CHAPTER TWENTY NINE

2.8K 167 14
                                    

CHAPTER TWENTY NINE



"Anong ginagawa mo dito, Echo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Era sa kanyang kapatid.

"Wala lang. Masama bang pumunta dito?" Nakangising sagot ng kapatid nya, "At isa pa hindi naman ikaw ang pinunta ko dito kundi si Ava."

"Ava?!" Sabay-sabay na tanong nila Era, Pia at Mia. Maski ako ay hindi ko napigilang kumunot ang noo dahil sa pagkakasabi nya sa pangalan ko.

"What?"

"Bastos kang bata ka ha! Ate Ava dapat!"

"So what, I'm a first year college na at konti lang naman ang agwat ng edad namin ni Ava."

"It's Ate Ava, Echo!"

"Whatever, Era."

"Bastos ka talaga!" Hinila ni Era ang tenga ni Echo at piningot ito. Pilit nyang sinasabihan ang kapatid nya na Ate ang itawag sa akin at sa kanya. Well, it's not a big deal for me kung tawagin nya akong Ate or hindi.

"Sino ba ang bata na 'yon ha, Avalon?" Nakasimangot na tanong ni Wave.

"Si Echo. Kapatid ni Era."

"Ayoko sa kanya." Tinaasan ko sya ng kilay sa sinabi nya.

"At bakit naman?"

Magsasalita sana si Wave nang makaramdam ako ng brasong pumatong sa balikat ko. Ang nakasimangot na mukha ni Wave ay mas lalo pang sumimangot.

"What the hell do you think you're doing, kiddo?" Wave coldly asked. Ngayon ko na lang ulit sya narinig magsalita ng buong English and to think that he used that tone again.

"Huh?" Kunot noong tanong ni Echo habang nakaakbay sakin. Err, bakit nga ba nakaakbay sakin ang kapatid ni Era? I don't reckon being close with him para umakto sya ng ganito.

Hinila ni Wave ang aking braso dahilan kung bakit matanggal ang pagkakaakbay ni Echo sa balikat ko, "Hindi mo pwedeng hawakan si Avalon." Diretsong sabi nya bago nya ako isiksik sa gilid nya.

"At bakit naman?" Maangas na tanong ni Echo at pinantayan nya ang tingin ni Wave. For a first year student ay masasabi kong matangkad itong si Echo. Konting inches na lang yata ay magiging ka-height nya na si Wave.

"Hoy! Tumigil ka nga Echo! Wag mong inaaway si Wave!" Saway ni Era pero parang walang naririnig ang kanyang kapatid at hindi bumibitiw sa titigan nila ni Wave.

"Wave, stop it." Saway ko naman kay Wave. Luckily he did listen to me.

"Ava, samahan mo naman akong maglibot dito sa school nyo." Nakangising sabi ni Echo. Bakit ako? Nandyan naman ang ate nya para mag-tour sa kanya.

"Avalon, punta tayo doon." Narinig kong sabi ni Wave. Ni hindi na nya hinintay ang pagpayag ko at kusa na lang nya akong hinila papunta sa kung saan nya gusto.

"Anong problema mo, Wave? Para kang mananapak ng tao." Sabi ko. Nakasimangot parin sya kahit na nakalayo na kami.

"I don't like that kid."

"Bakit naman?"

"Basta!"

Tumahimik na lang ako. Halatang badtrip sya at wala sa mood. Nakasimangot sya at parang walang pakialam sa mga tao sa paligid. I bit my lip to surpress my smile. How can he still be so adorable even if he's making that kind of face?

Sa paglalakad namin ay nakarating kami sa isang Mini Musuem booth. Naka-display ang iba't ibang klaseng arts like paintings, sculptures, miniatures and pictures. I think sa department ito ng mga creative arts. Hindi gaanong karamihan ang mga tao katulad ng sa Haunted House kanina pero may ilan-ilan pa rin na studyante ang pumapasyal.

"Tara na, Wave." Aya ko sa kanya dahil kanina pa ako tinetext nila Mia kung nasaan na daw kami para daw makakain na kami ng lunch.

"Wave." Tawag ko ulit sa kanya pero parang hindi nya ako naririnig. Nakatuon ang kanyang atensyon sa isang painting. Nilapitan ko sya at tiningnan rin ang painting.

It's a beautiful painting of a city lights in a medieval city. It's a very intricate painting that almost seems like it's real. Binasa ko ang description na nasa baba ng painting:

The Lost City

The alter world of earth.

Unknowns' land birth.

Don't deceive by its beauty.

Golds and silver surrounds the city.

It's never in reality.

I call it the Lost City.

Matapos kong basahin ang description ay tinitigan ko ulit ang painting. It is indeed beautiful. The shining city lights looked as if a treasure golds and silver were scattered everywhere. Kahit na ang city lights ang pinakanangingibabaw sa painting ay kapansin-pansin pa rin ang disenyo ng mga bahay. It's a very medievalish. Parang totoong-totoo sya. Maski ang pagkakaguhit sa mga bahay ay halatang pinagtuunan ng pansin.

"Wave?" Untag ko sa kanya nang tingnan ko sya. Beads of sweat are starting to form on his forehead. Anong problema na naman nya? Masyado ba syang nagagandahan sa painting?

"Hey." Hinawakan ko ang braso nya at parang noon nya lang napagtantong kasama nya ako. Humarap sya sakin at malikot ang kanyang mga mata. Napansin ko rin ang bahagyang panginginig nya. Kinailangan nya pang humawak sa balikat ko para lang hindi sya matumba.

"Huy, napapano ka? Okay ka lang?" Kinabahan na ako nang makita kong namumutla ang mukha nya. Hinawakan ko ang noo nya at para akong napaso dahil sa sobrang init nito. Kailan pa sya nilalagnat? Bakit hindi ko man lang napansin kanina?

"A-Avalon.." Nahihirapang bulong nya. Inalalayan ko kagad si Wave at iginaya palabas.

"Uuwi na tayo, Wave."

***


He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon