CHAPTER TWENTY FOUR

2.9K 165 9
                                    

**Rejoice! Two updates tonight!


CHAPTER TWENTY FOUR


"Do you think he will like it?"


"Of course!"


"Feeling ko hindi."


"Ang pessimist mo naman, Ava. He will definitely love it!"


Tinaasan ko ng kilay si Mia. Naglalakad kami papunta ng shop nila ngayon. I stared at the small blue plastic on my hand. I traced the cute white ribbons printed on it with my index finger as I felt its content.


"How so? It's just simple and cheap."


"Ano ka ba! Basta sayo galing sigurado akong magugustuhan ni Wave. Kahit nga yata bulok na dahon ang ibigay mo sa kanya ay magugustuhan nya." Natatawang sabi ni Mia.


"Tss, baliw."


"But seriously, Ava. It's the thought that counts. Ang malaman lang ni Wave na bibigyan mo sya ng regalo or rather peace offering ay matutuwa na iyon." Napaisip ako sa sinabi ni Mia. She got a point. Simple lang at mababaw ang kaligayahan ni Wave. He never ask me luxurious things. Ang pakainin ko lang sya ng tatlo o apat na beses sa isang araw ay sobrang tuwa na nya.


"You're right, Mia." Nakangiting sagot ko at pinasok na sa loob ng bag ko ang binili ko para kay Wave.


***


"Did you already give it to him?" Tanong ni Mia nang malapit ako sa kanya sa counter. Umiling ako at pinanood si Wave na nakangiti habang kinukuha ang mga orders ng grupo ng mga senior highschool na babae.


"Bakit hindi pa?"


"He's busy. Mamaya ko na lang ibibigay kapag pauwi na kami." Tumunog ang bell na nakapatong sa sliding window ng kitchen. Ibig sabihin ay pwede ng i-serve ang order na binigay namin sa kanila. Lumapit na ako sa bintana at kinuha ang tray na naglalaman na ng mga order at sinerve na sa dalawang babaeng customer.


"Strawberry crepe.." Sabi ko pagkatapat ko sa lamesa ng dalawang babaeng ayaw lapitan ni Wave.


"Mine!" Tinaas pa ni Era ang kanan nyang kamay at kinuha ang order nya.


"Mocha frappe.." Binaba ko ang natitirang order at nilapag sa harap ni Pia.


"Thank you, Ava." She said.


"Any additional orders?" Tanong ko.


"Mamaya na lang ulit kami oorder, Ava." Nakangiting sabi ni Era. I know we're not friends but we're civilized at the moment. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako dahil kinakausap na ako ng maayos ng dalawang 'to.

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon