CHAPTER FORTY FIVE
Dahil sa pagkalibang ko sa paghahanap ng clue sa title ng libro ni Rain ay nakalimutan ko na ang isa kong problema. Ang problemang ilang taon ko na yatang pinoproblema. Ang pera.
Nilabas ko ang perang naitabi ko at ang perang sinahod ko sa shop nila Mia at binilang ito.
I sighed. Kailangan ko nang bumili ng groceries dahil ubos na ang mga pagkain na naka-stock sa ref.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbibilang ng pera nung biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Tiningnan ko ang bastos na lalaking hindi yata alam ang salitang katok.
“Hoy, babae.”
Binalik ko ang tingin ko sa perang hawak ko, “Anong kailangan mo?”
“Nawawala ‘yung mga tao sa TV.”
Napairap ako sa hangin dahil sa sinabi ni Atlas, “Ilang linggo ka nang nanunood ng TV hanggang ngayon hindi mo pa rin alam gamitin?”
“Alam ko paganahin ang TV mo! Kaso iba ngayon, babae!” Nagpamaywang sa harap ko si Atlas.
Hay. Dapat pala pumasok na lang ako sa shop nila Mia tulad ni Wave kahit na day off ko ngayon kaysa naman maiwan dito sa apartment kasama sila Atlas at Silas.
“Baka lumabas ‘yung mga tao sa TV kaya nawawala.” Walang kwentang sagot ko.
“Imposible,” umiiling sa sabi ni Atlas na akala mo ay nag-iisip, “Naririnig ko pa rin ang boses nila kaya imposibleng nakalabas sila sa TV.”
Hindi ko napigilang maitampal ang kamay ko sa aking noo dahil sa sinabi ni Atlas. This conversation is making me crazy.
“Nakakapagtaka. Naririnig ko ang boses nila pero hindi ko sila makita.”
Dahil sa sinabing iyon ni Atlas ay bigla akong may na-realize.
It can’t be..
Don’t tell me..
Napatakbo kagad ako palabas ng kwarto ko at literal na nanlaki ang mga mata ko nung maabutan kong hahampasin dapat ni Silas ng walis tambo ang luma kong TV.
“STOOOOP!!” Sigaw ko na ikinagulat ni Silas dahilan para mahinto nya tuluyang pagsira sa aking TV, “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” Sigaw ko ulit. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang walis tambo na hawak nya.
“Sinusubukan kong ayusin ang TV mo, Ava.” Parang proud pa na sabi ni Silas sakin.
“You’re fixing my TV by smashing it?! Siraulo ka ba?!”
Silas just blinked and stared at me.
“Sabi ko naman sayo Silas mali ang paraan mo. Ito talaga ang dapat na gamitin natin para mapalabas ang mga tao.”
Napatingin ako kay Atlas dahil sa sinabi nya at sa pangalawang pagkakataon ay nanlaki na naman ang mata ko. He’s holding a freaking huge axe! What the hell?!
“Saan mo nakuha ‘yan?!”
Atlas motioned the big axe outside, “Kay Binibining Susie.”
“Bi..Bini..Binibining Susie?!” Natatangang ulit ko sa pangalang binanggit ni Atlas. Tapos ako kung tawagin nya ‘babae’ o kaya naman ‘hoy’ lang!
“Oo. Ang bait nga nya. Nagbigay nga sya ng pagkain. Kaso saming dalawa lang daw ni Silas.”
I rolled my eyes, “I don’t want her food either,” tiningnan ko ulit ang palakol na hawak nya, “Ibalik mo nga sa kanya ‘yan!” pinasadahan ko ng tingin ang kambal bago nagpamaywang, “Kayong dalawa! Subukan nyo lang na hawakan o lapitan ang TV na ‘yan malilintikan talaga kayo sakin! Kita nyo ang ginawa nyo. Sinira nyo na ang TV ko! Ilang taon kong iningatan ‘yan tapos sisirain nyo lang!”
BINABASA MO ANG
He Who Came From Another World
Science Fiction[HIGHEST RANKING: #6 in Science-Fiction] A stranger who can't remember anything saved me and brings color in my empty life. STARTED: July 01, 2017 ENDED: May 16, 2018