Royal 58: First Day

5K 140 0
                                    

Zeinah's POV

Pagpasok ko ay lahat ng estudyante ay nakatingin sa 'kin.

"Sino yan?"

"Shit! Si Zeinah!"

"OMG! She's back!"

Hindi nalang ko nalang sila pinansin at pumunta na sa likod.

"Can you introduce yourself in front, Miss?" masungit na tanong nung teacher.

Sa itsura nito ay bago palang ito.

May nakita akong babaeng nakatingin sa akin kaya napangisi ako sa naisip.

"Go and stand infront" utos ko dun sa babae.

Napatayo naman ito dahil tinignan ko ito ng masama.

"Go and say to them who am I" utos ko pa.

"U-uhm, s-she's Zeinah. Zeinah Kriszel Sy, she studied here b-before a-and..." napatigil ito na tila magiisip pa ng sasabihin.

Nang wala na itong masabi ay umupo nalang ito.

Nakita ko pa ang pagirap nung teacher sa 'kin.

Tumayo naman si Uno. Seryoso itong nakatingin sa unahan.

"William Mortel" sabi nito at bumalik na sa upuan.

Lumingon ako sa kanan at sakto nagtama ang paningin namin.

Bahagya pa kong nagulat pero hindi ko pinahalata. Ramdam kong ganun din siya.

"Fvck" bulong ko at yumuko nalang.

Hindi ko alam na nalipat siya. Ano nang nangyari? Tuluyan niya na bang kinalimutan ang grupo? O may nangyari lang kaya siya nalipat? Fvck.

"Okay, class dismiss" yun nalang ang narinig ko.

Sabay na kaming lumabas ni William. Paglabas ay pinagtitinginan pa rin kami ng mga estudyante.

Nagkita kita kami sa canteen.

"Grabe! Kung saan saan pa kami nakarating ni Kim kakahanap ng room namin!" sigaw ni Tres.

Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao.

I hate attention.

"Pinagtitinginan kami pagkapasok namin sa room kanina" sabi naman ni Cingko.

Kami naman ni Uno ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.

Maya maya pa ay nagtilian na ang mga estudyante.

"Who are they?" tanong ni Dos.

Hindi ko kita yung pumasok dahil nakatalikod ako sa may pintuan.

"Omayghad they're here!"

Nagsisigawan na ang lahat pero tahimik lang ako na kumakain.

"Papunta sila dito!" tili ni Tres.

WTF. Pati sila ay interesado sa kung sino man iyon. May idea na ko pero sinasarili ko nalang yung nasa isip ko.

"Uhm, excuse me Miss, that's our seat" may narinig akong boses ng isang lalaki at may kasabay pang kalabit.

Kilala ko ang boses na iyon, it's Kraven's.

Tumayo nalang ako habang bitbit ang pagkain ko at madaling umalis sa lamesa. Tumungo ako para hindi nila makita ang mukha ko.

Ramdam ko din ang pagsunod sa akin nila Uno.

"Fvck! Ba't tayo umalis?! Nagmukha tuloy tayong inapi" rinig kong reklamo ni Quatro.

Napairap nalang ako sa kawalan.

"Ah shit!" sigaw ko.

"Queen!" rinig ko pa ang sigaw nila Dos.

May bumangga sa 'kin at tumilapon ako. Ramdam ko pa ang pagtama ng likod ko sa isang lamesa.

May mga napasinghap pa dahil sa nagyari.

Great. Ang iniiwasan ko ay nangyari na. Pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon.

Tinulungan pa ko nila Uno na tumayo.

Napadaing pa ko ng kumirot ang likod ko. Sht, yung bagong lagay kong tattoo.

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo" malamig na sabi nung lalaki.

Nagangat ako ng tingin at mukha niya ang bumungad sa 'kin.

Kasing lamig ng yelo ang tingin nito sakin. Kasing init naman ng apoy ang tingin ko sa kanya. Fvck, ang hapdi ng likod ko!

Nilagpasan niya ko at sinadya pang banggain ang balikat ko.

What the fvck is wrong with him?

Lumingon ako sa likod ko kahit labang sa kalooban ko. Nakita ko pa sa peripheral vision ko ang pagsinghap nila Cass.

"Nakayuko ako, ikaw yung nakatingin dyan pero hindi mo manlang nagawang umiwas" inis na sabi ko.

"Woaaah, first time nagtagalog ni Queen!" pasigaw na bulong nila sa likod.

"I don't want anything or anyone blocking my way" maangas pa na sabi nito.

Hindi na siya yung katulad dati. Alam kong may pagkabad boy siya pero dumomble iyon ngayon.

"Tss, edi sana nagpagawa ka ng sarili mong daanan!" sigaw ko.

Great. Kuhang kuha na namin ang atensyon ng lahat. Yung iba ay natutuwa at yung iba naman ay naiinis, ang kapal daw ng mukha ko na kalabanin ang hari ng school nila. Tss, the hell I care.

"Ha! Ba't pa 'ko magpapagawa? Alam naman ng lahat kung sino ako, sila na mismo ang umiiwas, at dapat! Ganun din ang gawin mo"

Tangin-- ang yabang na niya!




Royal Academy: Perfect School For GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon