Royal 54: Kenneth Salvador

5.5K 161 9
                                    

Zeinah's POV

I immediately took my phone and dialed Xyro's number.

[Hello?]

Hindi muna ako sumagot. I can hear the screams from the phone.

[Uhm, Hello?]

Tignan natin kung hanggang saan aabot ang pasensya nito.

[Uh seriously?...] rinig kong bulong nito.

"Xyro" nilaliman ko ang boses.

Tinatamad na akong magdial ulit kung sakaling patayin niya man, kaya nagsalita na ko. Tsk tsk. Sarap pa namang paglaruan nitong pinsan ko.

[Sino 'to?] tanong niya pa.

(A/N: Ooops, yung nangyari po sa last POV ay tapos na itong paguusap nila. Meaning, kaya nasabi niya sa last part na may babalik dahil sa kinausap na nito ni Zeinah. Sinabi ko lang ito para hindi kayo maguluhan ^__^ Yun lang!)

Tumikhim muna ako bago sumagot.

"It's me, Zeinah" sagot ko sa maayos na tono.

[Zeinah! Ang tagal mo bago ka nagparamdam! Where have you been?] ramdam ko ang pagaalala sa boses nito.

"Nagpalamig lang ako" sagot ko.

[Tsk, asan ka---pabalik ka na ba?] aligagang tanong nito.

Sa tagal ko ba namang magparamdam at wala manlang akong iniwang kahit isang salita ay sigurado akong nagalala sila.

Napaisip tuloy ako, baka nagalit sila Cass dahil sa nagawa ko. Tsk.

"That's the reason why I called. I going back there tomorrow. Nakaayos na ako, tumawag lang ako para ipaalam sayo"

[T-that's great! Should I pick you up, tomorrow?] tanong pa nito.

"No need. I can handle myself"

At isa pa, kasama ko sila Kim kaya hindi pwede.

[O-ok, pero magkikita ba---]

"Ok bye" narinig ko pa ang pagangal nito.

Pinatay ko agad ang telepono nang makita ko si Ken sa kwarto.

"Sino yan?" tanong nito.

"S-si Kuya. Nangamusta lang" palusot ko.

Tumango naman ito na tila kumbinsido.

His Kenneth Salvador. My boyfriend. Nakilala ko siya nung panahong nahihirapan akong magmove on sakanya.

His a gangster here in Korea. Tinulungan niya ako at kapalit ay magiging kagrupo na nila ako.

Nagtagal ay nahulog din ang loob ko sa kanya dahil lagi kaming magkasama. Magaling daw kasi ako sa mga bagay bagay kaya naging close kami. Inamin ko din sa kanya na isa din akong gangster at may gang kami dati, sinabi ko na humiwalay lang ako dahil sa nagsawa na ako sa pagiging lider.

Di nagtagal ay niligawan niya ako at sinagot ko naman siya. Hinirang niya ako bilang reyna ng gang namin. Mahal na mahal ako ni Ken at ganun din ako sa kaniya.

"Ready for tomorrow, Love?" tanong nito.

Pinaharap niya ako sa kanya at hinalikan sa labi.

Agad din naman akong bumitaw.

"Uh, I guess so" sabi ko na may nagaalinlangan na ngiti.

"Don't worry Love, sa laki ng Pilipinas ay sigurado ako hindi kayo magkikita" nakangiti nitong sabi.

Sa nakakatakot niyang itsura ay kabaligtaran naman ng tunay niyang ugali. Sa harap ng iba ay masungit at laging siyang galit at pag sa harap ng malalapit na tayo sa kanya ay palangiti naman ito at mabait.

Hindi niya lang alam na, si Dane Kaizer Tee. Ang sikat na gangster sa Pilipinas ang lalaking minsan nang nanakit sa akin.

Sila na din ang nangunguna sa Best Gang in the World. Pero ang grupo namin ang pinaka nangunguna. Kumbaga sa pageant, kung may first runner up, kami naman ang champion.

Kilala ang grupo namin sa buong mundo biglang gang leader. Ang gang namin ang may hawak sa buong gang dito sa mundo. At kung may babangga ay siguradong mawawala dito sa mundo.

Hindi ko aakalaing may mas mataas pa pala sa grupo namin. Siguro ay hindi sila nakikilala sa media dahil sa sobrang tahimik nila umatake.

Natawa pa siya nang magulat ako na may mas mataas pa na gang sa amin. Sinabi niya na kabilang kami sa gangster world ngunit hindi ko sila kilala.

Sinabi ko nalang na hindi talaga namin binibigyan ng pansin ang iba. Kung sino ang kumalaban ay yun lang ang makikilala. Sila naman kasi ay may sariling ginagaw at hindi sumasali sa mga gang war.

Nang sumali ako sa grupo niya ay nandun na sila Rian Alvera o Tres.

Kimmy Layn Hernandez o Dos.

Adrian Kim o Quatro.

Clarence Aquino o Cingko.

William Mortel o Uno.

Ang grupong tinatawag na Black Spade Gang


~~~
A/N: Ano mas bet niyo guys? Black Ace? Heartless Gang? Bloody Gang? ^___^ Salamat nga pala sa mga nagbabasa at nagvovote. Para sainyo 'to. <3 Meet Kenneth Salvador 🔝 Yieeee! <3

Royal Academy: Perfect School For GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon