mga salitang iyon. I remained immobile and just staring at his face. What's the meaning of this?



"Ang buong akala ko ay hindi ka na lalabas ng apartment, Avalon. Kanina pa ako naghihintay sa paglabas mo." He said while scratching the back of his head.



"Ano ang ibig sabihin nito, Wave?"



"Bumili ako ng bike!" He stated the obvious.



"Ha?" Nalilitong tanong ko pa rin sa kanya.



"Ang sabi ko naman sayo ay bibili ako ng bike para mapangiti kita." Teka, last month nya pa sinabi iyon at halos makalimutan ko na nga iyon. Hindi ko akalaain na tototohanin nya ang mga sinabi nyang iyon.



"Paano ka nakabili nito?"



"Nagtrabaho ako." Nanlaki ang mga mata ko sa sinagot nya. Nagtrabaho sya para lang makabili ng bike? Kaya ba kadalasan ay ginagabi sya ng uwi? Kaya ba napapansin ko na lagi syang pagod? Kaya ba nagtatrabaho sya sa Confection Shop nila Mia?



Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. He bought this bike just to make me smile? Tapos kung ano-ano pa ang mga iniisip ko sa kanya. Hindi ko alam na nagpapakapagod syang magtrabaho para lang makabili ng bike.



"Wave, hindi ka na sana nag-abala bumili ng bike."



Umiling sya, "May napanuod rin kasi ako sa TV na kung gusto mong pasalamatan ang isang tao ay pwede mo syang bigyan ng regalo."



"This is too much, Wave." Sabi ko kahit na alam kong hindi nya ako naiintidihan.



He grinned. "Ayan na naman ang salitang 'yan. Bago 'yan, bakit hindi mo subukang gamitin itong bike, Avalon? Gusto kong makitang gamitin mo ito." I bit my lower lip and nodded. Sumakay ako sa bike at walang kahirap-hirap na sinakyan ito. Pumapalakpak pa si Wave sa tuwa kahit na hindi naman sya ang nakasakay.



Nag-bike ako pabalik sa pwesto ni Wave at huminto sa harap nya, "Gusto mo bang sumakay?" Tanong ko sa kanya. Marunong akong mag-angkas sa bike. Dati ay inaangkas ko pa ang papa ko sa likod ng bike kahit na sobrang bigat nya.



"Talaga?" Mas naging excited pa lalo ang kanyang mukha sa tanong ko. Tumango ako sa kanya at pinaupo sya sa likod ng bike. Nag-umpisa na akong i-pedal ang bike para patakbuhin ito pero mukhang niloloko ko lang ang sarili ko. Bukod sa mabigat si Wave ay sobrang tangkad pa nya kaya nakasayad sa lupa ang mahahaba nyang binti.



"Bakit hindi pa tayo umaandar, Avalon?" Nagtatakang tanong nya.



"Huwag mo kasing isayad ang mga paa mo sa lupa, Wave. Itaas mo ang mga paa mo!" Sinunod naman nya ang sinabi ko kaya kahit papano ay nakakaandar na kami. 



I'm getting the hang of riding the bicycle when I suddenly felt his hands on both sides of my waist. Alam ko namang nakahawak lang sya sa waist ko para hindi sya malaglag. But crap, now I'm freaking distracted! Hindi ko tuloy alam kung saan ako magco-concentrate, kung sa pagpepedal ba ng bike o sa kamay nyang nasa waist ko.



Tutal ay nagba-bike na lang rin naman kami ay dumiretso na kami sa convenience store at doon kumain. First time nya daw makakain sa convenience store kaya sobrang amaze na amaze na naman sya.



"Thank you po." Tumango naman sakin ang manager ng store bago kami umalis ni Wave.



"Gusto mo bang turuan kitang mag-bike?" Tanong ko sa kanya. Sinubukan nya kasi itong paandarin kanina pero hindi nya nagawa.



"Sige!" Mabilis na sagot nya. Pinasakay ko sya sa bike at sinabi kong i-pedal nya ang bike habang nakahawak ako sa maliit na upuan sa likod ng bike para alalayan sya.



"Waah! Napapagana ko na, Avalon! Ang galing!" Tuwang tuwa na sigaw nya nang maisikad nya ito habang nakaalalay ako sa kanya sa likod. Aaminin ko na mahirap alalayan si Wave sa bike dahil nga sa matangkad sya at mabigat pa. Nang medyo nakakatagal na sya sa pagsikad ay palihim kong tinanggal ang pagkakaalalay ko kay Wave.



"Ang galing talaga, Avalon! Nagagawa ko na syang paandarin! Ang say–" Bigla syang lumingon sa likod nya para tingnan ako at nang makita nyang hindi na pala ako nakahawak sa likod ng bike ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata. 


Automatic na biglang nagpagewang gewang ang bike na sinasakyan nya dahil nawalan na sya ng control. Napatampal na lang ako sa noo ko nang bumangga sya sa isang kumpol ng mga basura sa gilid ng kalsada bago sya nalaglag sa bike.

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon