SPECIAL CHAPTER

2.8K 147 10
                                    

SPECIAL CHAPTER

** THIS SPECIAL CHAPTER HAS NO RELEVANCE ON THE MAIN STORY. HAPPY HALLOWEEN! 👻👻👻

Nakaupo sa sahig ang pitong magkakaibigan at pinalilibutan nila ang bagay na dinala ni Era at Pia sa apartment ni Ava. Lahat sila ay kinakabahan sa mga pwedeng mangyari at the same time they're thrilled.

“Sigurado ba kayong gusto nyong gawin ‘to?” Kinakabahang tanong ni Mia habang nakatitig sa Ouija board. Kitang kita ang maliliit na butil ng pawis sa kanyang noo.

“Oo naman! Memories din ‘to ‘no!” Excited na sagot naman ni Era.

“Er, do we really have to do this here in my apartment? Hindi ba pwedeng sa ibang lugar na lang tayo?” Tanong ni Ava. Natatakot kasi sya na kung sakali mang totoo ang ouija board ay apartment nya ang pwedeng guluhin ng mga multo na matatawag nila.

“Ang apartment mo lang ang pwede, Ava. Hindi pwede samin dahil mapapagalitan kami. Don't worry, hindi naman totoo ang ouija.” Sagot naman ni Pia, “Right, Era?”

“Of course!”

“Wag kang mag-alala Avalon. Akong bahala sayo.” Sabi naman ni Wave at tinapik ang balikat ni Ava. Parang gustong matawa ni Ava dahil ramdam nya ang panlalamig at panginginig ng kamay ni Wave nung hinawakan nito ang balikat nya.

“Teka nga! Saan nyo ba nakuha ito, babae?!” Sigaw ni Atlas at balak sanang hawakan ang ouija board ng mabilis na tapikin ito ng malakas ni Mia.

“Don’t touch it!” Saway ni Mia kay Atlas na tinitigan lang sya ng masama.

“Bakit ba kailangan pa natin gawin ‘to?” Kalmadong tanong ni Silas na kanina pa tahimik.

“Duh! Because it's Halloween! At sa ouija board kadalasan nag-uumpisa ang mga kababalaghan!” Sagot ni Era, “Come on! Wala ng tanong ng tanong. Napapatagal lang tayo e.” Sinindihan na ni Era ang tatlong kandila malapit sa kanila, “Light's out, please.”

Tumayo si Ava at pipindutin na sana ang switch ng ilaw nung may maisipan na naman syang itanong.

“Kailangan ba talaga alas dose ng gabi at nakapatay ang ilaw?”

“Alangan namang alas dose ng tanghali, Ava. E ‘di wala tayong mapapala non.” Sagot ni Pia kaya wala ng nagawa pa si Ava kundi patayin ang lahat ng ilaw sa apartment nya.

Naupo sya sa pagitan nila Mia at Wave. Napatingin sya kay Mia na tulad nya ay halatang natatakot din. Nalipat naman ang tingin nya kay Wave na parang naestatwa sa pagkakaupo nya. Tiningnan nya rin ang kambal na nakaupo malapit sa kanya. Si Silas ay kalmado lang at hindi kinakakitaan ng takot samantalang si Atlas naman ay malikot ang mga mata at panay ang tingin sa kung saan.

“Let’s start.” Anunsyo ni Era, “Ipatong nyo yung daliri nyo dito.” Utos ni Era. Pinatong nila ang daliri nila sa parang maliit na baso na nakapatong sa board at inumpisahan na nila ang pagtawag sa mga multo.

“Is there a ghost or spirit here?” Tanong ni Era. Ilang segundo ang hinintay nila pero hindi gumagalaw ang maliit na baso kaya inulit ni Era ang sinabi nya.

“This is useless!” Naghihinayang na sabi ni Era nung wala pa ring sumagot sa tanong nya.

“Try mo kaya tagalog baka sakaling sumagot. Tsaka tingnan mo, tagalog yung salita  sa ouija.” Sabi ni Pia. Napaisip si Era at sinunod ang sinabi ni Pia.

“May espirito ba dito?”

Nanlaki ang mga mata nila sa gulat nung magsimulang gumalaw ang baso at tumapat sa ‘OO’

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon