CHAPTER TWENTY SEVEN

3K 184 20
                                    

**He Who Came From Another World was rank #10 on Science Fiction yesterday even though it only lasted for almost half a day I'm still happy that I can't even believe it myself. Anyway, thank you. So here goes my new update :*


CHAPTER TWENTY SEVEN


"Waaah! Bakit ang daming tao sa school nyo, Avalon?" Tanong ni Wave. Hinatid nya ulit ako ngayong umaga. As usual ay nasa aming dalawa na naman ang atensyon ng lahat. Simula nang nalaman nilang 'pinsan' ko si Wave ay hindi na naging big deal sa kanila kapag nakikita nila kaming magkasama o kapag ihahatid ako ni Wave.


"School Festival ngayon kaya maraming tao." One week ang school festival namin kaya isang linggo rin ang pahinga namin sa pag-aaral. Open sa outsider ang school festival namin kaya maraming tao rin ang nagpupunta ngayon.


"Pwede ba akong pumasok? Mukhang masaya sa loob." Sabi ni Wave.


"Pwede naman kaso may trabaho ka pa sa shop ni Mia 'di ba?"


"Oo nga pala." Nakanguso na naman sya na parang bata. Bakit ba ang hilig nyang ngumuso? Feeling nya ba cute syang tingnan sa ginawa nya?


"Oh my God! Looook! Wave's pouting! So cuteeee!"


I mentally rolled my eyes when I heard some girls squealing. Yeah, fangirls ni Wave.


"Off mo bukas 'di ba?" Tanong ko sa kanya. Tumango na naman si Wave, "Bukas ka na lang pumunta kung gusto mo. Tutal ay wala ka naman pasok sa shop ni Mia."


"Talaga?!" He's obviously happy. Tumango ako sa kanya at sa sobrang tuwa nya ay hindi nya napigilang yakapin ako. Shit, shit, shit. Mabilis ko kagad syang tinulak palayo dahil alam kong maraming mga mata ang nakatingin samin. Shit, this is bad. Mukhang nagiging habit na ni Wave ang pagyakap sakin.


Pagkaalis ni Wave ay pumasok na rin ako sa loob at pasimpleng walang nangyari. Sinusundan nila ako ng tingin and it's freaking awkward!


"Ang galing. Sobrang close talaga nilang mag pinsan, 'no?"


"Oo nga, nakakainggit tuloy. Kami ng pinsan ko halos magsuntukan kami kapag nakikita namin ang isa't-isa."


Nakahinga ako nga maluwag dahil sa narinig ko. Mabuti na lang at hindi na nila ginawang big deal ang nakita nila.


"Ava!" Kumakaway na tawag sakin ni Mia na kasama sila Era at Pia.


"Ava! Buti dumating ka na! Tara, pumila ka dito!" Hinila ako ni Era at pinapila sa pagitan nilang dalawa ni Mia.


"Teka, ano 'tong pinipilahan natin?"


"Relief goods." Sabat ni Pia. Natawa naman si Mia at nag-apir pa sila ni Pia. Nakakatuwang makitang nagkakasundo na talaga kami. Hindi ko akalain na magkakaroon ng himala sa aming apat at magkakasundo kami.

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon