CHAPTER FORTY FOUR

2.8K 151 19
                                    

CHAPTER FORTY FOUR

Hades Astral Dawn in Neptune. Aside from the word Haralda, I know there are still more to this title and that’s what I need to find out.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ulit ang email ko kung nagreply si Rain pero wala pa rin. Kung ayaw makipag-usap sakin ni Rain ay ako na lang ang gagawa ng paraan para ma-confirm ang mga nasa isip ko. And of course who to ask when you have questions? It’s Mother Google.

I typed: Facts about Hades Astral Dawn in Neptune by Rain

Pagka-enter ko ay marami kagad na resulta ang mga lumabas. I clicked the first result. It’s about the feedbacks, ratings and some information about Rain which I already read before.

Ilang mga blog and article pa ang binasa ko pero hindi ko pa rin makita ang impormasyong gusto ko. I also tried typing each words and took down the meanings of each. Like; Hades the Greek God of underworld, Astral is about stars or a person’s spirit, Dawn is simply before sunrise, and Neptune the eighth planet.

Come to think of it, I don’t see any relevance of these words about the story. Ni hindi nga sila nabanggit sa buong storya ni Rain. So why did Rain chose Hades Astral Dawn in Neptune as her title? Why would she—

“Avalon?”

My thoughts were interrupted when someone knocked on my door and I already know who it was. Bigla tuloy akong nataranta nung narinig ko ang boses ni Wave sa labas ng kwarto ko. Mabuti na lang pala at ni-lock ko ang pinto kundi ay dire-diretso na naman syang papasok sa kwarto ko.

“Ba-Bakit?”

Parang gusto kong saktan ang sarili ko nung bigla akong nautal. My goodness! Avalon! Get a grip! Just pretend that it was nothing. Like sleeping on his arms as if you were dead was nothing. Like despite of how you were squashed on his chest you still find it comfortable. Like.. gosh! I’m so hopeless!

I thought brainstorming will make me forget of what happened last night and this morning. Gaaad! The look on Silas and Atlas’s faces were beyond priceless. No. I can’t face them. I’m still embarrassed of myself!

“Nakahanda na ang pagkain.”

Tiningnan ko ang oras at pasado alas dose na rin pala ng tanghali. Hindi ko na tuloy namalayan ang oras simula nung nagkulong ako sa kwarto ko. Ni hindi na rin ako nakakain ng breakfast kanina dala ng sobrang kahihiyan.

“Busog pa ako.” I said which is obviously a lie.

“Sige. Kakain na lang din kami kapag gutom ka na.”

Napatingin kagad ako sa pinto dahil sa sinabi ni Wave. Seryoso ba sya o iniinis nya lang ako?

“Kumain na kayo Wave. Huwag nyo na akong hintayin.” Madiin na sabi ko.

“Hindi pwede. Dapat sabay-sabay tayong kakain.”

“Wave. Wag makulit.”

“Avalon. Wag makulit.” He said mimicking what I just said earlier. Talagang iniinis ako ng lalaking ‘to. Padabog akong lumapit sa pinto at binuksan ito.

“Ang sabi ko—OMAYA!!”

Literal na napasigaw ako sa gulat nung makita kong nakaabang din pala sa pinto sila Silas at Atlas. Isasara ko na dapat ulit ang pinto nung bigla nila itong pigilan at halos buhatin nila ako palabas ng kwarto ko at papuntang kusina kung saan nakahain ang pagkain.

“Bitawan nyo ako!” Sigaw ko.

“Hindi pwede, Ava. Kailangan mong kumain.” Sabi ni Silas.

“Busog ako.” Pagbitaw ko ng mga salitang iyon ay automatic na tumunog ang tyan ko. Sabay-sabay na napataas ng kilay sila Wave, Atlas at Silas habang nakatingin sakin. I looked away as I held my grumbling stomach. Wrong timing naman! Tinatraydor ako ng sarili kong sikmura!

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon