CHAPTER NINETEEN

3.5K 195 37
                                    

CHAPTER NINETEEN


Of course, sino ba ang niloloko ko? How can I possibly forget about it when it keeps on popping inside my head? Parang may sariling palabas ang utak ko at paulit ulit na nagpe-play sa utak ko ang mga nangyari kagabi. 


Mabuti na lang at wala na si Wave paggising ko kaya matiwasay akong nakakilos sa loob ng apartment ko. Siguro ay maaga syang pumasok sa shop nila Mia. Lumabas na ako sa apartment at halos matumba ako sa sobrang gulat nang makita ko si Wave na nakasakay sa bike.


"Good morning, Avalon!" He greeted.


"A-Anong ginagawa mo dito? Akala ko pumasok ka na sa shop nila Mia?" Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at inabala ang sarili ko sa pagla-lock ng pinto ng apartment.


"Ihahatid kita sa school mo." Anunsyo nya na mabilis na ikinalingon ko sa kanya.


"Ano?!"


"Ihaha–"


"No, thanks." I deadpanned. Lalagpasan ko na sana sya nang mabilis nyang hilahin ako pasakay sa bike at paandarin ito, "Wave!" Angal ko habang mabilis nyang pinapaandar ang bike.


"Kumapit ka ng mabuti, Avalon!" Sigaw nya habang mabilis ang takbo ng bike. Wala na akong nagawa kundi ang kumapit sa bewang ni Wave. 'Yung totoo? Parang kagabi lang ay hirap na hirap syang magbisikleta tapos ngayon kung paandarin nya ito ay akala mo motor ang gamit nya.


"Slow down, Wave! Baka maaksidente tayo!" Sigaw ko kanya. Ang akala ko ay hindi nya susundin ang sinabi ko pero buti na lang at unti-unti nya itong binagalan.


"Simula ngayon ay lagi na kitang ihahatid sa school mo." Tiningnan ko ng masama ang batok nya. Kokontrahin ko sana ang sinabi nya pero naisip ko rin na magandang ideya nga na ihatid nya ako kaysa maglalakad pa ako sa umaga. Mukhang may benefits naman pala ang pagbili ni Wave ng bike.


Pagkarating namin sa tapat ng school ko ay bumaba na ako sa bike at nagpasalamat kay Wave. Ramdam ko ang tingin ng mga tao sa aming dalawa–or more like kay Wave who's too oblivious of his surroundings.


"Wooow! Ganito pala ang itsura ng school mo, Avalon. Pwede rin ba akong mag-aral dito?" Tanong nya. Mukhang tuwang tuwa sya na makita ang school ko at sa dami ng studyante na nakikita nya.


"Hindi pwede." Mabilis na sagot ko. Ngumuso lang sya na parang bata bago umalis at dumiretso sa shop ni Mia. Hindi sa ayaw kong pagbigyan ang gusto nya. Bukod kasi sa wala pa syang maalala ay wala rin syang requirements para maipasok sya sa school. Maraming kailangang requirements like grades or TOR, Form 138 and birth certificate.


Heck, I don't even know his real name and age. Kung ibabase ko ang itsura nya sa edad nya ay sa palagay ko ay kung hindi kasing edad ay baka matanda lang sya sakin ng isa o dalawang taon. And if I'm going to base his age on his way of thinking then I'd probably think his seven-year old or much younger.


"Hi, Ava!" Tumango ako kay Mia na kararating lang at tumabi sa pwesto ko, "I saw Wave on my way here. Is that a new bike his riding?"

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon