CHAPTER SIX

3.9K 216 16
                                    

A/N: A little dedication for you Cassidy! For the first reader commented on my story :)


CHAPTER SIX



Pagtapos naming kumain ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin at naghugas. Mabuti na lang at weekends ngayon kaya makakapaghanap ako ng part time job. Mabilis lang akong naligo at lumabas ng banyo na nakabihis na. I need to be cautious now. Hindi na lang ako ang tao dito sa apartment ko.


Habang sinusuklay ko ang buhok ko ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Wave. He's too engrossed in watching Dora the Explorer. Para syang bata na ngayon lang nakapanuod ng TV. Masyado syang aliw na aliw sa ginagawa ni Dora.


"Swiper! No swiping!" Sigaw nya na ikinagulat ko. He's really a child. Napatingin ako sa damit na kagabi pa nya suot. Bumaba ang tingin ko sa paanan nya. He didn't even remove his shoes! Natulog sya ng nakasapatos? Unbelievable!


"Wave." Akala ko ay hindi pa sya lilingon dahil ito ang unang beses na tinawag ko sya sa kanyang bagong pangalan. But he's quick to whip his head towards my direction while smiling. I think he really likes his temporary name.


"Lalabas lang ako saglit. Dito ka lang at wag kang lalabas." Sabi ko sa kanya pagkasuot ko ng sandals ko. Hindi pa man din ako tuluyang nakakalabas ng apartment nang maramdaman kong may nakasunod sakin.


"Maaari ba ak­–"


"Hindi pwede," Hindi ko na hinintay matapos ang sasabihin nya. Alam ko namang magtatanong sya kung pwede syang sumama, "Manuod ka na lang ng TV. Babalik rin kagad ako." Tumalikod na ako at lumabas na ng apartment. Sana lang ay hindi nya maisipang lumabas ng apartment.


Alas-otso pa lang ng umaga. Sana ay may mahanap na akong part time bago magtanghalian. Una kong pinuntahan ang malapit na convenience store. Good thing they're hiring part timer student. 


Kinuha ko na kagad ito at bukas rin ay magsisimula na akong magtrabaho. Sa tingin ko ay kailangan ko pang maghanap ng ibang part time. Masyadong maliit ang sahod sa convenience store kumpara sa restaurant na huling pinasukan ko.


Halos tatlong oras na akong naghahanap ng iba pang part time job pero wala na akong makita. Puro full time kasi ang hanap nila. Maghahanap na lang ako sa ibang araw ang mahalaga ay may nahanap ko kahit papano. Balak ko na sanang umuwi nang madaan ako sa mga hile-hilerang nagtitinda ng damit. I think I need to buy him some clothes. Hindi naman pupwedeng puro iyon na lang ang suot nya.


Kumuha lang ako ng limang mumurahing t-shirts at limang panlalaking short. Dumampot na lang rin ako ng limang underwear na sa tingin ko ay kasya sa kanya. It's kinda awkward to buy a guy's underwear. 


Sana lang talaga ay tama itong mga sizes na pinagkukuha ko. Bumili na rin ako ng tsinelas nya pagtapos ay binayaran na ito sa tindera. Sa tingin ko naman ay pwede na itong mga binili ko bilang gamit nya. Bumili rin ako ng toothbrush at deodorant nya kanina sa convenience store. If it weren't for his necklace I wouldn't be able to buy these clothes for him.


Pagkarating ko sa apartment ay naabutan kong nanunuod pa rin si Wave ng TV. Mabilis na naagaw ko ang kanyang atensyon at mabilis syang lumapit sakin. Why do I feel like he's a puppy? Hahabol kapag lalabas ng bahay ang amo at sasalubingin ka kapag nakauwi na sa bahay.


"Maligayang pagbabalik!" Sabi nya pagkalapit sakin.


"May balak ka bang pasabugin ang TV ko?" Kumunot naman ang noo nya sa tanong ko at alam kong hindi na naman nya ako naintindihan. Kaninang umalis ako ay bukas na ang TV at ngayong nakauwi na ako ay maabutan kong nakabukas pa rin ito. 


Tsk, tsk. Ako na ang kumuha ng remote at pinatay ang TV. Buti na lang at hindi sya umangal nang patayin ko ito.


"Sadyang nakakaaliw ang itim na kahon na iyan. Labis ko pa rin pinagtataka kung papaano nagkakasya ang mga tao at hayop sa loob nya. Lalo na nang malaman kong may kakayahan pa lang magsalita ang unggoy." Napailing nalang ako sa huli nyang sinabi. 


That must be Boots he's talking about. Tuwang tuwa sya habang nagkukwento ng kung ano-anong napanuod nya. Mostly ay Dora the Explorer ang kinukwento nya.


"TV ang tawag dyan at walang tao sa loob nyan." Paliwanag ko sa kanya habang inuumpisahan ko ng magluto ng pagkain namin.


"Kung ganoon paano ko sila nakikita sa loob ng TV?" Ugh, how do I explain it to him? Ang hirap mag-isip ng salitang alam kong maiintindihan nya.


"Err, mabuti pa ay maligo ka na." Kaysa makipagbalagtasan pa sa kanya ay mas magandang maghanap na lang sya ng iba nyang pagkakaabalahan. Kumuha ako ng extrang tuwalya at inabot ang isang overized t-shirt ko sa kanya. Kinuha ko ang isang short at underwear na binili ko kanina. Sana lang ay hindi sya mangati. Lalabhan ko na lang ang mga damit nya mamaya.


"May sabon at shampoo na sa loob. Dyan ka na lang din magbihis. Utang na loob, siguraduhin mong nakabihis ka na bago ka lumabas." Pagtapos kong magsalita ay tinulak ko na sya papasok sa loob ng banyo. Siguro naman ay alam nya kung paano maligo?

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon