CHAPTER THIRTY SEVEN

2.8K 144 9
                                    

CHAPTER THIRTY SEVEN

"Anong ginagawa nyo dito?!" Hindi ko napigilang mapataas ang boses ko dahil sa gulat. How did they get out of my apartment? Nilock namin sa labas ni Wave ang pinto ng apartment ko para hindi sila makaalis dahil mahirap na at baka kung anong kabalbalan ang gawin nila at madawit pa ang pangalan ko.

"Bakit mo kami kinulong sa tirahan mo? Hindi mo ba alam na pwede kitang hatulan ng kamatayan dahil sa ginawa mo?"

"Hindi mo ba alam na wala akong pakialam sa mga sinasabi mo?" I retorted.

"Avalon! Mabuti at nandito ka! Bakit ganito ang mga babae sa mundo nyo? Natatakot na ako sa kanila." Sabi naman ni Silas na biglang sumulpot sa kung saan. I am tempted to say 'I feel you' on what Silas just said. Tsaka ko lang napansin na iba na ang suot nilang damit and I think it's Wave's.

"Saan mo nakuha ang larawang 'yan?" Tanong naman ni Atlas nung mapatingin sya sa painting na hawak ko.

"Bakit?" Kunot noong tanong ko, "Galing 'to sa school namin at pinapasoli lang sakin.

"Imposible. Paanong nangyari 'to?" Kinuha sakin ni Atlas ang painting at hinarap ito sakin, "Ito ang pangunahing syudad ng Haralda."

"You're kidding." Hindi makapaniwalang sabi ko at tinitigang maigi ang painting. Bigla ko tuloy naalala nung time na nakita ni Wave ang painting na 'to at kakaibang reaksyon ang nakita ko sa kaniya. Anong ibig sabihin nito? Na may isang tao pa dito na galing sa mundo nila Silas? But wait, ang sabi ni Kelly ay Michael ang pangalan ng taong nagpinta nito. Does that mean..

"Sino ang nagpinta nito, Avalon?" Tanong ni Silas pero bago ko pa sya masagot ay naramdaman ko na lang ang isang kamay na humila sakin at dinala ako sa staff room.

"Teka-"

Hindi ako pinansin ni Wave pagkadala nya sakin sa staff room at pabagsak na sinarado ang pinto pagkalabas nya. Hanggang kelan ba sya magiinarte ng ganon?

Kinuha ko na lang ang uniform ko at mabilis na nagpalit ng damit. Papalabas na sana ako ng staff room nung pabagsak itong bumukas at pumasok sila Era at Pia.

"Ava! Oh my God! Oh my God!"

"Bakit mo kakilala ang Valderama brothers? Wag mong sabihing malayong pinsan ka rin nila?" Sabi ni Era.

"Valderama brothers? Sino 'yon?" Takang tanong ko. Tiningnan naman nila ako na parang kabaliwan ang mga sinabi ko.

"Valderama brothers! The famous twin of Valderama Enterprise! Hello? Ring a bell? You even talked to them, Ava!"

"What? Kailan ko sila kinausa-"

Natigilan ako nung mag sink in sakin ang mga sinabi nila. Twin? Valderama brothers? You've got to be kidding me.

"No way." Naibulong ko na lang.

***

Buong shift ko ay hindi ako makapagconcentrate dahil sa mga bulungang naririnig ko. Most especially kila Silas at Atlas.

"Oh my gee! They're really hot especially Cyfer!"

"Girl! Duh! Mas hot si Kyfer!"

"I wonder why they're here."

"I even saw them talking to Wave and to a girl working here."

Napayuko kagad ako nung mapatadaan ako sa table ng mga highschool girls at marinig ko ang mga bulungan nila.

Hanggang ngayon ay maraming tao pa rin ang nandito sa shop nila Mia kahit na pasado alas-sais na ng gabi. Pasimple kong sinabihan sila Silas at Atlas na maghintay lang sa isang tabi habang hinihintay nila kaming matapos ni Wave sa aming shift.

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon