CHAPTER FORTY SIX

2.6K 158 33
                                    

CHAPTER FORTY SIX

If asking the ground to open and eat me whole is actually true, I think that might actually be useful right at this moment.

Fudge. I can’t even think of what to do right now. Parang kusang nag-shut down ang sistema ko at ayaw nitong mag-function.

Nakatitig lang ako kay Kyfer na nakatingin lang din sakin. Mukhang hinihintay nya kung ano ang sasabihin ko o kung ano ang ire-react ko.

“Hoy, babae. Tingnan mo. Ito ‘yung napapanood—”

I quickly spun around and came face to face with Iron Man— I mean, a guy wearing Iron Man’s mask. Kahit na may suot syang maskara ay nahalata ko pa rin na nagulat sya base na rin sa pagkakatigil nya. Hindi kagad nakapagsalita si Atlas at nakatitig lang kay Kyfer.

Mayamaya pa ay biglang napadaing sa sakit si Atlas habang hawak ang kanyang ulo. He’s clutching his head as if his life was dependent on it. Mabilis na inalalayan ko kaagad si Atlas nung medyo nawawala na ang kanyang balanse.

“A..Ava? Anong nangyayari sa kasama mo?” Nag-aalalang tanong ni Kyfer at balak sanang tumulong sa pag-alalay kay Atlas nung mabilis na umiwas ang huli.

“Ava..” bulong ni Atlas at halos madurog ang puso ko nung marinig ko ang sakit at paghihirap nya sa kanyang boses, “Ila..Ilayo mo na ako dito.”

Atlas doesn’t need to tell me twice as I nodded my head before looking at Kyfer.

“K-Kaya ko na ‘to, Kyfer. Kailangan na naming umalis.”

Naglapag ako ng pera sa counter bilang bayad sa maskara na suot ni Atlas. Hindi ko na hinintay ang magiging sagot ni Kyfer at mabilis na kagad kaming umalis habang inaalalayan ko si Atlas sa paglalakad.

Hanggang sa makarating kami sa tapat ng apartment ay doon lang medyo kumalma si Atlas. Binuksan ko ang pinto at pinasok sa loob si Atlas.

“Nandito na pala kay—”

Hindi na naituloy ni Silas ang pagsasalita nung makita nya ang sitwasyon ni Atlas.

“Atlas!” Mabilis na lumapit si Silas at inalalayan ang kanyang kakambal. Pinaupo namin si Atlas sa sofa at inabutan sya ni Silas ng isang basong tubig.

“Anong nangyari, Ava? Bakit nagkaganito si Atlas?” Bakas ang pag-alala sa mukha ni Silas. Napatingin ako saglit kay Atlas at tinanggal ko ang maskarang suot nya. Nakasandal ang ulo nya sa sofa at nakapikit. Kalmado na sya ngayon at mukhang nawala na ang pananakit ng kanyang ulo.

“Nakita namin ang doppelganger ni Atlas..”

Tiningnan ko si Silas at bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha. Napansin ko ang pagkuyom ng kamay ni Silas at ang pagdidilim ng kanyang mukha.

“Kailangan na naming makaalis sa lalong madaling panahon..” Madiin at pinal na sabi ni Silas habang nakatingin kay Atlas.

“Hindi tayo makakaalis dito hanggat hindi bumabalik ang mga alala ni Mikael..” Atlas said not even bothering to open his eyes, “Huwag kang mag-alala. Hindi naman nya nakita ang mukha ko.”

“Kahit na, Atlas. Maari mong ikapahamak ang pagkikita nyo. Hindi tayo nagmula sa mundong ito kaya tayo ang maaapektuhan at tayo ang maaring mapahamak at iyon ang hindi ko hahayaang mangyari. Kung kinakailangan kong—”

Napadilat si Atlas at mataman na sinalubong ng tingin ang kanyang kambal, “Tumigil ka na, Silas.” Madiin na putol ni Atlas sa ano mang sasabihin ni Silas.

Silas’ balled his fist once again before storming out of the apartment. Nakatingin lang ako sa pintong nilabasan ni Silas. Somehow, he seems like a different person.

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon