Zeinah's POV
Napangiti ako ng malungkot habang tinitignan ang kanyang lapida.
Linapag ko ang bulaklak kasabay ng pagtulo ng luha ko.
He saved me. Namatay siya ng dahil sa akin.
"Kamusta ka na dyan? Masaya ba?" tanong ko.
"Ang daya mo, iniwan mo na ako agad. Hindi ko pa nga naaamin sa'yo eh" umiiyak sa saad ko.
"H-hindi mo naman ako kailangang i-iligtas. K-kaya ko naman yung sarili ko eh"
Tumingala ako. Madilim ang kapaligiran, parang nakikisabay ang panahon sa akin. Unti unting dumausos ang luha ko kasabay ng pagpatak ng ulan.
"O-oh, p-pano ba yan. U-umuulan na eh, b-babalikan nalang ulit kita sa susunod. I-i miss you and I love you..."
Sabi ko habang hinahaplos ang kanyang lapida.
"Zion"
Ang kakambal ko na isinugal ang buhay para mailigtas ako.
Flashback...
"Tara Zion, labas tayo" yaya ko sa kakambal ko.
Birthday naming dalawa ngayon at naisipan kong lumabas para mamasyal.
"Ayoko. Dito nalang tayo" sabi ni Zion habang binubuo ang kanya Lego.
"Iiiih, sige naaa. Ngayon lang naman eh" sabi ko habang nakanguso.
"Ayaaw" sabi niya at dumila sa akin.
"Hmp! Bahala ka nga dyan! Ako nalang ang aalis" nakanguso kong sambit.
"Hindi manlang ako hinabol" sambit ko nang makalabas ako.
Hinayaan lang ako ni Zion lumabas habang nilalaro pa rin ang kanyang laruan na regalo sa kanya nila Kuya.
Ang daya naman kasi, dapat Lego nalang din rinegalo sakin ni Kuya, hmp!
"Wow! Ice cream!" sigaw ko ng makita si Manong sorbetero.
Tumakbo ako papatawid ngunit may isang busina akong narinig.
"Zeinaaaah!" sigaw ni Zion at tinulak ako.
Nasubsob ako ngunit hindi ininda ang sakit nang makita ko si Zion na tumilapon dahil sa pagkatama sa kotse.
~~~~
"M-mommy, I'm s-sorry" umiiyak kong sambit habang hinhintay namin si Zion sa labas ng operating room."Shh, it's not your fault" umiiyak na sambit ni Mommy.
"N-no, n-nang dahil sakin k-kaya naaksidente s-si Zion. I-it's my fault!" sigaw ko.
"No---" tumigio kami ng lumabas ang doctor.
"I'm sorry. Hindi kinaya ng bata ang operasyon, masyadong malala ang pagtama ng kanyang ulo" paumanhin ng doktor.
"N-no" umiiyak na sabi ni Mommy.
"N-no! M-my twin is alive! L-let me see h-him! M-mommy! G-gumagalaw pa siya kanina eh" umiiyak na sambit ko.
Napahagulhol ako at yumakap kay Mommy.
Wala akong nagawa. I'm just a little girl that time.
Hindi na rin pinatagal ang burol ni Zion. Pinacremate siya. Wala na ang kapatid ko, ang kakambal ko.
End of Flashback...
That was the time that I promised to myself that I'll be a strong girl. Hindi ko na hahayaang may masaktan pa sa mga mahal ko sa buhay.
Parang namatay na rin ako nung namatay si Zion.
Nawala ang kahati ko sa buhay.
~~~~
Dumiretso ako sa ospital kung saan nakaconfine si Kaizer.It's been a week since we brought him there. Pero hindi pa siya nagigising.
Nagalit ako. Kay Tanya at sa nanay at lola ni Kaizer. They didn't even care if Kaizer is in the hospital.
Parang wala lang sakanila na nagaagaw buhay ang kanyang anak.
Pagpasok ko ay nandun sila Xyro. There I saw Kaizer. May mga tubong nakakabit sa kanya.
Sabi ng doktor ay swerte daw dahil nabuhay pa si Kaizer. Sobrang lapit sa puso ang tama ng bala at tumigil ang puso niya nung inooperahan siya. Buti nalang at agad din itong bumalik ngunit mahina lang.
"How is he?" tanong ko.
"He's fine. Normal na yung heartbeats niya" sagot nito.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa balita niya. Thank god, sana magtuloy tuloy na.
"Hey, I brought foods" sabi ni Haxel na kararating lang.
"Thanks" sambit namin.
Kumpleto na kami dito. Si Xyro na nakaupo at nagbabantay, si Kraven na tulog habang nakaheadset. Si Nathan na naglalaro sa kanyang cellphone, si Jaymin na kinukulit siya. Si Cass na tahimik na katabi ni Kraven at si Haxel na kakarating lang.
"What's your plan, Zeinah?" tanong ni Cass.
"Plan? My plan is to make them pay" sabi ko at nagbigay ng nakakatakot na ngiti na alam ko ay nagbigay ng kilabot sa kanila.
~~~~
A/N: Sorry for keeping you waiting. Haha! Anyway, salamat po sa nagvovote at nagcocomment sa story ko. I really appreciate it. Thank yah! Mwaaah! <3
BINABASA MO ANG
Royal Academy: Perfect School For Gangsters
Mystery / ThrillerA school that is full of mysteries. What will happen if four brave girls transfered to their school. Will the mysteries may reveal? Or it will stay as it is? *--------------* Royal Academy *--------------* Started: October 8, 2017 End: May 1, 2018