CHAPTER THIRTY EIGHT

2.6K 139 20
                                    

CHAPTER THIRTY EIGHT

Pagkalayo ko sa aking apartment ay tsaka ko lang naibuga ang hangin na kanina ko pa pinipigilan. Tulog pa sila Wave nung umalis ako. Sinakto ko talaga ang alis ko habang natutulog sila dahil panigurado akong hindi ako basta makakaalis lang ng apartment ko habang gising sila.

Especially, Wave.

For sure he's going to bomber me with questions at pipilitin nyang sumama. If I let Wave tag along with me I'm pretty sure that someone will protest, i.e. Atlas.

Kaya mas magandang ako na lang mag-isa ang magsaoli nitong painting kay Michael at isa pa, I still don't know if he's from other world. Hindi na rin namin napagusapan ang tungkol sa painting dahil mukhang nakalimutan na rin nila Silas.

For now, I want to confirm it myself. Siguro naman ay coincidence lang ang pagkakapinta ni Michael sa isa sa mga syudad ng Haralda. Maybe he got inspired in one of the stories he read or maybe it's just his wild imaginations or something.

But, what if he really came from Haralda? Anong gagawin ko? Should I tell them? Just this once, can I be selfish? Can I choose my own happiness?

Eversince Wave came into my life everything has change. Sure, I'm not popular but I'm no longer an outcast. Sure, I don't have a luxurious life but I'm still happy. Sure, I don't have parents anymore but I do have friends now. Everything changed now and I owe it to Wave. Maybe I saved him before but in reality he also saved me. And now, I think it's time to return the favor..

Maaga ako ng limang minuto nung makarating ako sa meeting place namin ni Michael. Nilibot ko ang paningin ko sa mamahaling coffee shop na sinabi sakin ni Michael kung saan kami magkikita. May mga ilang customer na tahimik lang na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo okaya ay mga libro. May ilan naman ay nakaharapa sa kanilang laptop. Tahimik lang ang lugar at sobrang nakakarelax sa pakiramdam. Idagdag pa ang banayad na sikat ng araw sa glass wall ng coffee shop kaya mas lalong nakakagaan ang ambiance ng shop.

Pasimple kong tiningnan ang menu board at halos magsisi ako nung makita ko ang mga presyo. For only a single cup of coffee cost almost 400. Take note, simple black coffee lang 'yon. Ilang pack na ng instant coffee ang mabibili ko sa halagang iyan. At isa pa, saan ba nila kinukuha ang coffee beans nila? Sa gitna ng Pacific ocean?

Bakit ba dito naisipan nung Michael na 'yon na makipagkita? Kung alam ko lang ako na sana ang nagsabi ng meeting place nam--

"Eh?"

Nahinto ako sa pagtingin sa kabuuan ng shop nung mahagip ng mga mata ko ang isang lalaking kapapasok lang ng shop. His hair was messy in a nice way and a bit wavy. He let his eyes roam around the shop as he straightened his black coat which he paired with his white shirt and dark blue pants.

Too say that I was stunned was an understatement. Ni hindi ko magawang lumapit sa kanya at tanungin kung anong ginagawa nya rito.

Wait, he shouldn't be here! Bakit hindi ko man lang namalayan na sinundan nya pala ako? Stupid, Wave!

Kinuha ko kagad ang menu card na nakapatong sa lamesa at ginamit iyon bilang pangtakip ng aking mukha. Hindi pa naman nya ako nakikita kaya pwede pa akong makatakas. Itetext ko na lang si Michael na sa ibang lugar nalang kami magkita.

I fished out my phone and was about to text Michael when his name prompt on my screen. Sinagot ko kagad ang tawag nya..

"Hello? Michael?"

"Miss Avalon, hello. I'm already here. Where are you?"

Oh, he's here already? Saan? Medyo marami na rin ang mga customer na dumarating. Okay lang kaya sa kanya na ipataas ko ang kaliwang kamay nya habang naka-finger heart?

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon