CHAPTER TWELVE

3.3K 202 5
                                    

CHAPTER TWELVE


Pasado alas-otso na ako ng gabi nakauwi dahil pagkagaling ko sa school kanina ay dumiretso na ako sa convenience store na pinagpa-part time ko. Naabutan kong nakaupo sa labas ng apartment si Wave habang nakapalumbaba. Is he waiting for me?



"Avalon!" He's face lit up when he saw me, "Welcome home!" Masiglang sabi nya pagkalapit sakin. Home, huh? Mukhang may natutunan na naman sya sa panunuod nya sa TV.



"Bakit ngayon ka lang? Ang akala ko ay hindi ka na babalik." Dagdag nya pa habang sinusundan akong maglakad papasok sa loob ng apartment.



"Dumiretso na kasi ako sa part time ko pagkagaling ko sa school kanina. Kumain ka na ba?"



"Hindi pa pero may niluto na akong kanin. Hinihintay kasi kita. Ano 'yung part time?" Sinilip ko 'yung kaldero ng kanin at kumpara kahapon sa sinaing nyang kanina ay mas maayos na ito. I guess he's fast improving. 


Isinalin ko na sa lalagyanan ang dalawang lutong ulam na binili ko kanina bago ako umuwi. Sinabihan ko si Wave kanina na huwag ng magluto ulit dahil alam kong masasayang lang ito. Buti na lang ang at kahit papano ang kanin na niluto nya ay maayos.



"Part time, 'yung trabaho na sinabi ko sayo kahapon."



"Ah. Kamusta pala sa school mo? Anong itsura doon? Masaya ba mag-aral? Pwede ba akong sumama sayo sa school mo?" Sunod sunod na tanong nya habang hinahanda ko ang mga plato.



"Kumuha ka ng tubig natin, Wave." Utos ko sa kanya. Panay kasi ang sunod nya sa bawat kilos ko. Kapag kukuha ako ng plato ay susunod rin sya, kapag maghuhugas ako ng kamay sa lababo ay nakasunod rin sya. Para syang buntot or anino ko.



"Mahirap ba mag-aral? Ano-ano ba ang tinuturo sa school? Marami ka bang kaibigan?" Sunod-sunod na naman nyang tanong habang nagsasalin ng tubig sa baso.



"Wave, pwede bang manahimik ka muna." Hindi ko na tuloy napigilang masungitan sya dahil sa sobrang dami nyang tanong.



"Pasensya na, Avalon. Buong araw ka kasing wala dito kaya wala akong makausap. Hindi ko alam na sadyang nakakalungkot palang mag-isa." I feel like he slapped me with his words. 



Nakonsensya naman ako dahil sa pagsusungit ko sa kanya. I didn't know that he can be easily felt lonely. He's such a baby.



In the end ay sya na lang ang pinagkwento ko sa mga ginawa nya buong araw na wala ako. Ayoko naman kasing ikwento sa kanya ang mga nangyayari sakin sa school. That's not a good story to share anyway.



"Alam mo kahit na wala akong maalala ay masaya pa rin ako." Yeah, obvious nga. You and your innocent looks. Gusto ko sanang sabihin sa kanya.



"Bakit naman?" I asked instead.



"Kasi nakilala kita." Natigilan ako sa pagkain dahil sa sagot nya. Punch line ba ito na natutunan nya rin sa TV?



"Masaya ako dahil ikaw ang nagligtas sakin. Masaya ako dahil hinayaan mo akong tumira kasama ka. Masaya ako dahil binigyan mo ako ng pangalan. Masaya ako kapag nandyan ka. Masaya ako kapag kausap kita. Masaya ako kahit makita lang kita. Ang tanging ayoko lang ay kapag umaalis ka at naiiwan akong mag-isa." 


T-Teka, ito ba 'yung nauuso ngayon? 'Yung mga corny na tulang may hugot? Did he learn it from TV? If so, I guess I have to smash that TV into pieces. Akala ko ay makakatulong ang TV sa kanya pero mukhang napapasobra na yata ang panunuod nya sa TV.



"Thank you, Avalon." Nakatulala lang ako sa kanya nang matapos na syang tumula. Hindi ko alam kung tula nga ba iyong mga sinabi nya o iyon ang normal nyang salita sa tuwing kakausapin nya ako.



"W-Wala 'yon." Nauutal na sabi ko. I don't know why but my heart started to beat differently when he said those words. Kahit na alam kong corny ay naapreciate ko pa rin ang mga sinabi nya sakin. Well, what can I expect? Wave and his deep and unnerving words.

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon