CHAPTER THIRTY SIX

2.8K 153 18
                                    

CHAPTER THIRTY SIX

"Staring is rude, Wave."

"Tsk."

Tsk? Did he just tsk on me?

"You know what, you're being childish again."

"Tsk."

I pressed my lips into thin line, "Isa pang ganyan mo doon ka na kay Aling Susie titira."

Nanlaki ang mata ko nung irapan ako ni Wave. First time nya lang akong irapan kaya talaga namang nagulat ako. Besides, what the hell is he? A girl on her monthly period? Daig nya pa nagpi-PMS.

"Alam kong may toyo na naman 'yang utak mo kaya sige, spill it. Sabihin mo sakin. Anong problema?" Huminto ako sa paglalakad at humarap kay Wave.

Magkasabay kaming umalis ng apartment kanina at kinulong namin doon 'yung kambal. Simula nung nakaalis kami ay kanina pa masama ang tingin sakin ni Wave. Aba! Ni hindi nga nya ako inangkas sa bike! Nung nakasakay na ako sa bike ay pinaalis nya pa ako dahil daw flat ang gulong pero nung tiningnan ko hindi naman. Tapos ang sabi nya pa tinatamad daw syang magbisikleta ngayon kaya aakayin na lang daw nya yung bike habang naglalakad sya.

So, anong silbi ng bike? Display?

"Wala." Matigas na sagot nya at nilampasan ako. Napapikit na lang ako dahil sa inis ko.

"Fine. Sana maging maganda ang tulog mo sa bahay ni Aling Susie." Sabi ko at mas nauna akong naglakad sa kanya palayo. Naramdaman ko namang hinabol nya ako at pinantayan ang lakad ko.

"Bakit kayo magkausap ni Silas? Anong pinaguusapan nyo? Papaalisin mo na ba ako tapos si Silas na ang patitirahin mo sa apartment mo?"

Napahinto kagad ako sa paglalakad ko nung marinig ko ang mga sinabi ni Wave. Tinitigan ko pang maigi ang mukha nya dahil baka nagbibiro lang sya sa tanong nya pero hindi. Seryoso si Wave.

"San mo naman nakuha 'yang ideya na 'yan? Bakit naman kita paalisin?"

"Nakita kong magkausap kayo ni Silas."

"Tapos?" Kunot noong tanong ko.

"Anong tapos?"

"Yun na 'yon? Tapos inisip mo na kagad na papaalisin na kita sa apartment at si Silas na ang patitirahin ko?"

Sa halip na sagutin nya ang tanong ko ay iniiwas nya lang ang tingin nya sakin at nanatiling salubong ang kilay nya.

"Wave?"

Tiningnan nya lang ako saglit bago ulit ako irapan at sumakay sa kanyang bike at mabilis na pinaandar iyon paalis. Tinanaw ko na lang sya palayo bago ako tumuloy papasok ng school.

"What's wrong with Wave?" Tanong ni Mia pagkaupo nya sa tabi ko.

"Ha?"

"Dumaan ako ng shop bago ako pumasok dito tapos nakita ko si Wave na salubong ang kilay. Nako, kung bayolenteng tao lang 'yon baka kanina pa nanapak ng makakasalubong nya."

"Tss, lilipas din pagkatopak non." Sagot ko na lang.

Dapat ko bang sabihin kay Mia ang tungkol kila Atlas at Silas? Kaso panigurado ay hindi sya maniniwala sakin. Maski ako nga ay medyo naguguluhan pa rin sa mga nangyayari. Isa lang ang makakapagpatunay kung totoo nga ang mga sinasabi nila Silas at walang iba kundi si Wave. Sa oras na bumalik ang alaala nya ay doon lang mapapatunayan na totoo ang parallel universe.

And Wave getting back his memories would also mean his departure..

"Hello? Earth to Ava?"

Nahinto ako sa pagiisip tungkol kay Wave nung ikuway ni Era ang kamay nya sa harap ko.

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon