Royal 1: Gangster

22.7K 456 23
                                    

Recess na kaya naglakad kami papunta sa parking.

Time to fight.

"Hep! Hep! Where are you going, girls?" tanong nung isang lalaki.

Kaklase namin silang apat. Tanda ko pa yung isang lalaki na nagpakilala sakin.

"You don't care" sabi ni Cass.

"Woah. You don't know the rules. New students are not allowed to go outside during recess. They will have a tour first in the campus" paliwanag nung nabara ko kanina.

"Oh jinja? Well, I have my own rules" bored na sabi ko.

"I don't care about your rules, Miss. We are the royal students here, we are the rulers. So, you will follow OUR rules"

Tss, bakla! Kainis! Malelate na kami sa laban.

"Fvck your rules" inis na sabi ko at binangga siya.

Binilisan ko yung pagsakay, ganun rin yung ginawa ng kasama ko at pinaharurot ang kotse.

The hell I care about their rules. They don't know me.

----------------------

Kaizer's POV

Fvck! Its the first time na nasagot ako ng isang babae. At bagong salta pa!

"Hahahahaha!"

"Lakas pre!"

"Basag nanaman! Hahahahaha!"

Aish! Isa pa 'tong mga kaibigan kong 'to! Walang ibang ginawa kundi tawanan ako.

Naglakad na ako at sumakay sa kotse. We're just 15 years old but I can drive my own car now. Like what that fvcking girl said, "I have my own rules" Psh. That girl! Naiinis ako pag naalala kong sinagot sagot niya lang ako kanina! I tried my best to be nice at her but---- Argh! Nakakainis!

Dumiretso nalang ako sa War Zone. We have a fight today. Nakalimutan ko atang sabihin sainyo na we're the gangster heirs. Kami ang magmamana ng organisasyong binuo ng angkan namin.

Our gang is at the 2nd Rank. The Bloody Gang. Malalaman niyo din mamaya yung nasa 1st Rank.

"Wear your masks" paalala ko.

We need to hide our identity. Marami ang pwedeng magtangka sa buhay namin.

Ang war zone ay lugar kung saan gaganapin yung laban. High tech ang lugar na ito. Kapag walang laban ay para lang itong bakanteng lote. May secret button jan na Rank 1 lang ang nakakaalam, kahit kami ay hindi ito alam. Pag pinindot mo yung button ay aangat ang parang stadium dito, nakakamangha ito. Malaki ang stadium at kasya ang mahigit isang daang tao.

Lahat ng kasali sa Gang ay may kanya kanyang code names ang myembro. Ang mga gang dito ay legal at mayayaman ang myembro.

Kaya walang nakikealam samin at kami din ay kinakatakutan.

"Nice to see you again, Blood" rinig kong sabi ng malaming na boses.

Humarap ako at nakita ko si Golden Emerald.

"Nice to see you Golden Emerald." sabi ko rin.

Wanna know who's Golden Emerald? Well she's the leader of the Rank 1, the Heartless Gang. They are the most powerful gang in the whole wide world. They killed thousand of people. Wala silang sinasanto.

Lahat ng member ng Heartless Gang ay babae. Apat din sila tulad namin, magkakaedad lang din kami.

"Hey Silver Amethyst" rinig kong sabi ni Kraven aka Stone.

"Stone" malamig na bati nito.

Malalamig ang pakikitungo nila, that's why they are called heartless gang. They are heartless, they don't care about the others.

"Let's go. The battle will start in a minute" malamig na sabi ni Golden Emerald.

-----------------

Zeinah's POV

Nagsimula na ang battle. Ang maglalaban ay ang rank 6 at rank 9. Magaling sila pareho. Well, hindi ka makakapasok sa rank kapag hindi ka magaling. Bago sila makapasok sa rank ay kailangan munang itest ang lakas nila. Lahat kami ay napagdaanan 'yon. Dumaan din kami sa hirap, lahat ng pinaghirapan namin ay hindi nasayang. Dahil, kami na ngayon ang rank 1 sa World Gangsters. Kami ang pumalit sa dating rank 1. Who are they? You will know it soon.

"Now! Let's start the battle between the rank 1 and rank 2!" sigaw ng emcee.

Sa battle, pag nanalo ang rank 2 ay sila na ang papalit sa amin. At kami? Masasayang ang paghihirap namin dahil babalik ulit kami sa simula. We will be eliminated, and all we have to do is to fight and win the battle again. At ayokong mangyari 'yon. Ayokong mangyari ulit yung nangyari sa amin dati, ayokong mangyari ulit yung dati na halos may muntik nang mamatay.

Hawak ko ang aking katana. Si Cass naman ay ang kanyang arrow, kay Jaymin ay baril at kay Haxel ay knives.

Ang mga weapon namin ay may kanya kanyang tatak at meron din itong secret weapons. Like sa akin ay magiging dalawa ang patalim, kay Cass ay pwedeng magkapoison ang arrow. Kay Jaymin ay may knife pang kasama ang baril at kay Haxel na may poison din sa tip ng kutsilyo.

Sa battle? Brutality is the best.

Let the battle starts.

---

Kaizer at the top🔝

Royal Academy: Perfect School For GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon