CHAPTER THIRTY ONE

3.1K 238 26
                                    

CHAPTER THIRTY ONE


This morning is definitely the best morning in my life. Ang sarap ng tulog ko na halos ayoko ng umalis sa higaan ko. Maski ang pagdilat ng aking mga mata ay hindi ko magawa. I'm still sleepy. Wave's scent filled my nose kaya mas lalo tuloy ayokong umalis sa higaan nya. Siniksik ko pa lalo ang mukha ko sa unan ni Wave at inamoy ito. 


Again, why do I feel and sound like a freaking pervert?


My train of thoughts interrupted when I heard someone chuckled. Kumunot ang noo ko. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko kahit na ayoko pa. Isang dog tag necklace kagad ang nakita ko pagkabukas ko ng aking mga mata. Dog tag necklace? Teka –


Mabilis kong inangat ang paningin ko at nagtama ang mga mata namin ni Wave. He's grinning from ear to ear while looking at me.


"Good morning, Avalon." Nakangiting bungagd nya sakin. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin pa rin sa kanya. What the hell? Anong ginagawa nya dito sa sala at nakahiga sya sa tabi ko?


"Matulog ka pa, Avalon." Sabi nya at isiniksik pa ako lalo sa kanya. 


Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang mukha. Tsaka ko lang napansin ang pwesto naming dalawa. Nakasiksik ang katawan ko sa katawan ni Wave habang nakayakap sya sakin. Ang dalawa kong kamay naman ay nakadikit sa dibdib nya habang ang ulo ko ay nakapatong sa kanang braso nya na nagsisilbing unan ko. Again, what the freaking hell?!


Mabilis pa sa alas-kwatro na naitulak ko si Wave. Bakit sya nandito sa sala at nakahiga sa tabi ko?


"Anong ginagawa mo dito?!" I yelled at him. Tumayo kagad ako. Kailan pa sya nakahiga sa tabi ko?


"Nagising kasi ako kagabi tapos nakita kitang natutulog mag-isa dito kaya tinabihan kita." Nakangiting sagot nya. Parang proud pa sya sa ginawa nya. 


Kumuyom ang kamao ko at umamba akong babatukan sana sya pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Bakit hindi ko man lang naramdaman na tinabihan nya ako kagabi? Mababaw lang ang tulog ko kadalasan kaya simpleng tunog lang minsan ay nagigising kagad ako. 


Is it because of Wave's scent? 


Parang gusto kong sapakin ang sarili ko sa naisip ko.


"Wag mo ng gagawin ulit iyon! Naiintindihan mo?"


Napakamot sya sa batok nya bago tumango. Langya! Bakit parang wala lang sa kanya ang ginawa nya? What? Hindi nya ba alam na hindi pwedeng mahiga sa isang higaan ang lalaki at babae unless if they have an intimate relationship! 


Don't tell me pati iyon ay nakalimutan nya? It's just a simple a basic knowledge! Gaahd! He's so impossible!


"Bakit mo ako inaamoy kanina, Avalon?"


He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon