Royal 66

5.2K 129 6
                                    

Nathan's POV

Woah. Bilib ako sa dalawang yun. Wala pang nakakasagot doon kay Ms. Dragona. Palibhasa matandang dalaga. Pfft.

"Mga kabaatan talaga ngayon. Mga wala nang galang!" inis na sigaw nito habang nililigpit yung gamit.

"Siguro Ma'am ay dahil sa dati nilang school. Ganun talaga pag commoners" maarteng sabi nung isa naming kaklase.

Tss. Hindi nila alam kung sino yung binangga nila.

"Yeah right. Hindi nila alam kung ano ang pinasok nila. This is an elite school! Hindi bagay ang mga ganyang ugali dito"sang ayon ni Dragona.

"Ma'am" nakangiting tawag ko.

Nakangiting bumaling naman ito sa akin, "Yes, Mr. Davians?" sabi nito.

"It's not also right to talk about them while not knowing their backround" pagtatanggol ko.

Nagsimula nanaman ang bulong-bulongan sa classroom.

"Gosh, bakit niya pinagtatanggol iyon?"

"Why is he like that?"

"Siguro ginayuma nila si Prince Nathan!"

Psh. -____-

"Uhm, pardon?" nakangiting sabi ni Miss. Pero halata sa mukha niya ang konting inis.

"Ang sinasabi ko po ay dapat hong alamin niyo muna kung ano po talaga yung ginagawa nila bago po kayo magakusa" pilit ngiti kong sabi.

Nawala ang ngiti nito at napalitan ng pagkunot noo.

"Are you defending them, Mr. Davians?" tanong nito.

"No, I was just stating the fact. Hindi porket nagusap sila ay nagkopyahan na sila" paliwanag ko.

*bell rings*

"See you again tomorrow" mabilis na sabi nito at mabilis ding naglakad paalis.

*woooh*

Parang nakahinga ng maluwag yung mga estudyante ng umalis si Dragona.

"Woah" sabi ni Kraven na nakaupo kasi sa likod.

"Hindi ko akalaing makakasagot ka ng ganyan, dude" nakangising sabi nito.

"Baka nakakalimutan mong--" pinigilan ko agad ito.

"Kung tungkol sa kanila iyan ay itigil mo na. Kay Haxel lang to" sabi ko at tinuro yung dibdib ko. Puso.

"Korni mo dude!" parang nandidiring sabi nito.

Humalakhak naman ako at umuna ng lakad.

~•~•~
Kenneth's POV

"Welcome, Master" bungad nila sa 'kin pag pasok sa mansyon.

Nilagpasan ko lang sila at dumiretso sa office. Nagdial agad ako sa telepono.

[Hello, King] sabi sakin sa kabilang linya.

"How are they?" tanong ko.

[They're fine, king] sabi nito.

"Did they make any move now?" tanong ko.

[I think they're still enjoying their stay, king]

"Tch, okay. Wag ka muna magpapakita at magsasalita tungkol sa paguwi ko" sabi ko at pinatay na ang telepono.

"Hay!" sabi ko at umupo sa office chair.

Napangisi nalang ako. Wala pa silang nagagawa.

"Tss, kung wala pa silang nagagawa... Then I'll do the first move" nakangising sabi ko.






"Be ready, cousin"

~•~•~
Zeinah's POV

First plan: Sit near at their table.

"Are you sure about this, Queen?" tanong ni Quatro.

Di ko nalang siya pinasin at tumutok nalang sa pagkain.

Si Dos at Tres ay tahimik at hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila.

Nakaupo kami malapit sa lamesa nila Kaizer na kasama sa plano. Nagtatawanan sila pati yung mga kasama nilang babae. Tch.

Mula sa pinto ng canteen ay nakita ko sila Cass na sabay sabay sa pagpasok. Magkakaklase pa kaya sila?

Nagawi ang paningin ko sa babaeng may katapat na lalaki. Naguusap sila.

Elyza.

Nakasimangot ito habang kausap yung lalaki. Mukhang nagrereklamo. Marami ding nagbago sa kanya, umiksi ang buhok nito at nawala ang misteryosong awra nito na malayong malayo sa itsura niya nung una kaming nagkita. Mukhang stress ito dahil pumayat at pumutla.

Naagaw ulit ang pansin mo nang umupo sila Cass sa upuan.

Bahagya naman akong siniko ni Dos, "How can we start our plan if they're here?" bulong nito.

"Tss" singhal ko.

"U-uh, n-nauna na pala kayo" sabi ni Xyro at tipid na ngumiti.

"Umorder na rin kayo" nakapoker face kong sabi. Sinabi ko yun para hindi nila maisip na wala na kong pakealam sa kanila -____-

Tumango naman ito niyaya sila Nathan.

Pagkabalik nito ay may kasamang waiter at sinerve na ang pagkain.

"Hi girls"ngisi ni Kraven kayla Dos.

Nagtaka naman ako. Close na sila? Inirapan lang siya ni Dos at ni Tres.

"How did you do that?" tila manghang tanong ni Kraven.

"Tss, easy" mayabang na sabi ni Tres. Palihim naman siyang siniko ni Dos pero napansin ko pa rin.

"Why?" tanong ko kayla Tres.

"Tss, nakasagutan lang naman namin yung teacher namin sa Bio" sabi ni Tres at umirap pa.

-____-??

"The hell! Nagusap lang kami ni Kimmy tapos sinabihan na agad kami na nagchicheat sa quiz?!" inis na sabi nito.

"Ano naman kasi yung pinagusapan niyo?" pigil tawang sabi ni Quatro.

"About 'us'" sabi ni Tres at nilakihan ang mata na parang may pinapahiwatig.

Nagtaka naman sila Jaymin samantalang ako ay tumahimik nalang. Pinagusapan nila yung tungkol sa mission? Mukhang hindi na-gets nila Quatro kasi nagtawanan pa sila.

"Us? There was never an us" nakangisi pang sabi nito.

"Fvck you!" pikon na sabi ni Tres.

Naghagalpakan naman sila Cingko ng tawa. Mukha sila Nathan ay natatawa na rin.

Natigil ang tawanan nang may babaeng lumapit sa amin. Kasama ang mga hindi kilalang lalaki sa likod.

Isa lang diyan ang kilala ko.














Kaizer.

Royal Academy: Perfect School For GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon