Royal 51: Goodbye

5.4K 160 14
                                    

Zeinah's POV

"I'll kill you!"

Napabangon ako bigla.

Agad namang lumapit sa akin sila Mommy.

"Anak! Are you okay?" tanong nito sakin.

Naalala ko nanaman. Sht, that fvcking nightmare.

Dahan dahan lang akong tumango.

"Ang tagal mo ding nakatulog, kanina pa kami naghihintay na magising ka" naluluhang sabi nito.

"A-ano ng nangyari?" tanong ko.

Natatandaan ko lang ay nandun pa kami sa warehouse, may biglang pumasok na ala ala sa akin na naging sanhi ng---.

FVCK!

Yung batang babae sa panaginip ko, bakit si Elyza yung pumapasok sa isip ko kapag naalala ko siya?

"M-may naalala ka ba, a-anak?" tanong nito.

Kumunot naman ang noo ko.

"A-ang natatandaan ko lang po ay nung nandun p-po tayo sa w-warehouse" sagot ko.

"N-no, maliban p-pa dun" sabi pa nito.

"M-may iba pa po bang nangyari?" naguguluhan kong tanong.

Sabay sabay silang napabuntong hininga.

Ano bang meron?

Wala naman akong ibang natatandaan bukod sa magkasama kami ni Kaizer-- wait, si Kaizer nga pala?!

"M-mommy s-si Kaizer?!" tanong ko.

"Nabalitaan namin kanina na pumunta siya dito bago siya mawalan ng malay" malungkot na sabi nito.

"A-asan po siya"

"Nasa kabilang kwarto"

Nakiusap ako kay Mommy na kung pwedeng puntahan ito, mabuti nalang at pumayag siya kaya halos tumakbo na ako papunta sa kwarto niya.

Pagpasok ko dun ay walang ibang tao kundi si Kaizer. Asan yung dapat na nagbabantay sa kanya?

Nakahiga ito at nakapikit, mukhang wala pa rin siyang malay.

Sa itsura niya ay halatang pagod siya, he looks so wasted. Siguro ay dahil na rin sa mga nasabi sa kanya at sa oras na nga nakakalipas. Isang araw na pala ang nakalipas simula nung makidnap kami.

Naluha nanaman ako sa mga nalalaman ko.

Hindi ko tunay na magulang ang mga tinuturing kong magulang tulad ni Kaizer.

Naiyak ako nang maisip ko na hindi ko tunay na kapatid sila Kuya Zach, Kuya Zander at Ate Zerene. Ang mga kakampi ko noong bata pa ako.

'Twin, I know that you're now happy and okay there. Give me a sign please, hindi ko na alam ang gagawin ko'

Bulong ko sa hangin.

Unti unti namang gumalaw si Kaizer, narinig ko pa ang mahinang daing nito.

"Z-zeinah?" tanong nito.

Malamya naman akong ngumiti. "Okay ka na ba?", mahinang tanong ko.

Umupo ito at inalalayan ko pa siya.

"Why are you here?" medyo malungkot na tanong nito.

"Syempre, hindi ko pwedeng hayaan na magisa ang... M-mahal ko" nahihiyang sambit ko.

Yeah, inaamin ko na sa sarili ko. Sinasagot ko na siya.

Nagulat naman ako nang sarkastikong tumawa ito.

"Mahal? Tss, we can't be together Zeinah" mapaklang sabi nito.

Nasaktan ako sa sinabi niya, may naramdaman din akong konting galit.

"B-but you said before that you love me" nakayukong sabi ko.

"That was before. Naisip ko bigla na hindi tayo pwede, I fell out of love Zeinah"

"P-pwede ba y-yun? P-parang ang bilis naman K-kaizer" naiiyak na sabi ko.

"P-pwede pa naman nating p-pagusapan 'to. A-alam kong m-marami tayong pinagdaanan, p-pero hindi naman yun y-yung dahilan p-para mawala ang pagmamahal mo sakin" umiiyak na sabi ko.

"Tss, siguro infatuation lang yung naramdaman ko sayo. Nagkamali ako, masyado akong nagpadalos dalos"

"K-kaizer, bakit ka g-ganyan? O-okay l-lang naman kung magalit ka t-tungkol sa magulang natin. T-tutal, ayoko rin namang makasama sila. P-please, don't leave me" pagmamakaawa ko.

Dati, nakocornihan ako sa mga nakikita kong babae na nagmamakaawa na balikan ng mahal nila, yung tipong luluhod pa sila habang umiiyak. Tinatawanan ko pa sila dahil nagpapakatanga sila dahil sa isang lalaki.

Pero ngayon, masakit pala. Yung pakiramdam na hindi ka mahal ng mahal mo. Yung kailangan mong lumuhod at magmakaawa para lang balikan ka niya.

Masakit. Talo ko pa yung binaril ng ilang beses.

"Stop this Zeinah. Ayoko na sayo. Hindi na kita minahal--- wait, minahal nga ba kita? Baka natuwa lang ako sayo dahil kaya mong makipaglaban ng patas at kasinggaling tulad ko. Hindi tayo pwede Zeinah! Enemies cannot be friends! Or even lovers!" sigaw nito.

"Pwede! Kung iyon ay maniniwala ka! A-and we're not enemies K-kaizer" nanghihinang sambit ko.

"Yes we are! Hindi pwedeng magkatuluyan ang leader ng rank 1 at rank 2 ng best gangs in the world!" sigaw nito na ikinagulat ko.

"A-alam mo na?" gulat na tanong ko.

"Yes! At hindi ako makapaniwala na kaya mo kong pagtaguan ng sikreto!"

"S-sasabihin ko naman talaga s-sayo yun eh. K-kung iyong ang i-ikinagagalit m-mo k-kaya kong ibigay s-sayo ang p-pwesto namin. J-just don't leave me" iyak ko.

"I have made my choice. Hanggang dito nalang talaga tayo. Leave me alone" seryosong sabi nito.

"K-kaizer"

"Just leave!" galit na sigaw nito.

"K-kung yan ang g-gusto mo. F-fine, iiwanan na kita at hindi na ako magpapakita pa, b-but let me do this"

Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ang pisngi niya.

"Just remember that I love you..." sabi ko at inangkin ang labi niya.

Naramdaman ko ang pagstiff nito pero pumikit lang ako.

Naramdaman ko ang pagkalma nito at dahan dahang pagtugon nito.

Muling tumulo nanaman ang mga luha ko.

Pagkahiwalay ng labi namin kasabay ng paghikbi ko. Pinunasan ko ang mukha ko na pinupuno ang mukha ko.

"Nakakatuwang isipan na ang leader ng Heartless Gang, ang walang pusong si Golden Emerald ay nagpakatanga sa isang lalaki" mapaklang sabi ko.

Tumalikod na ako at naramdaman ko ang muling pagtulo ng mga luha kong naguunahang lumabas.

Goodbye Kaizer...

~•~•~
A/N: Waaah! Nakakaiyak 'tong chapter na 'tooo T___T. Pero hayaan niyo guys, may kasunod pa naman ito. Sorry din pala sa slow update huhuhu.

Royal Academy: Perfect School For GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon