CHAPTER FIFTY FIVE

3K 189 57
                                    

CHAPTER FIFTY FIVE

“Because he, too, came from another world, Ava.”

What?

“Mia!” Wave hissed but it’s too late.

“Wh..What do you mean?” Para akong nabingi sa sinabi ni Mia.

“He came from another world too, Ava. Just like us.”

“Sandali.. Teka.. hindi ko maintindihan.. paano nangyari? Ang sabi nyo ay siya ang totoong Michael!” Tumingin ako kay Wave, “Wave! Hindi totoo ang sinabi nila, ‘di ba? Tell me!” I demanded. Hindi makatingin ng maayos sa akin si Wave.

“It’s..it’s the truth, Avalon.”

Natulala ako sa sinabi ni Wave. My mind refuses to process everything.

“No..” I said. Tiningnan ko silang lahat, “Niloloko nyo lang akong lahat. Pinagkakaisahan nyo ako at hindi ako natutuwa sa biro nyo.”

“Totoo iyon, Ava. Hindi nanggaling si Wave sa mundong ito.” Mia said.

“NO!” I yelled. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko, “Kayo na ang nagsabi na sya ang totoong Michael!”

“Oo! Sya nga ang totoong Michael pero hindi sa mundong ito, Ava! Hindi mo ba nakikita? Nasa harap mo na ang katotohanan! Kung sya ang totoong Michael ng mundong ito edi sana ay hindi nakakatayo ng maayos si Mikael ngayon! He should be writhing in pain right now because of the doppelganger effect!” Mia yelled back.

That hit me.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kila Mikael at Michael. Totoo nga. Hindi nga sya naaapektuhan. Maayos syang nakakatayo at nakakausap si Wave. Bakit nga ba hindi ko napansin ang bagay na iyon?

“Tanda mo ba nung sinabing kong may nakalimutan akong sabihin sayo kaya bumalik ako sa apartment mo?” Mia asked but I didn’t respond. She sighed, “Tungkol iyon sa doppelganger ni Wave..”

Hindi ako kumibo sa sinabi ni Mia. Nanatili lang akong tulala at pilit na ina-absorb ang lahat ng mga nangyayari.

“Wave or Michael’s doppelganger as well as Mikael’s doppelganger is in coma. Nakita ko sya noon sa ospital kung saan naka-admit ang totoong Amelia. The last time I checked he’s still in coma. Kaya sinabi ko sayo noon na imposibleng maranasan ni Wave ang doppelganger effect..”

That’s right. She assured me before that Wave will never experience it. Ngayon alam ko na kung bakit..

I hate it. I’m so stupid for not noticing everything. I was so drowned of their presence, the happiness they brought into my life.

Huminga ako ng malalim. Ang kanina kaonting lakas na nagbalik sa katawan ko ay nawala ng parang bula. I suddenly feel so exhausted.

Tumingin ako ng diretso sa mata ni Wave, “Who are you?” I asked.

Mukhang hindi inaasahan ni Wave ang tanong ko. He’s hesitating but later on answered my question.

“I’m Michael Fastiano and I came from the second version of the Earth.. the another world close to yours.. the Earth 2 or also known as Erda..”

Erda?

Just how many parallel universe out there? First, Haralda and now, Erda.

I bit my lower lip and remained silent.

“I told you, Avalon. I remember everything..” he smiled. Ni hindi ko magawang maging masaya sa pagbalik ng mga alaala nya, “I’m part of a small organization dealing with parallel universe.. naghahanap kami ng mga lugar kung saan may posibleng loophole or dimensions.. hanggang sa isang araw ay nakahanap nga kami pero aksidente akong nadulas at nalaglag mismo sa dimensional loophole na nahanap namin at hindi sinasadyang napunta ako dito sa earth.. hindi ako nahirapan mag-adjust sa mundong ito dahil katulad na katulad lang talaga ito ng Erda, ng mundong pinanggalingan ko. The thing was, hindi ganoon ka-develop ang mundong ito sa larangan ng siyensya kaya hindi ko magawang makahanap ng loophole para makabalik sa sariling mundo ko.. and then Mikael happened. I lost my memories and I met you..” mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko, “And I don’t regret it, Avalon.”

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon