CHAPTER THIRTY THREE

2.8K 168 12
                                    

CHAPTER THIRTY THREE

Napapapikit na lang ako at napapailing sa dalawang stranghero na pinapasok ko sa apartment ko. Nung sinabi nila na tungkol kay Wave ang pag-uusapan namin ay pinapasok ko sila. Ngayon namang nasa loob na sila ay mukha silang mga bata na nasa loob ng museum. Abot ang tingin at hiyaw nila sa loob ng apartment ko.

No doubt about it. Kakilala nga nila si Wave. Tandang tanda ko pa ang mga reaksyon na noon dahil sa sobrang pagkamangha. Ibig sabihin ba nito ay balak na nilang kuhanin si Wave?

Para akong nakaramdam ng kirot at panlulumo dahil sa naisip ko. I mentally shook my head to get rid of my thought.

I should be happy.

For Wave.

"Ano ang bagay na ito, babae?" Tanong ni Atlas habang hinihimas pa ang TV ko. Sa halip na sagutin ang tanong nya ay dinampot ko na lang ang remote at binuksan ang TV.

"AAAHH!!"

Napahagalpak ako ng tawa dahil sa naging reaksyon ni Atlas. Ang lakas ng naging sigaw nya at ang bilis nyang nakatalon palayo sa TV at takot na takot na tinitingnan ito. Maging si Silas ay nanlalaki ang mga matang nakatitig sa TV.

"T-Teka, paanong nagkasya ang mga tao sa loob ng bagay na iyan?" Tanong ni Silas habang unti-unting lumalapit sa TV. Si Atlas naman ay nakalapit na at dinudutdot ang screen.

Sa halip na sagutin ang tanong nya ay humalukipkip ako at tinitigan ulit ang mga damit nila. Ganitong-ganito rin ang damit ni Wave noong unang kita ko palang sa kanya. Same long sleeves and ruffled cuffs.

"Sabihin nyo nga sakin. Saan kayo galing? Anong kailangan nyo kay Wave?"

"W-Weyb?" Kunot noong tanong ni Silas.

"Yung lalaking kasama ko dito sa bahay."

"Ah! Si Kael ba ang tinutukoy mo?"

Say what? Kael? Kael ang totoong pangalan ni Wave?

"Kael? Kael ang totoong pangalan nya?" Paninigurado ko. Tumango naman si Silas bago umayos ng upo.

"Kael o mas kilala bilang Mikael. Ang bunsong prinsipe ng pamilya Faramir mula sa malayong kaharian ng Haralda."

Seryosong sabi ni Silas. Ilang segundo muna kaming nagtitigan ni Silas bago ako mariin na napapikit. Then I felt something snapped inside my head.

"Okay, that's it. Out! Lumayas kayo!" Sigaw ko.

I know they're weird but to be THIS weird? Ha! Prinsipe? Faramir? Haralda? You've got to be kidding me.

Ang tino-tino tingnan nitong si Silas tapos malalaman ko na malakas pala ang sapak nito sa utak.

"Sandali, bakit mo kami pinapaalis?" Naguguluhang tanong ni Silas. Lumapit naman si Atlas sa kanyang kakambal at binatukan ito.

"Bakit mo sinabi sa babaeng 'yan? Wala dapat makaalam kung saan tayo galing!" Singhal ni Atlas sa kanyang kakambal.

They're weird. Really, really weird. Ang buong akala ko ay nasanay na ako sa kaweirduhan ni Wave pero mukhang mas matindi pa yata ang dalawang 'to.

"Avalon?"

Sabay-sabay kaming tatlo na napatingin sa nakabukas na pinto kung saan nakatayo si Wave. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa kambal.

"Kael!" Sigaw nila at patakbong lumapit kay Wave at mahigpit na niyakap ito. Samantalang si Wave naman ay nakakunot ang noo at halatang naguguluhan sa nangyayari.

"Kamusta ka na? Sobrang nag-alala kami sayo!" Sabi ni Atlas. Ang kaninang masungit nyang itsura ay nawala nang makita si Wave.

"Ilang buwan ka na naming hinahanap!" Dagdag pa ni Silas.

"S-Sandali lang, sino kayo?" Naguguluhang tanong ni Wave sa kanila. Natigilan ang kambal sa naging tanong ni Wave bago sila nagkatinginan.

Napatingin naman si Wave sakin at nagkibit balikat ako sa kanya. Pasimple syang lumayo sa kambal at mabilis na lumapit sakin at nagtago sa likod ko.

"Kael? Anong nangyayari sayo? Bakit hindi mo kami maalala?" Tanong ni Silas nung mahimasmasan sila at makalapit sa amin. Para namang bata si Wave na nakakapit sa likod ko at nakasilip lang.

May balak na sana akong magpaliwanag pero nagulat ako nung bigla akong kwelyuhan ni Atlas at masama ang tingin sakin.

"Anong ginawa mo kay Mikael, babae?!" Singhal nya sa pagmumukha ko.

I was stunned for a second or two before I felt Wave grab my shoulders and hid me behind his broad back.

"Hey. Hand's off." Maangas na sabi nya at sinalubong ang masamang tingin ni Atlas.

Oh, boy. Wave already flipped on his badboy switch.

"Sandali! Wag kayong mag-away!" Mabuti nalang at pumagitan si Silas sa dalawa at nilayo ang kanyang kambal kay Wave, "Hindi mo ba kami matandaan, Mikael? Kami 'to. Si Silas at Atlas. Pinsan mo kami!"

What? Pinsan? Hindi lang pala nila simpleng kakilala si Wave kundi pinsan pa nila!

Wave remained silent. I guess hundreds of thoughts are starting to form inside his head by now.

"Walang maalala si Wave." I blurted out, "Nakita ko sya sa ilalim ng dagat at wala syang maalala simula nung niligtas ko sya." Dagdag ko pa at halatang hindi makapaniwala ang kambal sa narinig nila.

"Masama ito.." Bulong ni Silas.

"Bakit? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Kailangan namin syang ibalik sa mundo namin." Seryosong sabi ni Silas na tila nagpaestatwa sa akin.

Alam kong darating talaga ang araw na kakailanganin ni Wave na bumalik sa kanila pero ang marinig na mismo ito at totohanang mangyari ay nakakagulat pa rin sakin.

I'm prepared and I expected it and yet why do I still feel surprised? Why do I feel like my energy is slowing slipping away from me?

"Ayoko. Hindi ako sasama sa inyo." Matigas na sabi ni Wave at hinawakan ang kamay ko.

"Alam kong hindi ka namin mapipilit sumama sa amin lalo pa at wala kang naaalala. At isa pa, tanging ikaw lang ang nakakaalam ng lagusan pabalik sa mundo natin."

"What do you mean?" Tanong ko na ikinakunot ng noo ni Silas.

"Umayos ka, babae! Hindi namin alam ang salitang iyan!" Singhal sakin ni Atlas. Sa inis ko ay hindi ko napigilang irapan sya.

"Stupid jerk!" Since they can't understand english might as well use it as my advantage.

Balak pa sanang magsalita ni Atlas ng awatin sya ni Silas, "Atlas." He said warningly. Tumahimik naman si Silas at padabog na humalukipkip.

"Anong ibig mong sabihin sa lagusan? M-Mundo natin?" Naguguluhan tanong ni Wave.

"Hayaan mo akong ipaliwanag sa inyo ang sanga-sangang mundo," Silas started, "O mas kilala sa salita nyo bilang Parallel Universe."

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon