Royal 48: Continuation

5.2K 152 2
                                    

3rd Person's POV

"Get the baby" nakatulalang utos ni Alexandra.

Grabe ang pagdadalamhati nito dahil sa pagkamatay ng kanyang bunsong anak.

"Do we really need to do this?" tanong ng kanyang asawa.

Hindi ito sang ayon sa asawa. Kaibigan niya sila Kairo at ayaw nitong masaktan ang kaibigan.

"Yes. And besides, nagpakuha na rin naman ako ng magiging kapalit ng anak niya" ngumiti ito ng parang baliw.

Maging ang asawa ay natakot sa itsura ni Alexandra.

"D-dad" natatakot na tawag ni Zach.

"Yes baby?" nakangiting tanong ng ama.

"W-why is mommy like that? S-she's scary" ani ng anak.

"A-and where's our little brother? Why is he not home yet" inosenteng tanong nito.

Napaluha naman Kriston dahil sa inosenteng tanong ni Zachary. Dinala niya ito sa labas ng kwarto.

"U-uhm. M-mommy is just sad because your sister is not home yet" palusot ni Kriston.

"Sister? You said that my brother is a boy" sabi ng bata.

"W-well let's see" tanging sambit ng ama.

Dumating ang mga inutusan ni E
Alexandra na may dalang dalawang sanggol. Umiiyak ito habang karga ng dalawang lalaki.

"Bakit dalawa?" tanong ni Xandra.

"Ma'am, kambal po ang anak ni Miss Elizabeth. Hindi niya alam kaya mas napadali ang pagkuha namin" sambit ng tauhan.

Napangiti naman ni Alexandra habang tinitignan ang babae at lalaki na sanggol habang umiiyak.

"Give me the baby" utos nito.

Binigay sa kanya ang babae at pinadede niya ito. Masaya naman siya habang ang asawa ay napailing nalang sa kanyang ginawa.

Ilang beses niya pa itong pinigilan ngunit nagmatigas si Xandra.

End of Flashback...

Napaluha si Kaizer at Zeinah sa mga nalaman.

"Now Alexandra, ako ba talaga ang kalaban... O kayo?" tanong ni Felicidad.

Tumulo din ang luha ni Xandra.

"Nalaman ko ang mga kahayupang pinaggagagawa niyo! Ngunit nanatili akong tahimik. Sapat na siguro ang panahon na binigay ko sa inyo! Binabawi ko na ang APO ko" seryosong saad nito.

"E-elizabeth. I-i'm sorry" lumuluhang saad ni Xandra.

Dinaluhan naman siya ng asawa niya.

Napatulala habang lumuluha si Kaizer. Hindi niya alam na ang babaeng mahal niya ang dahil kung bakit kulang ang pagmamahal na bigay sa kanya ng kanyang magulang.

"N-nasaktan ako ng malaman na namatay ang apo kong lalaki. Ang kakambal ni Zeinah. Ngunit nanatili akong tahimik dahil ayaw kong masaktan ang anak ko" naluluhang saad nito.

"Is it true, Xandra?" tanong ni Elizabeth.

"Y-yes" nakayukong sambit nito habang humahagulhol.

"Kaibigan kita. Sa lahat, ikaw ang pinakamalapit sa akin" sambit ni Elizabeth.

Paulit ulit lang na humihingi ng tawad si Xandra.

*BLAG!

Nagulat sila nang biglang bumukas ang pinto. Niluwa noon ang Royal Rulers at si Zach, Zander, Zerene at Dessa.

Kasabay din non ang pagpasok ng mga magulang nila.

"Oh, we have a family reunion here" kunwaring nagulat na sambit ni Felicidad.

"Shut up, old hag" bastos na pagkakasabi ng tatay ni Jaymin.

"Tss, wag kang umakto na parang wala kang ginawang masama. Remember? Ikaw ang nagutos sa anak mong si Jaymin na pumatay" seryosong saad nito.

"I know, baka nakakalimutan mo din na lahat ng napatay na iyon ay kasabwat mo" sabi nito na ikinalaki ng mata ng matanda.

"H-how?--"

"I have connections"

"A-all this time Mom? Alam mo na ang lahat ng nangyayari sa school na ito?" napaupo si Elizabeth dahil sa mga nalalaman.

Parang nawala ang pagiging malamig at seryoso nito.


"N-no. He's just lying! Lahat ng sinabi niya ay kasinungalingan lamang! Huwag niyong paniwalaan iyan!" naghihysterical na sambit ni Felidad.

May sinenyasan sa likod ang ama ni Jaymin at lumabas doon si Nicole.

"Johanna Nicole Sardea. Ang saksi sa lahat ng iyong ginawa. Isa sa mga assasins ng Park Mafia"



~~~~
A/N: January 1 pa rin naman kaya hindi pa late bumati, hahaha! Happy New Year readers! Salamat sa mga patuloy na nagbabasa ng story ko. Yay! Thanks!

Royal Academy: Perfect School For GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon