CHAPTER ELEVEN

3.6K 190 16
                                    

CHAPTER ELEVEN


"Wave, ikaw na muna ang bahala dito sa apartment at huwag kang lalabas." Paalala ko sa kanya bago ako pumasok sa school.



"Okay! Bye-bye, Avalon! Mag-iingat ka!" Pahabol nya pang sabi habang kumakaway sakin. Tumango lang ako sa kanya at sinenyasan syang pumasok na sa loob.



Kahit na sobrang labag sa loob ko ang pagpasok sa school ay hindi ko parin magawang um-absent dahil kaka-absent ko lang noong nakaraang lingo. I don't want to have a failing grades. Habang naglalakad ako papasok sa school ay nadaanan ko ang tulay kung saan naisipan kong tumalon at magpakamatay. Every time I think about it I can't help but to shudder. Sa tuwing naiisip ko na nagawa kong tumalon sa tulay na ito ay hindi ko maiwasang matakot at magalit sa aking sarili.



At hindi ko rin maiwasang maisip na kung sakaling hindi ko nakita si Wave ay baka patay na ako ngayon. Baka inanod na sa kung saan ang walang buhay ko ng katawan or worst mabubulok na ang katawan ko sa ilalim ng dagat na wala man lang nakakaalam na patay na pala ako.



But then I saw Wave. I saved him but the truth is he also saved me.



"Hay nako, nandito na naman sya."



"I thought she dropped out."



"Wag na nga natin syang pag-usapan at baka malasin lang tayo."



Bulong-bulungan kagad nila ang narinig ko pagkapasok ko sa school. I don't care if they will all talk about me but, why they can't just do it secretly or privately out of my earshot? Oh please, I just want to have a peaceful Monday!



"Avalon!" Nagulat ako ng biglang may babaeng huminto sa harapan ko. Nakayuko sya at nakahawak ang dalawang kamay sa kanyang magkabilang tuhod habang hinahabol ang kanyang hininga. 


Hindi kagad ako nakapagsalita dahil una, hinihingal pa sya at hinihintay kong iangat nya ang kanyang ulo at pangalawa, ito ang unang beses na may naglakas ng loob na lumapit sakin at kausapin ako.



"H-Hi." Awkward na bati nya nang makaayos na sya ng tayo. I know her face but not her name. She's from our class and just like me she's an outcast. She's being bullied because of her appearance. Pale complexion with few tiny freckles on her face, round glasses, and her hair is always in neat pigtails. A typical nerd just like in any other stories.



"Bakit?" Walang emosyon na tanong ko sa kanya. She seems intimidated of me.



"A-Ano, gusto mo sabay tayong mag-lunch mamaya?" Nahihiya nyang tanong. I don't know why she's suddenly asking me to have lunch together. Should I accept her offer?



"Bahala ka." I replied. Nauna na ako sa kanyang pumasok ng room. I don't what stimulated her to approach me and asked me for lunch. Maybe just like me she's to fed up of those brainless barbies who always pester our life.



"L-Let's go?" She asked as soon as our teacher and classmates got out of the room. I learned that her name is Amelia. Matalino at sinasabing teacher's pet daw. Well, what do you expect from a nerd?



"I prefer eating here. How about you, Amelia?" Bahagya pa syang napasinghap nang kausapin at tawagin ko ang kanyang pangalan.



"J-Just Mia, Avalon." Nahihiyang sabi nya.



"Well, just Ava." Kibit balikat na sabi at nag-umpisa na kaming kumain ng lunch dito sa room. Buti na lang at parehas kaming may baon na pagkain. Feeling ko ay ako lang din mag-isa ang kumakain dahil ang tahimik ni Mia. Maski ang pagkain nya ay tahimik rin. She's so timid.



"Bakit mo naisipang sumabay sakin mag-lunch?" Tanong ko na ikinagulat na naman nya. Seriously? Lagi na lang ba sya magugulat kapag nagsasalita o kaya naman ay magtatanong ako?



"A-Ano..mag-isa lang kasi akong kumakain sa canteen. I hate the stares and the look on their faces when they're looking at me."



"I feel you. Kaya nga dito ako kumakain sa room."



"Kaya pala hindi kita nakikita every lunch sa canteen." Tumango ako.



"Mas convenient and less hassle kapag dito ako kumakain. No hateful or disgusting stares. No brainless barbies. Just a peaceful lunch. Mas naeenjoy ko pa ang pagkain kapag nandito ako sa room."



"Brainless barbies?" Kunot noong tanong nya.



"That's what I call them. Mga taong walang magawa sa buhay kaya ginagawang pampalipas oras ang pamemeste sa buhay ng iba."



"How can you endure all of these? I mean, naririnig ko ang mga balita tungkol sayo. They call you names and yet you seem like you don't care at all." She said. I looked straight to her eyes.



"Because I don't really care. You can endure all of this madness once you start to not care at all. Yes, I know darating sa point na sobra na sila at mapupuno ka na pero darating rin sa point na pagod ka na. Too tired to deal with their shitty attitudes kaya mawawalan ka na lang ng pakialam." 


Too tired to the point that I almost killed myself but God gave me a second chance to live. I will not waste it by the likes of those brainless barbies. I will endure all of their insults hanggang sa sila na lang ang mapagod sa huli at tigilan ako.


He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon