Royal 68

4.9K 124 9
                                    

Rian's POV (Tres)

"Okay class. Since patapos na rin yung klase, pinapasabi ng assistant principal na lahat ng grade 10 students ay magkakaroon ng team building para na rin daw masulit ang pagkakasama sama ng klase dahil sa makalawa ay graduation na" nakangiting sabi nung teacher.

Yung iba ay natuwa pero meron pa din namang nagreklamo.

"Yes! I'm so excited!"

"Dito pa rin naman yung school natin ah?"

"Woaaah! Sana maganda yung puntahan!"

"Ugh, team building nanaman. Tsk!"

"Okay class, quiet" saway nung guro.

Tumahimik naman sila at nabaling ulit sa guro ang atensyon.

"Sa Quezon Province ang location natin. Gusto din kasi ng assistant principal na may matutununan din tayo sa trip." paliwanag nito.

Ngayon lang ako nakakita ng school na may gala pa rin kahit bakasyon na.

"Are you guys okay with that?" nakangiting tanong nito.

"Wait Ma'am! Ilang araw po tayo doon?" tanong nung isa naming kaklase.

"Five days" sagot ni Miss.

Napangisi naman ako. Siguro ay mas mapapadali ang misyon namin dito.

~•~•~
Zeinah's POV

As usual.

-___-

My hands is fvcking itchy. I want to throw a dozen of katanas straight to this bitchy face.

-____-V

"Excited ako sa trip natin! Magdadala ako ng maraming damit kase I knooow! Magiging madungis ang team building naten!" tuwang tuwa na sabi ni plastic.

Psh. -____-

Kami naman ay hindi nalang siya pinansin.

Gaya ng kahapon ay kumpleto nanaman kami sa table. Wala lang yung kasamang lalaki ng Elyza.

"Hey guys! Are you listening?" maarteng tanong ni plastic.

Walang pumansin sa kanya. Pfft.

"Ugh! Kaizeeeeeer!!" maarteng sigaw nito.

Parang nagulat naman si Kaizer kase mabilis itong umupo ng maayos.

"W-what?" inis na tanong ni Kaizer.

"Narinig mo ba yung nga sinabi ko?" nakasimangot na tanong nito.

"Tss" singhal nito.

"Hey! I'm asking you!" sigaw nito.

Natigil ito ng pabagsak na ibinaba ni Haxel yung tinidor.

"What?" maarteng sabi nito.

"Can you shut that filty mouth of yours?" sabi din ni Haxel na parang ginagaya yung tono ni girl plastic.

Mukhang nagulat pa si plastic kasi dumapo pa ang kanyang kamay sa bibig at may nanlalaki pang mata. Tsk.

"How dare you talk to me like that!" inis na sigaw nito.

Nakaagaw kami ng pansin sa mga kumakain sa canteen.

-___-

"Tss. Kung ayaw mong mapag salitaan ng ganyan ay tumahimik ka nalang sana!" inis din na sigaw ni Haxel.

Mukhang napikon na si Haxel sa ingay ng babaeng to. Siguro ay lahat naiinis na pero walang nagtangkang magsalita.

"Oh shut up! We're not in the library btch!" sigaw nito.

Nilibot ko ang tingin ko sa likod at nakita kong nagbubulong bulongan na ang mga tao sa likod. Fvck. Great.

"Wala din tayo sa palengke! Ang sakit ng tenga ng boses mo! Mukha kang paniki!" sigaw nito.

"Pfft!" nakita ko ang pagpipigil tawa ng mga lalaki.

Including this man on my side. -___- Di manlang ipagtanggol ang girlfriend niya.

"WHAT?!" Nang gagalaiting sigaw ni plastic.

"Ano bingi ka na din?!" nang aasar na sabi ni Haxel.

"Urgh! You bitch!" galit na sigaw nito at mabilis na tumayo at lumapit kay Haxel.

Pipigil pa lang sana namin kaso huli na, nasampal ni plastic si Haxel. Oh, wrong choice plastic. Tsk tsk.

Malakas ang pag kakasampal at namula ang maputing kutis ni Haxel.

Napailing nalang ako. Mukhang makikita niya kung paano gumanti si Haxel.

Tumayo si Haxel at nakangising lumapit kay plastic. Mukhang natakot ito sa paraan ng pag ngisi ni Haxel dahil umatras ito.

*PAK!*

Sinampal ni Haxel si plastic. Hindi lang isa kundi dalawa. Ang pangalawa ay sobrang lakas kaya tumilapon si plastic. At bumagsak pa siya sa may lamesa kaya natabig niya ang mga nakapatong doon. Tumilapon ang mga pagkain at nabasag ang mga baso. Dumaplis pa ito sa kamay niya.

"Owww"

"Hala kawawa si Lalaine!"

"Hala may dugo! Nasugat siya!"

"Ang lakas ni Haxel"

"Buti nga sa kanya!"

Yan lang naman yung mga narinig ko na bulongan sa mga likod. Nakita kong nagtayuan ang mga estudyante sa likod para makiusyoso.

"Sht!" sigaw ni Kaizer at mabilis na lumapit kay plastic.

Ba't ka lumapit?

"O-okay ka lang?" nakita ko ang pag aalala sa mukha nito.

I felt a pang on my chest. Why am I still hurting?

~•~•~
Kaizer's POV

Hindi ko inaasahan ang lakas ng sampal ni Haxel.

"Sht!" napamura ako at mabilis na lumapit sa kanya.

"O-okay ka lang?" nagaalalang tanong ko.

Inalalayan ko siyang tumayo.

"Careful" sabi ko dahil nagkalat ang mga bubog.

Dumudugo ang kamay nito marahil doon sa bubog pag kabagsak niya sa lamesa.

"B-babe" umiiyak na sabi nito.

Nanghihina ito at nahihirapang tumayo kaya mabilis ko itong binuhat.

"Sht! Tabi!" sigaw ko habang buhat buhat si ano-- basta. Tsk!

Nadaanan ko pa si Zeinah na nakakunot ang noo habang nakatingin sa amin.

Mabilis akong dumiretso sa clinic.

"Anong nangyari?" nagaalalang sabi nung nurse.

"Gamutin niyo na muna siya!" natatarantang sabi ko.

Agad naman nitong kinuha ang first aid kit.

"Naku! May bubog ka pa oh!" sabi nung nurse at dahan dahang tinanggal ito.

"A-ah" napadaing ito at kumapit pa sa akin.

"Pakilista na muna ng pangalan niya Mr. sa record book"

Patay.

Dahan dahan pa akong naglakad papunta sa lamesa.

"Okay ka lang Lalaine?" rinig kong tanong ng nurse.

Muntik na akong mapasuntok sa ere ng marinig ko ang pangalan niya.

Lalaine pala hehe.

~~~~
A/N: Thank you po sa mga nagbabasa! <3 pasensya na kung medyo nawala. Galing kasi kami sa bicol at walang signal mga bes! Grabe😂 Halos umakyat ako sa puno ng buko para makasagap ng signal HAHAHAHA SHARUT! Salamat pa rin sa mga naghihintay! <3

Royal Academy: Perfect School For GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon