CHAPTER EIGHTEEN
"Tumingin ka lang ng diretso sa daan at huwag kang kakabahan."
"Kinakabahan ako, Avalon."
"Kasasabi ko lang na huwag kang kakabahan, Wave. Mas lalo ka lang magsesemplang kapag iniisip mong kinakabahan ka."
"Baka mamatay ako, Avalon!"
"Hindi nakamamatay ang semplang sa bike, Wave."
"Natatakot ako!"
"Bumaba ka na nga kung ayaw mong matuto!" Inis na sabi ko sa kanya. Pasado-alas diyes na ng gabi at heto ay tinuturuan ko pa rin mag-bike si Wave. Nakailang sabi na ako sa kanya na bukas ko na lang ulit sya tuturuan pero mapilit sya.
"Ayoko, gusto ko talagang matutunan ito." I pursed my lips into thin line out of frustration.
"Huli na ito, Wave. Kapag hindi ka parin natuto ay uuwi na tayo." Inalalayan ko ulit sya sa likod habang inuumpisahan nya itong isikad. Palihim kong sinilip ang mukha ni Wave at kitang kita kong seryoso syang matutunan ito.
He's desperate to learn how to bike as if his life depended on it. I silently let go and watch Wave pedalling away with a serious look on his face. Sinunod naman nya ang mga sinabi ko sa kanyang huwag lilingo at diretso lang ang tingin sa daan.
Medyo nakakalayo na sya sakin at hindi pa rin sya natutumba sa bike. Tuloy-tuloy lang sya sa pagpepedal ng bike. Mabagal pero maayos ang takbo ng bisikleta. I sighed, satisfyingly. I guess he already get the hang of driving a bike.
"Woohoooo! Avalon! Marunong na ako!" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla syang sumigaw habang nagba-bike. Crap, it's already 10 o' clock in the evening! Nagsitahulan tuloy ang mga aso dahil sa ingay na ginawa ni Wave.
Huminto si Wave sa pagba-bike at tumingin sakin. Mula sa pwesto ko ay kita ko ang pagkunot ng kanyang noo bago nya buhatin ang bike at iharap ito sa direksyon ko. Sinakyan nya ulit ito at nagbike palapit sa pwesto ko.
"Baliw ka ba? Dis oras na ng gabi sumisigaw ka pa. Paano kapag nahuli tayo ng mga tanod?" Asik ko sa kanya pagkalapit nya sakin pero nginitian nya lang ako. Bumaba sya sa bike at inayos ang stand nito bago muling humarap sakin. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nya akong hawakan sa bewang ko at buhatin paupo sa maliit na upuan sa likod ng bike.
"'Yan! Dyan ka mauupo lagi, Avalon. Dyan ang pwesto mo at dito ako. Ikaw lang ang pwedeng maupo sa upuan na 'yan habang pinapaandar ko ang bike na ito." He said while motioning his hand on the other seat.
BINABASA MO ANG
He Who Came From Another World
Science Fiction[HIGHEST RANKING: #6 in Science-Fiction] A stranger who can't remember anything saved me and brings color in my empty life. STARTED: July 01, 2017 ENDED: May 16, 2018