Royal 47: Secrets

5.4K 139 0
                                    

Zeinah's POV

Fvck yes! Sabi ko sa isip ko nang maputol ko ang tali.

Dali dali kong binalik ang pocket knife at inayos ang kamay ko. Nilagay ko ito sa tamang pagkakapwesto ng pagkakatali.

"Kawawa ka naman Kaizer, they kept their secret for 16 years" sabi nung matanda at tumingin naman ito sa akin.

"Parehas lang kayo ni Zeinah! Mga mangmang! Masyado kayong pakampante at hindi niyo manlang inaalala ang inyong tunay na pamilya!" sigaw nito sa amin.

Naguluhan at napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Tunay na pamilya?

"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Kaizer.

"Oh, kawawa ka naman. Pinagmukha ka lang nilang tanga! Lahat sila ay may nakatagong sikreto! At isa na doon ang mahal mo!" sabi nito at muling binalik ang tingin sa akin.

Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Sht! Hindi ko pa nasasabi kay Kaizer ang pagiging gangster namin! At ang malala pa dun ay kami ang pinakakinaiinisan na gang nila! Fudge!

"Hindi ikaw ang apo ko dahil ang apo ko ay si Zeinah" seryosong sambit nito.

WTF? Pinagtitripan ba kami ng matandang 'to?!

"What the---!" naputol ang sasabihin ko nang bumukas ang pintuan.

"Tigilan mo ang pagsasabi ng mga kasinungalingan sa apo ko, Felicidad"

Nakatayo doon ang Lolo ko kasama ang magulang ko sa likod. Kumpleto sila doon.

How the hell did they know our situation?

"Kasinungalingan? Hahahaha. Alam nating lahat ang totoo Eduardo. Anak ni Elizabeth si Zeinah. Kayo ang may kasalan ng lahat!" nagulat kami nang magbago ang reaksyon nito. Galit na galit ito at parang sasabog.

"Anak?" biglang pumasok yung principal.

Gulong gulo na kami.

"Yes. Remember when you're pregnant? Babae talaga ang nakalagay sa ultrasound. Sinabi lang nila na nagkamali sila ng ultrasound nang lalaki ang ibinigay nilang sanggol at iyon ay si Kaizer" sambit nito at tumingin kay Kaizer na lumuluha.

"T-tell me, y-you're lying right? Please tell it's not true" napapikit ako nang magcrack ang boses ni Kaizer.

"M-mom, a-anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ng principal.

"Your bestfriend. Xandra. She betrayed you" seryosong sambit nito.

~•~•~•~
3rd Person's POV

Flashback...

"Yay! Sa wakas! Graduate na tayo!" sigaw ni Alexandra.

Tuwang tuwa silang magkakaibigan. Si Alexandra, Elizabeth, Daisy, Claire at Nikka.

Kasama nila ang kanilang ibang kaibigan na si Kriston, Kaiso, Rex, Robert at Jin.

"Wag kang tumalon Xandra, baka nakakalimutan mong buntis ka" sita ni Kriston sa kasintahan.

"Ikaw din, Beth. Hinay hinay lang kayo" sita din ni Kaiso.

"Hihi sorry" sabay nilang sabi.

Nakaakbay naman si Rex kay Daisy at si Claire kay Robert.

"Ayieee! Kayo nalang ni Jin, Nikka!" tukso Daisy kay Nikka.

Tumawa lang ito at umiwas ng tingin. Binaling nito ang tingin niya sa kanyang longtime crush na si Ash.

"Nako naman! Graduate nalang tayo hindi ka pa rin napapasin ni Ash!" asar sa kanya ni Xandra.

"Tigilan niyo nga ako" naghihiyang sambit ni Nikka.

Si Jin naman ay pinuntahan ang kanyang girlfriend na kasama ng ibang section.

"Hahahaha! Go Jin!" tukso nila kay Jin nang humakbang ito.

Tumawa lang ito sa kanila.

Tatlong buwan na buntis si Xandra at apat naman kay Elizabeth.

"Anong ipapangalan mo sa anak mo Xandra?" tanong nila.

"Kung babae ay Zerene, Zander naman pag lalaki" sambit nito.

Nagtanguan naman sila.

"Feeling ko kasi lalaki 'tong baby ko kaya Kairo ang ipapangalan ko sa kanya" nakangiting sambit ni Elizabeth.

"Nakasunod pala sa pangalan ni Kaiso!" sabi nila.

"Hay sa waka! Tapos na rin tayo sa pagiging ruler! Nakakapagod ding manita ng magugulong estudyante" biro ni Rex.

Nagtawanan naman sila.







Masaya ang magkakaibigan pagkatapos ng graduation. Masaya sila dahil tapos na daw ang kanilang paghihirap.

Makalipas ng ilang taon ay naisilang na nila ang kanilang anak. Si Alexandra ay nagkaroon ng tatlong anak habang isa pa lang ang kay Elizabeth.

Pinangalanan niya ito tulad ng kanyang sinabi nung graduation. Si Zerene, Zander at Zachary. Kay Elizabeth naman ay si Kairo.

Ngayon ay buntis ulit si Alexandra gaya din ni Elizabeth. Masayang masaya ang magkaibigan.

Tulad nila ay buntis na rin ang iba nilang kaibigan. Nakatuluyan nila ang isa't isa. Si Rex kay Daisy at Claire kay Robert, nakatuluyan din ni Nikka si Ash tulad ng pangarap niya si Jin naman kay Catrina.

Halos lahat sila ay sabay sabay na nagbuntis. Kaya naman masayang masaya sila habang nagsasama sama.



Dumating na ang araw na manganganak si Alexandra.

Naunang manganak si Alexandra ngunit isang malungkot na pangyayari na halos gumuho ang mundo ng magasawa.

"I'm sorry. The baby is premature. Hindi niya kinaya. I'm sorry but the baby is dead" malungkot na sabi ng doktor.

Umiyak nang umiyak si Xandra pati ang kanyang asawa.

Malungkot ang kanyang mga kaibigan sa nangyari.

Dumating na rin ang araw na si Elizabeth naman ang manganganak.

Masayang masaya si Elizabeth dahil babae talaga ang gusto niyang maging anak at masaya siya dahil babae ang lumabas sa ultrasound.

Pagkapanganak niya nalungkot siya ngunit napawi rin naman.

"Congratulations! Your baby is a boy. Sorry Mommy, nagkamali ang ultrasound" paumanhin ng doktor.

Masaya si Elizabeth ngunit hindi kasing saya ng unang panganganak niya.

Mas minahal ni Elizabeth si Kairo ngunit hindi naman yun naging dahilan para magkagalit sila ni Kaizer.



To be continue...

~~~~~
A/N: Waaaah! Sorry napatagal ang UD V^__^ Ano na kayang mangyayari sa sunod?Guys, sorry pala kung magkamali man ako sa mga names nila hahaha. Merry Christmas guys!!

Royal Academy: Perfect School For GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon