CHAPTER THIRTY

3K 163 4
                                    

Kinuha ko ang thermometer sa kilikili ni Wave nang tumunog na ito. It's 38.3 degrees celcius. Mas mababa na ito kumpara kanina na halos umabot na sa 40 degrees. Magdadalawang oras na syang tulog simula ng nauwi kami sa apartment. Naitext ko na rin sila Mia na umuwi na kami dahil sa biglaang lagnat ni Wave.

Naupo ako sa gilid na kama ko. Dito ko muna pinatulog si Wave sa kwarto ko para mas maging komportable sya at makapagpahinga ng maayos. Kinuha ko ang bimpo sa noo nya at nilagay ito sa basin na may malamig na tubig bago ulit ibalik sa noo ni Wave.

He's peacefully sleeping. Hindi na gaanong maputla ang mukha nya kumpara kanina. I think it's over fatigue kaya sya nagkaganito. Hinayaan ko muna syang matulog at lumabas ng kwarto. Kailangan kong lumabas at bumili ng pagkain na makain ni Wave. Warm soup will do. Sinilip ko muna ulit sya sa kwarto para makasiguradong natutulog pa sya bago ako lumabas ng apartment.

I need to get back as soon as possible. Baka mamaya ay magising si Wave. Hindi ko sya pwedeng iwan ng matagal. Halos tatlumpong minuto rin ang tinagal ko sa pamimili bago nakabalik sa apartment pero hindi ko inaasahan ang bubungad sakin.

Dalawang lalaki ang nakatayo sa harap ng apartment ko. Ang isang lalaki ay kinakatok ang pinto at ang isa naman ay sumisilip sa bintana.

"Anong kailangan nyo?" Tanong ko sa kanila ng makalapit ako. Tsaka ko lang napagtanto kung sino ang mga lalaking ito. Shit, shit, shit. This is bad. Ang wrong timing naman nila.

"Hi, Miss. Siguro naman ay natatandaan mo pa kami?" Tanong ng isa sa kanila. Napalunok ako dahil sa kaba.

"Nasaan na ang karagdagang bayad sa utang ng tatay mo?" Dagdag pa ng isa.

How can I forgot these loan sharks? They totally slipped out of my mind. What should I do? Nandito sila para maningil. Ano naman ang ibabayad ko sa kanila? May pera akong nakatabi pero pangbayad ko ito sa upa ng apartment at ibang bills.

"P-Pwedeng sa susunod na buwan na lang?" Tanong ko.

"Niloloko mo ba kami ha?! Wala pa nga sa kalahati ng utang ng tatay mo ang perang nakuha namin sa iyo noon!"

"Magkano ba ang utang ng tatay ko sa inyo?" Siguro naman ay magagawa ko itong bayaran kung kukuha pa ako ng ibang part time jobs. Hati naman kami ni Wave sa ibang bayarin pagdating sa apartment kaya makakaya kong makaipon para pangbayad sa utang ni Papa.

"Isang daang libo lang naman. Idagdag pa ang interes ng utang kaya humigit kumulang dalawang daang libo ang lahat ng utang ng tatay mo."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nila. Para akong nanghina at gusto ko na lang mapaluhod sa lupa dahil sa narinig ko. Dalawang daang libo? Saan ako kukuha ng ganoon kalaking halaga? Hindi ko basta-basta maiipon iyon sa simpleng part time lang.

"Ano may maipangbabayad ka ba?" Nakangising tanong ng isa.

"W-Wala pa sa ngayon pero mag-iipon! Bigyan nyo lang ako ng konting panahon."

"Ginagago mo ba kami? Sobrang tagal na nga utang ng tatay mo kaya hindi ka na namin pwede pang bigyan ng palugit. Hindi mo ba alam na sa kada buwan na lumilipas ay mas lalong nadadagdagan ang utang ng tatay mo."

I know. I know that shit. Pero kahit na anong piga nila sakin ay wala akong maibibigay sa kanila. Nakakainis! Bakit ngayon pa sila nagpakita? Dapat pala ay lumipat ako ng apartment at nagtago.

"Parang awa nyo na. Kahit konting panahon lang.." Magmamakaawa na naman ba ako? Palagi na lang ba ako magmamakaawa?

"Pasensya na Miss pero hindi mo kami madadaan sa iyak mo."

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon