CHAPTER FORTY
The whole day of my birthday was well spent kudos to my friends. We talked, laughed and even played a random games this whole afternoon. This day is indeed memorable, not because it's my birthday but rather how I spent it with my friends.
"Pia! Faster! Time is sold!" Naiinip na sabi ni Era habang hinihintay nya ang tatanungin ni Pia sa kanya. Naglalaro kasi kami ng Truth or Dare at saktong kay Era naturo ang bote.
"Gold 'yon!" We chorused and started laughing. Era will never be Era without her wrong figures of speech.
"Alam ko! Binenta ko na 'yung gold kaya sold na sya." Palusot nya pa na kahit sobrang corny ay tinawanan pa rin namin.
Enjoy na enjoy kami sa paglalaro nung mahagip ng mga mata ko ang halos isang dangkal na siwang sa pinto ng kwarto ko. I saw three half faces parallel from one another and intently gazing on us.
Kung ibang tao lang siguro ang makakakita sa kanilang tatlo ay baka nawindang na ito sa takot. Sinenyasan ko silang isarado ang pinto at nung hindi nila ginawa ay mas lalo ko pa silang pinandilatan.
"Ava? What's wrong? Bakit nanlalaki ang mata mo?" Takang tanong ni Era. Buti nalang at nakatalikod sila Era at Pia sa pinto ng kwarto ko kay hindi nila nakikita 'yung tatlong asungot. Maybe Mia noticed them too and chose to keep quiet.
"Ah, wala. Hehe." Sabi ko nalang at nung ibalik ko na ang tingin ko sa pinto ay nakasarado na ulit ito.
Halos isang oras yata kaming naglaro at kaonting kwentuhan pa nung maisipan na nilang umuwi. Medyo nangilid na naman ng kaonti ang luha ko nung mag-thank you at magpaalam ako sa kanila. I really appreciate what they did to me. Sa tuwing maaalala ko na binubully nila kami dati ni Mia ay natatawa na lang ako.
"Sa wakas! Kalayaan!" Parang tangang sigaw ni Atlas nung palabasin ko na sila sa kwarto ko. Nakataas pa ang mga braso nya sa hangin dahil sa tuwa. Pasimple ko silang dinadalhan ng pagkain sa kwarto ko kanina dahil kung hindi ko gagawin 'yon ay malamang kanina pa sila nagwala. Especially, Atlas. That guy will never remain quiet until you pacify him with foods.
"Ava, ano ang birthday?" Takang tanong naman ni Silas habang nakatingin sa mga pagkain at sa ilang kalat namin.
"Ah, kaarawan ang ibig sabihin noon."
"Talaga? Sino ang may kaarawan?"
"Hmm, ako." Sagot ko habang inuumpisahan ko na linisin ang mga kalat namin.
"IKAW?!" Nagulat ako sa sabay na pagsigaw nila Atlas at Silas nung sabihin kong ako ang may birthday ngayon. Tiningnan ko sila ng masama dahil nagulat talaga ako.
"Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin?" Tanong ni Silas.
"Nakalimutan ko rin kasi." Sagot ko.
"Kung ganoon, hayaan mong isayaw ka namin bilang paggunita natin sa iyong kaarawan." Napakurap ako ng ilang beses dahil sa mga sinabi ni Silas. Binuksan nya ang TV at nilagay sa channel na may mga music videos na pinapalabas. Sakto namang ang kanta ni Ed Sheeran na Perfect ang pinapalabas na MV. Parang gusto kong mapatampal sa aking noo nung bahagyang yumuko si Silas at nilahad ang kanyang kanang kamay sa harap ko, "Maaari ba kitang maisayaw, Binibini?" He gentlemanly asked. Gusto ko sanang umayaw sa alok ni Silas dahil sobrang nahihiya talaga ako but when I saw his expectant eyes my mind already lost its control on my body and give in to Silas' offer.
I found a love for me..
Darling just dive right in, and follow my lead..We started dancing as if we're in some kind of grand ball. Silas is guiding me in every steps. Ni hindi ko nga malaman kung paano ako nakakasunod sa galaw ni Silas. Basta ang alam ko lang ay sumasayaw kami at sobrang nage-enjoy ako.
BINABASA MO ANG
He Who Came From Another World
Science Fiction[HIGHEST RANKING: #6 in Science-Fiction] A stranger who can't remember anything saved me and brings color in my empty life. STARTED: July 01, 2017 ENDED: May 16, 2018