CHAPTER TWENTY TWO

3.3K 177 34
                                    

CHAPTER TWENTY TWO


Kinabukasan ay halos ihatid ako ni Wave hanggang sa loob ng classroom ko at bantayan ako sa school ng buong araw. Aniya ay gusto nya daw makasigurado na ligtas akong makakarating sa loob ng room ko.


"Tsk. Tigilan mo ako, Wave. Pinayagan na nga kitang ihatid ulit ako dito sa school tapos gusto mo hanggang sa room ko. Nababaliw ka na ba?"


"Pero Avalon–"


"Shut it, Wave. Pumasok ka na sa shop nila Mia." Halos itulak ko sya papuntang shop nila Mia dahil ayaw nya talaga akong iwan. Napanatag lang ang loob nya nang makita namin si Mia.


"Tawagin nyo lang ulit ako kung kailangan nyo ng tulong ko." Hindi ko mapigilang mapataas ang kilay dahil sa sinabi nya. Tss, ano ka si Superman?


"Oo na, oo na! Psh, umalis ka na Wave." Pgtataboy ko. Hindi ko kasi maiwasang maasiwa dahil sa atensyon na nakukuha namin. 


Parang lawin na inilibot ni Wave ang tingin nya sa buong paligid. May isang grupo ng studyante ang nahuli ni Wave na nakatingin sa amin kaya pinanlakihan nya ito ng mata na akala mo nanghahamon ng away.


"Aish! Umalis ka na sabi!" Asik ko sa kanya at pinagtulakan na sya paalis.


"OMG! HE'S THE REAL THING!"


"ANG GWAPO NYA SA PERSONAL!"


"HE'S SO CUTE! GAAHDD!"


"THE HOT PRINCE IN THE FLESH!"


Sunod-sunod na bulungan kagad ng mga studyante ang narinig namin pagkaalis ni Wave. May iba pa na kumuha ng picture ni Wave mula sa malayo.


"Si Wave ba ang pinag-uusapan nila?" Nagtatakang tanong ni Mia habang naglalakad kami papunta sa room namin.


"Hindi ko alam." Sagot ko. Nandyan na naman ang mga tingin na pinupukol nila sa amin but this time it's different. I don't know but something seems off. Kumalat na ba ang DOM rumor ko? Oh, baka naman nag-evolve na naman ang chismis sa akin?


"Avalon!" Sinalubong ko ang tingin ni Era na nakahalukipkip sa harapan ko. Bakit sila nandito sa tapat ng room namin? Are they planning to have a round 2 from yesterday? Can't they just do it some other day?


"Anong kailangan mo?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. She quickly stretched out her arms towards me. Crap, sasabunutan nya ba ako?


"Ava! Beshie! Good morning!"


Eh?


Laking pagtataka ko nang maramdaman ko ang pagyakap sakin ni Era. Mabilis na kumunot ang noo ko at parang tangang tinitigan sya na may malaking ngiti sa kanyang labi. What in the world is happening?

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon