**DEDICATED FOR YOU!!
CHAPTER TEN
"Wave, natandaan mo ba ang mga sinabi ko sayo ha?" Tanong ko sa kanya nang palabas na ako ng apartment. Nakasunod sya sakin habang sinusuot ko ang rubber shoes ko.
"Hindi ako pwedeng lumabas." Sagot nya.
"Tama. May mga pagkain na akong niluto kaya kumain ka na lang kapag nagugutom ka na." Isasarado ko na sana ang pinto ng apartment nang bigla nya itong pigilan at sumilip sa pinto.
"Hindi ka nga pwedeng sumama, Wave. Trabaho iyon. Manuod ka na lang ng TV dyan. Babalik rin ako mamaya." Kagabi nya pa kasi ako kinukulit na gusto nyang sumama sakin. Why do I feel like I became an instant mother here?
Pakiramdam ko ay bigla akong nagkaanak. Kung dati ay wala akong iniintindi kapag papasok ako ng part time ngayon ay mayroon na. Iniisip ko kung magagawa nya ba ang mga sinabi ko sa kanya. Iniisip ko rin na baka kung anong gawin nya habang wala ako. Iniisip ko rin na baka mamaya ay maabutan ko na lang na nasusunog ang apartment ko.
Sinarado ko na kagad ang pinto ng apartment at patakbong nagpunta sa convenience store. Medyo tinanghali na rin kasi ako ng gising tapos ay nag-prepare pa akong ng pagkain para kay Wave. Mabuti na lang ay sakto ang akong nakarating sa convenience store.
"Ikaw na ang bahala dito Avalon. Puntahan mo na lang ako dito sa staff room kung may kailangan ka." Tumango ako sa sinabi ng manager ng convenience store bago sya nawala sa paningin ko. Nagkaroon na rin naman ako ng part time sa ibang convenience store dati kaya kahit papaano ay sanay na ako sa ganitong trabaho.
"Well, well, looks who's here." I gulped when I saw two girls entered the convenience store. I remember them. Isa sila sa mga babaeng may dahilan kung bakit ako napatalsik sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko.
"I see. Mukhang tinanggal ka nga talaga sa restaurant." Sabi ng isang babae.
"Lucky!" Nakangisi pang dagdag ng isa. Kumuha sila ng mga junkfoods at softdrinks bago pabagsak na nilagay sa counter. I need to calm down. I have been enduring their shitty attitudes for almost a year so this is just nothing.
At isa pa, hindi ko sila pwedeng patulan lalo pa at nandito ako sa trabaho. Ayokong matanggal na naman sa trabaho gayong unang araw ko pa lamang.
"One hundred four lahat." Sabi ko pagka-punch in ko sa mga binili nila. Nag-abot naman ang isang babae ng 120 pesos kaya agad ko itong sinuklian. But she pushed back my hand.
"Keep the change alam naman naming ikaw ang mas nangangailangan nyan." Sabi nya at mapang-insulto silang dalawang tumawa. Ipipilit ko sanang ibigay sa kanila ang kanilang sukli nang mabilis silang makaalis. At isa pa ay naisip ko rin na baka pagmulan din ito ng gulo kaya mas magandang manahimik na lang ako.
Mabilis ang na natapos ang buong maghapon dahil sa dami ng customer. Namalayan ko na lang na madilim na pala sa labas. Tiningnan ko ang malapit na wall clock at pasado alas-sais na ng gabi. I was wondering what Wave is doing at this time when the manager got out of the staff room.
BINABASA MO ANG
He Who Came From Another World
Science Fiction[HIGHEST RANKING: #6 in Science-Fiction] A stranger who can't remember anything saved me and brings color in my empty life. STARTED: July 01, 2017 ENDED: May 16, 2018