CHAPTER FIFTY TWO

2.6K 148 32
                                    

CHAPTER FIFTY TWO

I am Averill’s doppelganger..

Memories when we first met flashes suddenly in my mind.

I found you... Miss Avalon. Nice to meet you. I'm Michael.”

When he said he found me.. it has a double meaning on it. Ang akala ko nung una ay wala lang iyon pero ngayon alam ko na ang dahilan..

“Pero hindi si Averill si Avalon!” Sigaw ni Mia.

“No! Magkaiba nga sila ng pangalan pero iisa pa rin ang katauhan nila. The way she smiles, the way she talks and everything about her is just the same, Ameliora.”

“Gumising ka, Mikael! Naririnig mo ba ang sarili mo? Masyado ka nang nabulag ng pag-ibig! You can’t just simply snatch her away and bring her to Haralda!” Sigaw ni Mia.

“Manahimik ka, Ameliora! Baka nakalilimutan mong ako pa rin ang prinsipe ng Haralda! At gagawin ko ang lahat ng gusto ko!”

“I will not let you, Mikael. Kaibigan ko si Avalon at hindi ko hahayaang mangyari ang gusto mo.”

“You can’t stop me, Ameliora.”

“She can’t,” Wave interfered, “But I will. I will stop your madness, Mikael.”

Mikael mockingly let out a laugh.

“You’re too late, Michael. Sasama na sa akin si Ava,” he looked at me with a hopeful face, “Right, Ava?”

I can’t help but looked at him with disgust. Sa tingin nya ba ay sasama pa ako sa kanya? Matapos lahat ng malaman ko. Ha! He’s crazy.

“No, Mikael.” I sternly said, “I’m not.”

“Wh..What?” He asked, totally shocked. “You said it.. you said yes!”

I shook my head.

“Nahihibang ka na kung sa akala mo ay sasama pa rin ako sayo. You lied to me, Mikael.”

“No, no, no. Ava, please.. Ilang buwan kitang hinanap. Nagpakahirap akong aralin ang pamumuhay at pananalita sa mundong ito para mahanap ka. Hanggang sa pagkakataon na ang naglapit sa atin. Hindi mo alam kung gaano kita gustong yakapin nung nagkita tayo, Ava. I want to hug you so bad that time but I know I have to stop myself because I don’t want to freak you. Kaya naghintay ako ng tamang pagkakataon para magkasama tayo. Lahat ay ginawa ko para sa iyo, Ava.” He said, desperately.

I looked at him with contempt.

“No.. you did not do it for me, Mikael. You did it for yourself.” Umiiling na sabi ko, “Hindi ako sasama sayo.” Pinal na sabi ko. Parang natanga si Mikael dahil sa mga sinabi ko. He looked disappointed, hurt and rejected. Parang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko.

Iniwan ko syang nakatulala at naglakad na ako palapit kay Wave.

“Wave..” mahinang tawag ko nung makalapit ako sa kanya. He smiled at me.. as if telling me that everything is going to be alright.

Nalipat ang tingin ko sa kila Silas at Atlas na may hawak sa kanya.

“Bitawan nyo si Wave.” Utos ko sa kambal pero parang mga wala silang naririnig.

“Hindi ka nila pakikinggan, Avalon.”

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Wave at inis na tiningnan si Silas. Hinawakan ko ang kamay nya na nakahawak kay Wave at pilit na inalis ito. Nagulat na lang ako nung tabigin nya ng malakas ang kamay ko at hindi sinasadyang maitulak ako dahilan para mapasalampak ako sa lupa. Napatingin ako kay Silas at maski sya ay mukhang nagulat sa nagawa nya.

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon