Royal 72

4.7K 135 0
                                    

Zeinah's POV

Tatlong araw na ang nakalipas. Wala pa rin nangyayari. Nandito ako sa kwarto na tila tinotorture ako dahil sa kulay.

Nabasa ko nga yung figurine na pusa na may ribbon sa tenga na nakadamit. Nakakainis ang itsura nito, ang parang oblong na nakatayo niyang mata at dilaw na ilong at wala pala siyang bibig -___-

Nilinis naman agad iyon ng mga kasambahay. Buti naman dahil ayoko nang makita ang mukha noon.

Hindi na rin pala nagpakita yung baliw na nanay ni Kaizer simula nung huli kaming magkausap. Ako naman ay patuloy sa paghanap ng gamit na pangtakas kaso wala akong makita.

Nasubukan kong makalabas ng kwarto kaso nahuli rin ako dahil may mga guards pala na nakabantay sa labas ng kwarto ko. Atsaka malalakas sila at malalaki ang katawan kaya wala akong laban.

"Eto na po Miss" sabi nung kasambahay.

Bitbit nito ang mahigit benteng damit na puro itim. Pinakuha ko iyon sa kanila dahil hindi ko kayang tumagal dito sa suot kong pink na bistida.

Kinuha ko iyon at mabilis naman na lumabas yung kasambahay.

Pumasok ako sa CR at nagbihis agad. Napili ko ang itim na hanging shirt at puting shorts.

Paglabas ko ay may lalaki sa loob ng kwarto ko. Ihahanda ko na sana yung sarili ko sa pagatake ng marinig ko ang boses nito.

"It's me, Kairo" sabi nito at humarap sa akin.

Siya yung kapatid ni Kaizer.

"Hindi ko alam na nandito ka pala. Nalaman ko lang dahil sa bodyguards sa labas ng kwarto." sabi nito.

"Yeah. And it's because of your bitchy mom" inis kong sabi.

Ngumiti lang ito. "Tara labas tayo. Namumutla ka, hindi ka na naaarawan" sabi nito.

Agad naman akong sumunod dahil nagsasawa na rin ako dito sa kwarto ko.

Paglabas namin ay namangha ako sa ganda at laki ng mansion. Mas malaki yung mansion namin pero ito kasi ay mga pagka royal. Parang yung school, yun siguro ang hilig ng nanay nila kaya pati sa school ay ganun din.

Pula at gold ang kulay ng mansion. Maganda at malinis ito.

Pumunta kami sa garden. Ang ganda dito at puro bulaklak.

"We're here at quezon. Sa isang exclusive subdivision dito" sabi pa niya.

"Kailangan ko nang umuwi" sabi ko.

"I know. Pero hindi pwede. Hindi kita maitatakas sa sobrang dami ng guards sa paligid, kahit saang sulok ay meron. Mukhang sinigurado talaga ni Mommy na hindi ka makakatakas" sambit nito.

Nilibot ko ang paningin ko at nanlumo ako dahil totoo ang sinabi niya, ang daming guards na nakapalibot sa buong mansiyon.

"Pero wag kang magalala" bulong nito.

"Sasabihin ko to sa kapatid ko para makuha ka agad nila. Hindi na ko pwedeng magtagal dito. See you when I see you" paalam nito.

"Wait!" pigil ko.

Lumingon naman ito at ngumiti.

"How can you be sure that they'll get me as soon as possible?" tanong ko.

"Just trust me... Or them" bahagya pa itong tumawa.

"Just enjoy yourself for now. Alam kong bagot ka na rin sa kwarto mo" sabi nito.

Napabuntong hininga nalang ako at naupo sa swing dito sa garden.

Mabuti nalang at dumating siya. Magpapasalamat ako sa kanya pag nagkita ulit kami. Kung hindi dahil sa kanya ay nasa kwarto pa rin ako at nagmumukmok ngayon.

Napatingin naman ako sa pool dito sa garden. Parang inaakit ako ng tubig.

Kaya naman ay naghubad ako ng damit at lumusong sa pool. Tatawag nalang ako mamaya ng kasambahay para dalhan ako ng twalya.

Tama si Kairo, dapat ienjoy ko muna ang pagiging malaya ko ngayon dahil sigurado ako na mamaya ay nakakulong nanaman ako.

~•~•~
Xyro's POV

Ngayon ay nagpaplano kami sa paglusob sa mansion nila Kaizer.

Gaya ng inaasahan. Halos patayin ako ni Kuya Zander sa sama ng tingin niya sakin.

Flashback...

Sinundo namin yung iba para mas mapabilis ang paghahanap.

"Ano ba kasi yun?" makulit na tanong ni Jaymin.

Hindi ko siya sinagot, dumiretso kami sa headquarters. Ng Bloody Gang.

"Whew" rinig kong sipol ni Kaizer.

Ngayon nalang ulit siya nakapasok dito simula ng humiwalay siya sa amin. Ngayob nalang ulit kami nagsama-sama at dahil yun sa pagkawala ni Zeinah.

Umupo na kami at tumayo ako sa gitna.

"Zeinah is missing" paniwala ko.

Kita ko naman ang gulat kayla Jaymin at sa mga kagrupo ni Zeinah.

"And his brothers are coming" namomroblema kong sabi.

Hays. Ano ba kasing pumasok sa utak ni Zeinah at naisipan niya talagang maggala sa ganitong sitwasyon.

"Baka naman naglakwatsa lang" sabi ni Haxel.

"Yan nga din ang nasa isip ko. Pero kailangan na natin siyang hanapin dahil nga papunta na sila Kuya Zander!" inis kong sabi.

"Sino yon?" tanong nung babae. Kasamahan ni Zeinah. I don't know their names.

"Her brothers" tipid kong sagot.

"Papunta na din si King" sabi ni William at humawak sa noo.

"WHAT?!" gulat nilang sabi.

Who's that? Marahil ay nakakataas din ito dahil sa itsura nila.

"Pambihira! Nagsabay sabay pa!" sabi nung isa.

"Sinong King?" curious na tanong nila Nicole.

"Boyfriend" sabay na sagot nung dalawang babae.

What the? Boyfriend?

"May boyfriend si Zeinaaaahhh?" gulat na tanong ni Jaymin.

"Kakasabi ko lang diba?" inis na sabi nung babae.

Napanguso naman si Jaymin. Sinamaan ko ng tingin yung nagsabi.

"What?" inosenteng tanong nito.

"Don't talk to her like that" inis kong sabi.

"Tsh" umirap lang ito.

"Hm, chill Rian" sabi nung isang babae.

Ah. Siya yung nakasagutan dati ni Haxel kay Nathan.

*beep beep*

Fr: Zander

Wher are u?


To: Zander

BG-HQ

Aish. Ayan na. Nanlalamig na yung kamay ko. Umupo muna ako para magpakalma.

Hinawakan naman ni Jaymin yung kamay ko at nginitian ako. Ginantihan ko lang siya ng tipid na ngiti.

Maya maya ay sabay na dumating sila Kuya Zander, Zach, at Ate Zerene kasama ang hindi kilalang lalaki.

Lahat kami ay tumayo.

"Kuya..."

"King..."

Nagkasabay sabay pa kami.

So yun pala ang boyfriend.

"Where's Zeinah?" sabay din nilang tanong.


To be continued...

Royal Academy: Perfect School For GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon