CHAPTER THREE
Kahit na hirap pa rin na makahinga ang lalaki ay pinilit nya pa rin makatayo at maupo na ayos. He scanned his surroundings while heaving deep breaths. He furrowed his forehead when his gaze landed on mine.
"Sino ka? Nasaan ako?" Tanong nya. Hindi ko pinansin ang mga tanong nya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. I don't know if I should feel relief because I didn't die or should feel frustrated. Sa lahat ng pagkakataon ay ako pa talaga ang nakakita sa lalaking ito. Hindi naman maatim ng konsensya kong pabayaan na lang sya.
Of all people why now and why me? Is this His way of stopping me from killing myself? Why? Wala ng natitira sakin at wala ng dahilan pa para mabuhay. Dammit, I don't know what to do anymore.
"Bakit wala akong maalala?" Nahinto ako sa pag-alis nang marinig kong magsalita ang lalaking niligtas ko. Kunot noo ko syang tiningnan. Nakasabunot ang kanyang kamay sa kanyang ulo at parang hirap na hirap alalahanin ang nangyari bago sya mapunta sa ilalim ng dagat.
Pinabayaan ko na lang sya. Siguro naman ay makalipas lang ng ilang oras o araw ay may maaalala na sya. Bahala na sya sa buhay nya. I did my part and that is to save him.
"Sandali lang, babae!" Sa pangalawang pagkakataon ay muli na naman akong nahinto. Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita nasa likod ko na sya at nakahawak sa braso ko.
"Let go." Walang emosyong sabi ko.
"Ha? Hindi ko naintindihan ang iyong sinabi. Anong lenggwahe ang iyong ginamit?" Mas lalong na-triple ang kunot sa aking noo nang marinig ko ang mga sinabi nya.
"Are you kidding me?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Niloloko ba ako ng lalaking 'to? Did he hit his head hard?
"Iyan?! Ano ang iyong mga sinasabi? Bakit hindi kita maintindihan?" Katulad ko ay mukhang hindi rin sya makapaniwala sa nangyayari. I think I just save a psycho.
"Ang sabi ko bitiwan mo ako." Sabi ko na mukhang naintindihan naman nya. Dahan dahan nyang binitawan ang aking braso.
Why can't he understand English? I mean, kahit naman siguro nakalimutan mo kung sino o saan ka galing ay hindi mo pa rin makakalimutan ang mga basic knowledge na alam mo. Wait, did this guy even went to school?
"Anong lenggwahe ang ginamit mo kanina? Bakit parang bago lang ito sa aking pandinig?" Is it me or his tagalog are way too deep? Para syang nasa sinaunang taon.
"Sa tingin ko ay kailangan mong magpunta ng ospital."
"Ospital? Ano iyon?"
Kusa na lang na napatampal ako sa aking noo. Is he for real? Ginagago lang ba ako ng lalaking 'to? He's so impossible!
"I don't have time to play pranks with you." Naiiling na sabi ko bago sya ulit talikuran.
BINABASA MO ANG
He Who Came From Another World
Science Fiction[HIGHEST RANKING: #6 in Science-Fiction] A stranger who can't remember anything saved me and brings color in my empty life. STARTED: July 01, 2017 ENDED: May 16, 2018