CHAPTER FOURTEEN
"Good morning, Ava!" Nakangiting bati ni Mia nang magkasabay kami papasok ng gate ng school.
"Morning." I greeted back.
"I know you're a passive woman but something's really off with you these past few days." Mia stated which I didn't bother to answer.
Magdadalawang linggo na rin ang nakalipas simula nang napag-usapan namin ni Wave ang tungkol sa alaala at pamilya nya. I don't want to get used on his presence. I know that eventually he will soon regain his lost memories and by that time I know that he will go back to his family. To where he belongs.
Madalang na lang kaming mag-usap ngayon. It's not that I don't want to talk to him anymore. There are instances that we can't really talk to each other even though we want to. Kung minsan kasi ay mas maaga pa akong umuuwi sa kanya sa apartment at sya naman ay sobrang gabi na to the point na mas nauuna na akong matulog kaysa sa kanya.
May time pa na kapag uuwi ako ay maaabutan ko na lang syang tulog na sa sofa. At kapag umaga naman ay it's either tulog pa ako or tulog sya kapag aalis ang isa sa amin. Just like that. Mabibilang nga lang yata ang mga araw na nakakapag-usap kami at simpleng tanungan lang iyon ng kung ano-ano.
"Kamusta pala sa shop nyo?" I asked just to avert my attention.
"Iyon nga! OMG! Nagdilang anghel ka nga, Ava. Sobrang mabenta ng shop ngayon!" Tuwang tuwa na sabi ni Mia.
"Good for you." I simply said.
"Anyway, may offer sana ako sayo."
"Ano naman?"
"Hiring kasi sa shop ngayon. Baka, you know, gusto mong lumipat samin? Promise mas malaki ang sahod sa shop namin!"
"I'll try." Alanganin kong sagot. Kung mas malaki nga ang sahod sa kanila ay baka lumipat ako sa shop nila. Maliit kasi masyado sa convenience store at malapit na naman ang bayaran ng tuition fee namin ngayon kaya kailangan kong mag-ipon.
"Sige pero sana talaga doon ka na lang sa shop. Nagbabantay din kasi ako doon kung minsan para sana at least may kausap ako sa shop."
"Ah, kaya pala. Gusto mo lang may ka-tsismisan."
"Hindi no! Ikaw talaga kagad ang pumasok sa isip ko nang malaman kong hiring. Lalaki at babae nga ang inahanap nila mama. May nakuha na kagad si mama na isang lalaking crew kaya babae na lang need ngayon kaya sana pumayag ka."
BINABASA MO ANG
He Who Came From Another World
Science Fiction[HIGHEST RANKING: #6 in Science-Fiction] A stranger who can't remember anything saved me and brings color in my empty life. STARTED: July 01, 2017 ENDED: May 16, 2018