Royal 59: Sagutan

5K 144 1
                                    

Xyro's POV

Nagkita kita kaming lahat pagkatapos ng klase.

"Tara canteen na tayo!" yaya ni Nathan.

Tsk. Patay gutom talaga -___-

Dahil sa nagugutom na rin kami at nakakatuyo ng utak ang first subject namin at iyon ay ang math -___- buti pa sila Krave tch.

~~~
Papunta na kami sa paboritong pwesto namin nang makita naming may mga nakaupo dito.

Agad namang lumapit si Kraven at kinalabit ang babaeng nakatalikod.

That girl looks familiar. I think I saw her somewhere.

"Uhm, excuse me Miss, that's our seat" sabi ni Kraven.

Nagulat naman ako ng agad na tumayo ito at nakayukong umalis. Kita ko din ang pagtataka ng mga kasama niya at agad ding umalis sa upuan, para silang mga saong nakasunpd doon sa mga babae.

"Wow magic!" tuwang sabi ni Kraven.

Umupo na kami at sinenyasan ang lalaki sa bilihan, lumapit naman ito at sinabi na namin ang order namin.

Lumingon kami nang magsigawan ulit ang mga babae. Tsk, mga babae talaga, makakita lang ng lalaki mga nababaliw na.

Nakita namin kung paano bumangga yung babae dun kay Kaizer. Ramdam kong sinadya iyon ni Kaizer. Napalakas ang pagbangga niya dun sa babae kaya bumangga ito sa lamesa at tumumba.

"Queen!" sigaw nung mga kasama niya.

Queen? Huh.

"Sa tingin ko ay bago lang sila" sabi ni Cass.

"Yeah" sangayon naman ni Haxel at Nicole.

Tinulungan nilang tumayo yung babae at nakita ko pang nagtitigan sila ni Kaizer. Parang balewala lang naman kay Kaizer ang nangyayari.

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo" malamig na sabi ni Kaizer.

"Hay nakikipagaway nanaman siya.." sabi ni Jaymin.

"Ngayon ko lang siyang nakitang umaway ng babae" sabi sa kanya ni Nicole.

"Nakayuko ako, ikaw yung nakatingin dyan pero hindi mo manlang nagawang umiwas" dinig kong sabi nung babae.

Parang pamilyar ang boses nito.

Yung mga estudyante naman ay busy sa kapapanood sa kanilang dalawa. Yung mga kasamahan ni Kaizer ay tuwang tuwa sa nangyayari.

"I don't want anything or anyone blocking my way" maangas na sabi ni Kaizer.

Lumakad ito at binangga sa balikat yung babae.

Napasinghap kami nang humarap yung babae. Nabitawan pa nila Nathan yung hawak nilang popcorn.

"Tss, edi sana nagpagawa ka ng sarili mong daanan!" inis na sigaw nung babae.

"Ha! Ba't pa 'ko magpapagawa? Alam naman ng lahat kung sino ako, sila na mismo ang umiiwas, at dapat! Ganun din ang gawin mo" sabi pa ni Kaizer.

Pero nawala doon ang focus namin. Nakatingin lang ako kay Zeinah. Siya pala yung nakaupo kanina dito sa pwesto namin, siya din yung kinalabit ni Kraven.

Nakita kong umirap si Zeinah kay Kaizer at pumihit na para umalis.

Woah! Si Zeinah Sy ng Heartless Gang ay nagpatalo sa isang sagutan? First time 0__0

"Sht, nananaginip ba 'ko?" rinig ko pang tanong ni Nathan.

"Parehas ata tayo ng panaginip" sabi naman ni Haxel.

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na sumimangot.

"Sundan natin!" biglang sigaw ni Cassandra.

~•~•~
Zeinah's POV

Fvcking sht. I can't believe na matatalo niya ako sa isang sagutan. Masyado na siyang naging mahangin ngayon.

"Una, yung doon sa pwesto natin. Pangalawa, yung tungkol dun sa sagutan nila ng hindi kilalang lalaki kanina. What the hell happened to the world?!" sigaw ni Quatro.

"Tss" umirap ako.

"Looks like that guys is famous in this school. Ano kayang mangyayari sa ginawa mo Queen?" excited na tanong ni Cingko at inakbayan pa ko.

Inalis ko ang pagkakaakbay niya sakin at inirapan siya, "Don't even do that, Aquino" sabi ko kay Cingko.

"That guys is oh so freaking hot" sabi ni Tres na walang ginawa kundi atupagin ang mga lalaki. Tsk.

"He's so arrogant" komento ni Dos.

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nila. Iniisip ko kung saan na kami tatambay ngayon, sigurado akong kami nanaman ang pagchi tsismisan ng mga estudyante dito. Well, ganun naman talaga.

Kumukulo pa rin ang dugo ko dahil sa paraan ng pagsagot sa akin ni Kaizer kanina. Hindi manlang pumasok sa isip niya na kinabaliwan niya a--- nevermind.

"Sht!" sambit ko nang may dumamba sa likod ko.

Kumirot yung likod ko.

Humarap ako at sinalubong ng suntok ang dumamba sa likod ko.

"Woah shit!" sigaw nila.

Bumulagta si Xyro sa sahig.

"Fvck" nanlaki ang mata nito na tila nahimasmasan.

Salubong ang kilay na tinignan ko si Xyro. Tumayo ito at hinawakan ang pisngi na nasuntok ko.

"Ang lakas ng suntok mo" reklamo nito.

Sigurado akong magpapasa ito.

"ZEINAAAAAH!" napaatras ako nang tumakbo sila Jaymin papunta sakin.

Nilapitan nila ako at sinalubong ng yakap.

Napatawa nalang ako at ginantihan ang yakap nila.

"Ba't ngayon ka lang nagpakita?" natatawa na sabi ni Haxel habang may natulong luha sa pisngi.

Nakakamiss din.

Royal Academy: Perfect School For GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon