CHAPTER THIRTY FIVE
I stared on my phone as I continued to absorb every words visible on the article that I found regarding Parallel Universe. As much as I hate to admit it but I think I’m starting to believe about the crap Silas blurted out few hours ago. I heaved a sigh as I let my mind drowned with my thoughts as I stared particularly to nowhere.
Three knocks on my bedroom door pulled me from my thoughts.
“Avalon?” A voice outside my room said.
“Pasok.” I said and the door meekly opened before Wave’s head popped into view. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko sa aking kama at nginitian si Wave. Para syang bata na nakasilip sa pinto ko kaya sinenyasan ko syang pumasok.
Dahan-dahan muna syang pumasok sa loob ng kwarto ko at sinarado ang pinto. I tapped my bed as an invitation for him to sit and he gladly do so.
“What’s up?” I asked. He sighed before smiling weakly at me.
“Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.” He started.
“Saan?” Tanong ko. Though I obviously know what he meant.
“Silas at Atlas. Hindi ko alam kung dapat ko silang paniwalaan. Naguguluhan ako sa mga sinasabi nila.” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Wave. Hindi ba sya masaya?
“Anong ibig mong sabihin?”
“Parang ayaw tanggapin ng utak ko ang lahat ng mga sinabi ni Silas. Parallel Universe. Haralda. Faramir. Kahit ano sa mga binanggit nila ay hindi ko matandaan. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanila. Pakiramdam ko ay may mali..”
“Wave..” Bulong ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya. I can't even find the right words to say right now. Kung ako ang tatanungin ay alanganin pa rin ako sa katauhan nila Silas at Atlas pero kung ibabase ang mga sinabi nila tungkol sa Parallel Universe ay mukhang may katotohanan ito.
“Besides, I don't want to leave, Avalon. Mas gusto kong tumira dito kasama ka.”
Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa mga sinabi ni Wave. Especially when he slowly look at me with his deep innocent eyes which quickened my already fast beating heart. Parang nangungusap ang mga mata nya at gustong malaman ang opinyon ko.
“You're in love with him, Ava.”
Biglang nag-echo sa isip ko ang mga sinabi ni Mia. Paano ako magkakagusto sa lalaking ‘to? He’s weird. A stranger who lost his memories. He’s childish. He even forgets the basic knowledge to survive! He’s impossible! And.. fine. His looks can definitely pass as a model. But no, I don't think I have a special feelings for him.. right?
“You're just in denial, Ava! My God!”
Argh! No! It’s impossible!
“Why is it impossible, Ava? You tell me, why is it impossible? Hindi ka robot, Avalon. Tao ka! And human is capable of loving someone!”
Bakit ba hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Mia? Masyado nyang naimpluwensyahan ang utak ko! Ume-echo talaga sa isip ko ang mga sinabi nya.
“Avalon?”
“Hindi nga kasi!” Naisigaw ko bigla kaya parehas na nanlaki ang mga mata namin ni Wave.
“A..Ayaw mo na akong patirahin dito?” Parang maiiyak na sabi ni Wave.
Shet! Ano ba ‘yan?!
“Hindi! Hindi sa ganoon, Wave. Ano.. matulog ka na. May trabaho ka pa bukas, ‘di ba? Alam kong pagod ka na kaya magpahinga ka na,” Pasimple kong hinila si Wave palabas ng kwarto ko, “Sa sahig mo na lang patulugin sila Silas at Atlas. Sige, goodnight!”
“Teka—”
Hindi ko na hinintay ang kung ano man ang sasabihin ni Wave at pinagsaraduhan ko na sya ng pinto ng kwarto ko. Napasandal na lang ako sa likod ng pinto at nasapo ko na lang ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba.
Kalma, Ava. Kalma.
Kinabukasan ay maaga akong nagising—which is hindi ko nga matandaan kung ilang oras ba ang tinulog ko. Halos hindi ako makatulog kagabi dahil na rin sa kakaisip tungkol kay Wave.
Paglabas ko ng kwarto ko ay naabutan kong natutulog pa rin sila Wave, Silas at Atlas. Nasa sofa si Silas at nasa tabi naman ni Wave si Atlas na mahigpit ang yakap sa kanya.
I should have let Wave sleep in my room instead.
Parang gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa biglang naisip ko. Argh, Avalon! Get a grip!
Bumalik ulit ako sa kwarto ko para kumuha ng damit at tuwalya. Mas magandang makaligo na habang natutulog pa silang tatlo. Mabilis lang akong naligo pagtapos ay nagluto na ako ng pagkain.
“Napakabango..”
Muntik na akong mapasigaw sa gulat nung biglang may magsalita. Nakita kong nakaupo na si Silas at may hawak nang spoon and fork. His eyes are still close while he continues to sniff the air. Yung daing na bangus siguro ang naaamoy nya.
Ibang klase. Pano sya nakapunta dito sa kusina at nakaupo nang nakapikit ang mga mata?
Kinuha ko ang platong may laman na pritong daing na bangus at tinapat ko ng konti sa mukha ni Silas para mas lalo nyang maamoy. He automatically inhales the scent. Nilipat-lipat ko ang plato mula kanan, kaliwa, taas at baba at sinundan sundan naman ni Silas habang nakapikit pa rin ang amoy na parang aso. Pigil ang tawa ko habang inuulit-ulit ko itong gawin. Surely I’m enjoying it.
I was about to move my hand on the left side but Silas caught my wrist as his eyes flutters open. Napatingin sya sakin at sa kamay nyang nakahawak sa palapulsuhan ko.
“Pa..Patawad!” Nanlalaki ang mga mata na sabi ni Silas at mabilis na binitawan ang palapulsuhan ko, “Pa..Pasensya nya. Hindi ko sinasadyang hawakan ka, Ava.” Nakayukong sabi nya.
“Ayos lang..” Sabi ko na lang at nilapag na ang plato sa lamesa, “Gusto mo ba ng kape? Siguro naman ay may kape sa inyo, ‘no?” Tanong ko.
“Oo naman. Mayroong kape sa Haralda.” Pormal na sagot ni Silas.
Haralda. Sinubukan kong i-search sa google Haralda pero walang lumalabas na impormasyon tungkol doon.
Nagtimpla ako ng kape para sa aming dalawa. Nilapag ko sa harap nya ang isang tasa ng kape.
“Bakit ibang ang mundo nyo sa mundo namin? Bakit may kaharian sa inyo? Bakit may prinsipe?” Tanong ko. Sumimsim muna saglit si Silas sa kape nya bago nagsalita.
“Wala ba kayong kaharian dito?”
Napaisip ako sa tanong ni Silas. Ang alam ko sa ibang bansa ay ganoon pa rin ang sistema nila. Like Queen Elizabeth.
“Mayroon naman kaya lang ay mukhang iba kaharian nyo kumpara dito sa amin.”
Napatango-tango si Silas sa sinabi ko.
“Maaaring ang mga mundong sinundan namin ay napanatili ang ganoong klase ng sistema. Gaya nga ng sinabi ko, sanga-sanga at magkakadugtong ang iba’t ibang mundo at ang lagusan kung paano kami nakarating dito ang nagsisilbing dugtungan sa bawat mundo.”
“At tanging si Wave—este, Mikael lang ang nakakaalam ng lagusan na ‘yon?”
Ugh, Mikael sounds awkward. Mas sanay akong tawagin syang Wave.
“Ganoon na nga, Ava.”
“Kung ganon, pano kayo nakarating dito? Saan kayo dumaan?” Tanong ko.
“Nagpagawa kami ng lagusan sa isang mangkukulam sa Haralda na bihasa sa mahika. Panandalian lamang iyon at isang beses lang pwedeng daanan pagtapos ay mawawala na ulit ang lagusan.”
“Pano pala kung hindi nyo nakita si Wave? Eh ‘di hindi na kayo makakabalik sa inyo?”
Tumango si Silas pagtapos nyang sumimsim sa kape nya, “Kaya isang malaking sugal ang pagpunta namin dito sa Earth. At ngayong nakita na namin sya ay panatag na ang loob naming makakabalik kami sa Haralda. Ang tanging problema na lang namin ay ang pagbalik ng alaala ni Mikael. Maaari mo ba kaming tulungan, Ava?” Seryosong tanong ni Silas na diretso ang tingin sa mga mata ko.
Can I say no?
BINABASA MO ANG
He Who Came From Another World
Science Fiction[HIGHEST RANKING: #6 in Science-Fiction] A stranger who can't remember anything saved me and brings color in my empty life. STARTED: July 01, 2017 ENDED: May 16, 2018