CHAPTER THIRTEEN

3.4K 185 5
                                    

CHAPTER THIRTEEN


"Ava, uuwi ka na ba?" Tanong ni Mia isang hapon. Alas-dose palang ng tanghali pero uwian na namin. Nagkaroon kasi ng faculty meeting sa department namin kaya wala na kaming klase ngayong pang-hapon.



"Oo. Baka maaga na lang din akong pumasok sa part time ko ngayon."



"Ah, sayang. Iimbitahan sana kita para sa opening ng shop namin."



"Shop? Anong shop?"



"Milk shakes and waffles. Typical sweet shops. Sama ka? Kahit one hour lang, pleaaaase!" Nakayuko pa sya habang magkadikit ang kanyang dalawang palad.



"Okay, I guess an hour wouldn't hurt." Kibit balikat na sagot ko. Tuwang tuwa naman si Mia na kumapit sa braso ko. Ilang lingo na rin ang nakalipas simula ng maging magkaibigan kami ni Mia. I can't say that school is not as hell as before. 


May mga oras pa rin na naiinsulto kaming dalawa ni Mia pero hindi na lang namin sila pinapansin. At least we have each other. Hindi na kami katulad dati na lagi na lang mag-isa. Having at least one friend is enough for me. Idagdag pa si Wave na lagi kong kasama sa bahay. I think the loneliness that I always feel lessened.



"Look, the school's losers."



"Bagay nga silang dalawa na magkasama."



"Birds with the same fingers flock together."



Pinigilan namin ni Mia na matawa sa huli naming narinig. Gusto sana naming itama na it should be 'feathers' not 'fingers'. Brainless barbies really suits them. I pity their parents. Nasasayang lang ang perang binabayad nila para sa kanilang anak na walang ibang ginawa kundi ang pag-usapan ang buhay namin.



"I didn't know birds have fingers." I commented once we're out of their earshots.



"You bet!" Tumatawang sabi ni Mia. Nag-jeep lang kami papunta sa shop nila. Wala pa yatang limang minuto ay nakarating na kagad kami sa shop nila. Maraming tao na kagad ang nasa loob. Ang iba ay galing pa sa school namin.



"Confection Shop." Basa ko sa malaking black ang cream na tarpaulin na nakasabit sa harap ng shop nila.We entered their shop and the sweet smell inside instantly wafted my nose. The soft and gentle ambiance soothed me. The pastel colors inside the shop are almost pleasurable in my eyes. Idagdag pa ang malamyos na boses ni Ingrid Michealson habang kinakanta nya ang Smallest Light.

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon